Lucas 8
Ang Dating Biblia (1905)
8 At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya'y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios, at kasama niya ang labingdalawa,
2 At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,
3 At si Juana na asawa ni Chuza, katiwala ni Herodes, at si Susana, at iba pang marami na ipinaglilingkod sa kanila ang kanilang tinatangkilik.
4 At nang magkatipon ang malaking karamihang tao, at ang mga mula sa bawa't bayan na nagsadya sa kaniya, ay nagsalita siya sa pamamagitan ng isang talinghaga:
5 Ang manghahasik ay yumaon upang maghasik ng kaniyang binhi: at sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nangahulog sa tabi ng daan; at napagyapakan, at ito'y kinain ng mga ibon sa langit.
6 At ang iba'y nahulog sa batuhan; at pagsibol, ay natuyo, sapagka't walang halumigmig.
7 At ang iba'y nahulog sa mga dawagan; at tumubong kasama ang mga dawag, at yao'y ininis.
8 At ang iba'y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tigiisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.
9 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, kung ano kaya ang talinghagang ito.
10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
11 Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios.
12 At ang mga sa tabi ng daan, ay ang nangakinig; kung magkagayo'y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas.
13 At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay.
14 At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila'y nagsisiyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.
15 At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubunga may pagtitiis.
16 At walang taong pagkapaningas niya ng ilawan ay tinatakpan ng isang banga, o inilalagay kaya ito sa ilalim ng isang higaan; kundi inilalagay ito sa talagang lalagyan, upang makita ng nagsisipasok ang ilaw.
17 Sapagka't walang bagay na natatago, na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag.
18 Ingatan ninyo kung paano ang inyong pakikinig: sapagka't sino mang mayroon ay bibigyan; at ang sinomang wala, pati ng inaakala niyang nasa kaniya ay aalisin.
19 At nagsiparoon sa kaniya ang kaniyang ina at mga kapatid, at sila'y hindi mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan ng tao.
20 At may nagsabi sa kaniya, Nangakatayo sa labas ang iyong ina at iyong mga kapatid, na ibig nilang makita ka.
21 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Ang aking ina at ang aking mga kapatid ay itong nangakikinig ng salita ng Dios, at ginagawa.
22 Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya'y lumulan sa isang daong, siya at ang kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng dagatdagatan: at sila'y nagsitulak.
23 Datapuwa't samantalang sila'y nangaglalayag, siya'y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila'y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban.
24 At sila'y nangagsilapit sa kaniya at siya'y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo'y mangamamatay. At siya'y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon.
25 At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa'y nangatakot sila'y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito, na siya'y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya'y tinatalima nila?
26 At sila'y nagsidating sa lupain ng mga Gadareno, na nasa tapat ng Galilea.
27 At pagkalunsad niya sa lupa, siya'y sinalubong ng isang lalaking galing sa bayan, na may mga demonio; at malaong panahon na hindi siya nagdaramit, at hindi tumatahan sa bahay, kundi sa mga libingan.
28 At nang makita niya si Jesus, siya'y sumigaw, at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi ng malakas na tinig, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? Ipinamamanhik ko sa iyo, na huwag mo akong pahirapan.
29 Sapagka't ipinagutos niya sa karumaldumal na espiritu na lumabas sa tao. Sapagka't madalas siyang inaalihan: at siya'y binabantayan at gapos ng mga tanikala at mga damal; at pagka pinapatid ang gapos ay siya'y itinataboy ng demonio sa mga ilang.
30 At tinanong siya ni Jesus, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya, Pulutong; sapagka't maraming demonio ang nagsipasok sa kaniya.
31 At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman.
32 Doon nga'y may isang kawan ng maraming baboy na nagsisipanginain sa bundok: at ipinamanhik nila sa kaniya na pabayaang sila'y magsipasok sa mga yaon. At sila'y pinahintulutan niya.
33 At nagsilabas ang mga demonio sa tao, at nagsipasok sa mga baboy: at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagatdagatan, at nangalunod.
34 At nang makita ng nagsisipagalaga ng mga yaon ang nangyari, ay nagsitakas, at isinaysay sa bayan at sa bukid.
35 At sila'y nagsilabas upang makita ang nangyari; at nagsilapit sila kay Jesus, at kanilang naratnan sa paanan ni Jesus ang taong nilabasan ng mga demonio, na nakaupo, may pananamit, at matino ang kaniyang bait: at sila'y nangatakot.
