Lucas 1:26-35
Ang Biblia, 2001
Ipinahayag ang Kapanganakan ni Jesus
26 Nang ikaanim na buwan,[a] sinugo ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang bayan ng Galilea, na tinatawag na Nazaret,
27 sa(A) isang birheng nakatakdang ikasal sa isang lalaki, na ang pangalan ay Jose, mula sa sambahayan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria.
28 Lumapit ang anghel sa kanya, at sinabi, “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang Panginoon ay sumasaiyo.”[b]
29 Subalit siya'y lubhang naguluhan sa sinabing iyon at inisip niya sa kanyang sarili kung anong uri ng pagbati kaya ito.
30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakatagpo ka ng paglingap sa Diyos.
31 At ngayon,(B) maglilihi ka sa iyong sinapupunan at magsisilang ka ng isang anak na lalaki, at tatawagin mo siya sa pangalang Jesus.
32 Siya'y(C) magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David.
33 Siya'y maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman at hindi magwawakas ang kanyang kaharian.”
34 Sinabi ni Maria sa anghel, “Paanong mangyayari ito, samantalang ako'y wala pang nakikilalang[c] lalaki.”
35 At sumagot ang anghel sa kanya, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya't ang batang banal ay tatawaging Anak ng Diyos.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 1:26 IKAANIM NA BUWAN: Tingnan ang talata 36.
- Lucas 1:28 Sa ibang mga kasulatan ay idinagdag ang Pinagpala ka sa lahat ng mga babae .
- Lucas 1:34 Wala pang karanasan sa pakikipagtalik .