Add parallel Print Page Options

Ipinahayag ng Anghel ang Kapanganakan ni Juan na Tagapagbawtismo

Sa mga araw ni Herodes, ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang pangalan ay Zacarias. Kasama siya sa pangkat ni Abias. Ang kaniyang asawa ay isa sa mga anak na babaeng mula sa angkan ni Aaron na nagngangalang Elisabet.

Sila ay kapwa matuwid sa harapan ng Diyos. Namumuhay silang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga tuntunin ng Panginoon. Wala silang anak sapagkat si Elisabet ay baog at sila ay kapwa matanda na.

Dumating ang panahon upang ganapin ni Zacarias ang paglilingkod bilang saserdote sa harapan ng Diyos ayon sa kaugalian ng kaniyang pangkat. Ayon sa kaugalian ng paglilingkod bilang saserdote, nakamit niya sa palabunutan ang magsunog ng kamangyan nang siya ay pumasok sa banal na dako ng Diyos. 10 Ang buong karamihan ng mga tao ay nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng kamangyan.

11 At isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng kamangyan.

Read full chapter