36 At sa kanila'y isinaysay ng nangakakita kung paanong pinagaling ang inaalihan ng mga demonio.
37 At ipinamanhik sa kaniya ng lahat ng mga tao sa palibotlibot ng lupain ng mga Gadareno na siya'y umalis sa kanila, sapagka't sila'y napipigilan ng malaking takot: at siya'y lumulan sa daong, at nagbalik.
38 Datapuwa't namanhik sa kaniya ang taong nilabasan ng mga demonio, na siya'y ipagsama niya: datapuwa't siya'y pinaalis niya, na sinasabi,
39 Umuwi ka sa iyong bahay, at ipahayag mo kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa ng Dios sa iyo. At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, na ibinabalita sa buong bayan, kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus.
40 At sa pagbalik ni Jesus, ay sinalubong siyang may galak ng karamihan; sapagka't hinihintay siya nilang lahat.
41 At narito, lumapit ang isang lalaking nagngangalang Jairo, at siya'y isang pinuno sa sinagoga: at siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus, at ipinamamanhik sa kaniya, na pumasok sa kaniyang bahay;
42 Sapagka't siya'y may isang bugtong na anak na babae, na may labingdalawang taong gulang, at siya'y naghihingalo. Datapuwa't samantalang siya'y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan.
43 At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan, na ginugol sa mga manggagamot ang lahat niyang pagkabuhay, at sinoma'y walang makapagpagaling sa kaniya,
44 Ay lumapit sa kaniyang likuran, at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit at pagdaka'y naampat ang kaniyang agas.
45 At sinabi ni Jesus, Sino ang humipo sa akin? At nang tumatanggi ang lahat, ay sinabi ni Pedro, at ng mga kasamahan niya, Guro, iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan.
46 Datapuwa't sinabi ni Jesus, May humipo sa akin, sapagka't naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin.
47 At nang makita ng babae na siya'y hindi nalingid, ay lumapit siya na nangangatal, at nagpatirapa sa harapan niya na isinasaysay sa harapan ng buong bayan ang dahil kung bakit siya'y hinipo niya, at kung paanong gumaling siya kapagdaka.
48 At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa.
49 Samantalang nagsasalita pa siya ay dumating ang isa na mula sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae; huwag mong bagabagin ang Guro.
50 Datapuwa't nang marinig ito ni Jesus ay sumagot sa kaniya, Huwag kang matakot: manampalataya ka lamang, at siya'y gagaling.
51 At nang dumating siya sa bahay, ay hindi niya ipinahintulot na pumasok na kasama niya ang sinomang tao, maliban na kay Pedro, at kay Juan, at kay Santiago, at ang ama ng dalaga at ang ina nito.
52 At tumatangis ang lahat, at pinananambitanan ang dalaga: datapuwa't sinabi niya, Huwag kayong magsitangis; sapagka't siya'y hindi patay, kundi natutulog.
53 At tinawanan nila siya na nililibak, na napagaalamang siya'y patay na.
54 Datapuwa't tinangnan niya sa kamay, at tinawag, na sinasabi, Dalaga, magbangon ka.
55 At nagbalik ang kaniyang espiritu, at siya'y nagbangon pagdaka: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain.
56 At nangagtaka ang kaniyang mga magulang: datapuwa't ipinagbilin niya sa kanila na huwag sabihin kanino man ang kaniyang ginawa.
Lucas 8
Ang Salita ng Diyos
8 Pagkatapos na mangyari ito, si Jesus ay naglakbay sa bawat lungsod at sa bawat nayon. Siya ay nangangaral at naghahayag ng ebanghelyo patungkol sa paghahari ng Diyos. Ang labindalawang alagad ay kasama niya. 2 Kasama rin niya ang ilang mga babae na pinagaling mula sa masamang espiritu at sakit. Kasama nila si Maria na tinaguriang Magdala na nilabasan ng pitong demonyo. 3 Kasama rin si Joana na asawa ni Chuza, na isang tagapangasiwa ng sambahayan ni Herodes. Kasama rin si Susana at ang marami pang iba. Naglilingkod sila sa kaniya ng mula sa kanilang mga ari-arian.
Ang Talinghaga Patungkol sa Manghahasik
4 Nagtipun-tipon ang napakaraming mga tao at ang mga nanggaling sa bawat lungsod ay pumunta sa kaniya. Nagsalita siya sa pamamagitan ng talinghaga.
