Add parallel Print Page Options

11 Sapagka't (A)mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, (B)magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; (C)at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: (D)sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay (E)nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.

13 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang (F)pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: (G)tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.

Read full chapter