The oracle of the word of the Lord to Israel by Malachi.[a]

The Lord's Love for Israel

(A)“I have loved you,” says the Lord. (B)But you say, “How have you loved us?” “Is not Esau (C)Jacob's brother?” declares the Lord. “Yet (D)I have loved Jacob but Esau I have hated. (E)I have laid waste his hill country and left his heritage to jackals of the desert.” If Edom says, “We are shattered but we will rebuild the ruins,” the Lord of hosts says, “They may build, but I will tear down, and they will be called ‘the wicked country,’ and ‘the people with whom the Lord is angry forever.’” (F)Your own eyes shall see this, and you shall say, “Great is the Lord beyond the border of Israel!”

The Priests' Polluted Offerings

(G)“A son honors his father, and a servant his master. If then I am (H)a father, where is my honor? And if I am (I)a master, where is my fear? says the Lord of hosts to you, O priests, who despise my name. (J)But you say, ‘How have we despised your name?’ (K)By offering polluted food upon my altar. (L)But you say, ‘How have we polluted you?’ By saying that (M)the Lord's table may be despised. (N)When you offer blind animals in sacrifice, is that not evil? And when you offer those that are lame or sick, is that not evil? Present that to your governor; will he accept you or show you favor? says the Lord of hosts. And now (O)entreat the favor of God, that he may be gracious to us. With such a gift from your hand, (P)will he show favor to any of you? says the Lord of hosts. 10 (Q)Oh that there were one among you who would shut the doors, that you might not kindle fire on my altar in vain! I have no pleasure in you, says the Lord of hosts, (R)and I will not accept an offering from your hand. 11 For from the rising of the sun to its setting my name (S)will be[b] great among the nations, and in every place incense will be offered to my name, and a pure offering. For my name (T)will be great among the nations, says the Lord of hosts. 12 But you profane it when you say that (U)the Lord's table is polluted, and its fruit, that is, its food may be despised. 13 But you say, (V)‘What a weariness this is,’ and you snort at it, says the Lord of hosts. (W)You bring what has been taken by violence or is lame or sick, and this you bring as your offering! Shall I accept that from your hand? says the Lord. 14 Cursed be the cheat who has (X)a male in his flock, and (Y)vows it, and yet sacrifices to the Lord what is blemished. For (Z)I am a great King, says the Lord of hosts, and my name (AA)will be feared among the nations.

Footnotes

  1. Malachi 1:1 Malachi means my messenger
  2. Malachi 1:11 Or is (three times in verse 11; also verse 14)

Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias.

Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y inibig ko si Jacob;

Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang.

Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man.

At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel.

Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?

Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak.

At pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

10 Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog sa inyong kamay.

11 Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

12 Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.

13 Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.

14 Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.