5 Ang manghahasik ay lumabas upang ihasik ang kaniyang binhi. Sa kaniyang paghahasik ang ilan ay nahulog sa tabi ng daan at ito ay naapakan. Ito ay kinain ng mga ibon sa langit. 6 Ang iba ay nahulog sa bato. Nang ito ay umusbong, ito ay natuyo dahil sa kakulangan ng hamog. 7 Ang iba ay nahulog sa dawagan. Kasabay nitong umusbongang mga dawag at ito ay nasiksik ng mga dawag. 8 Ang iba ay nahulog sa matabang lupa. Umusbong ang mga ito at namunga ng isang daan.
Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, sumigaw siya: Ang may pandinig ay makinig.
9 Tinanong siya ng kaniyang mga alagad: Ano kaya ang kahulugan ng talinghagang ito? 10 Sinabi niya: Ipinagkaloob sa inyo ang makaalam ng mga hiwaga ng paghahari ng Diyos ngunit sa iba ay nagsalita ako sa pamamagitan ng mga talinghaga.
Ito ay upang sa pagtingin ay hindi sila makatalos at sa pagdinig ay hindi sila makaunawa.
11 Ngayon, ang talinghaga ay ito: Ang binhi ay ang Salita ng Diyos. 12 Ang mga nasa tabing-daan ay ang mga nakikinig. Dumating ang diyablo at kinuha ang salita mula sa kanilang mga puso. Ito ay upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13 Ang mga nasa bato ay sila, na nang makarinig ay may kagalakang tinanggap ang salita. Ang mga ito ay walang mga ugat na sa ilang panahon ay sumampalataya. Sa panahon ng pagsubok sila ay lumayo. 14 Ngunit ang mga nahulog sa dawag ay sila na mga nakarinig. At nang sila ay humayo, sila ay nasakal ng mga kabalisahan at mga kayamanan at mga kasiyahan ng buhay. Hindi sila lumago. 15 Ang mga nahulog sa matabang lupa ay ang mga nakarinig ng salita at tumanggap nito. Tinanganan nila ito na may marangal at mabuting puso. Sila ay nasumpungang may pagtitiis.
Ang Ilawan sa Lagayan ng Ilaw
16 Walang sinumang nagsisindi ng ilawan at pagkatapos ay tinatakpan ng banga. Wala ring nagsisindi ng ilawan at inilalagay ito sa ilalim ng higaan. Ito ay inilalagay sa lagayan ng ilawan upang ang liwanag nito ay makita ng mga pumapasok.
17 Ito ay sapagkat walang anumang nakatago na hindi mahahayag. Wala ring anumang lihim na hindi malalaman at maliliwanagan. 18 Mag-ingat nga kayo sa inyong pakikinig sapagkat sa sinumang mayroon, siya ay bibigyan pa. Sa sinumang wala, maging ang inaakala niyang sa kaniya ay kukunin pa sa kaniya.
Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus
19 Sa oras na iyon, pumunta kay Jesus ang kaniyang ina at mga kapatid na lalaki. Hindi sila makalapit sa kaniya dahil sa napakaraming tao.
20 May nagsabi sa kaniya: Ang iyong ina at mga kapatid na lalaki ay nasa labas. Nais ka nilang makita.
21 Sinabi niya sa kanila: Ang aking ina at mga kapatid ay sila na nakikinig at gumagawa ng Salita ng Diyos.
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo
22 At isang araw, nangyari na si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay sumakay sa isang bangka. Sinabi niya sa kanila: Pumunta tayo sa kabilang ibayo ng lawa. At sila ay pumalaot.
23 Habang sila ay naglalayag, si Jesusay nakatulog. Dumating ang isang unos sa lawa. Sila ay nanganib sapagkat napupuno ng tubig ang bangka.
24 Pagpunta nila sa kaniya, siya ay ginising nila. Kanilang sinabi: Guro, Guro, mapapahamak kami!
Paggising niya, sinaway niya ang hangin at alon ng tubig. Tumigil ang mga ito at nagkaroon ng kapayapaan.
25 Sinabi niya sa kanila: Nasaan ang inyong pananampalataya?
Sila ay natakot at namangha. Sinabi nila sa isa’t isa: Sino ang taong ito na kahit ang hangin at tubig ay inuutusan niya at sinusunod siya ng mga ito?
Pinagaling ni Jesus ang Inaalihan ng Demonyo
26 Sila ay naglayag at dumating sa lalawigan ng mga taga-Gadara na katapat ng Galilea.
27 Nang lumunsad na siya sa lupa, sumalubong sa kaniya ang isang lalaking mula sa lungsod na matagal nang may mga demonyo. Siya ay walang damit at hindi naninirahan sa bahay kundi sa mga puntod. 28 Nang makita niya si Jesus, sumigaw siya at nagpatirapa sa harap niya. Nagsalita ng malakas. Sinabi niya: Ano ang kaugnayan natin sa isa’t isa, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Ipinamamanhik ko sa iyo, huwag mo akong pahirapan. 29 Sinabi ito ng lalaki sapagkat inutusan niya ang karumal-dumal na espiritu na lumabas mula sa lalaki. Kadalasan, hinuhuli siya ng demonyo. Siya ay binabantayan nila at iginagapos ng tanikala at pangaw. At pinapatid niya ang gapos. Pagkatapos niyang patirin ang gapos, itinaboy siya ng demonyo sa ilang.
30 Tinanong siya ni Jesus na sinasabi: Ano ang pangalan mo?
Sinabi niya: Hukbo. Ito ay sapagkat maraming demonyo ang nakapasok sa kaniya.
31 Ipinamanhik niya kay Jesus na huwag silang utusang pumunta sa walang hanggang kalaliman.
32 Doon ay may isang kawan ng baboy na nanginginain sa bundok. Ipinamanhik sa kaniya ng mga demonyo na payagan silang pumasok sa mga iyon at sila ay pinayagan niya. 33 Lumabas ang mga demonyo sa lalaki at pumasok sa mga baboy. At ang kawan ay mabilis na tumakbong palusong tuloy-tuloy sa lawa at ang lahat ay nalunod.
34 Nang makita ng mga nagpapakain ng mga baboy ang nangyari, tumakbo silang palayo. At sa kanilang pag-alis, iniulat nila ito sa mga nasa lungsod at sa mga nasa karatig na kabukiran. 35 Ang mga tao ay pumunta roon upang tingnan kung ano ang nangyari. Pumunta sila kay Jesus at nakita nila ang lalaking nilabasan ng mga demonyo. Nakaupo siya sa paanan ni Jesus, may damit at nasa wastong pag-iisip. At natakot ang mga tao. 36 Ang mga nakakita rin ng nangyari ay nag-ulat sa kanila. Sinabi nila kung papaano gumaling ang lalaking inalihan ng mga demonyo. 37 Ang buong karamihan ng taga-Gadara at sa palibot nito ay humiling kay Jesus na umalis siya sa kanilang lupain sapagkat sila ay pinagharian ng takot. Sumakay si Jesus sa bangka at bumalik sa kaniyang pinanggalingan.
38 Ang lalaking nilabasan ng mga demonyo ay nagsusumamo sakaniya na makasama sa kaniya. Ngunit pinaalis siya ni Jesus. 39 Sinabi sa kaniya: Bumalik ka sa iyong bahay. Isalaysay mo ang lahat ng ginawa sa iyo ng Diyos. At umalis siya na inihahayag sa buong lungsod ang lahat ng ginawa ni Jesus sa kaniya.
Ang Babaeng May Sakit at ang Patay na Batang Babae
40 Nangyari, na sa pagbalik ni Jesus, malugod siyang tinanggap ng mga tao sapagkat silang lahat ay naghihintay sa kaniya.
41 Narito, isang lalaking nagngangalang Jairus na pinuno ng sinagoga ang lumapit sa kaniya. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus. Ipinamanhik niya kay Jesus na pumunta sa kaniyang bahay. 42 Ito ay sa dahilang ang kaniyang tanging anak na babae ay malapit ng mamatay. Siya ay labindalawang taong gulang na.
Nang pumunta siya, nagsiksikan sa kaniya ang maraming tao.
43 Isang babae ang naroon na dinurugo sa loob ng labindalawang taon. Nagugol na niya sa mga manggagamot ang lahat ng kaniyang kabuhayan. Walang sinumang nakapagpagaling sa kaniya. 44 Ang babae ay pumunta sa likuran ni Jesus at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit. Ang pagdurugo niya ay dagliang naampat.
45 Sinabi ni Jesus: Sino ang humipo sa akin?
Nang ang lahat ay tumanggi, si Pedro at ang mga kasama niya ay nagsabi: Guro, napapaligiran ka at sinisiksik ng mga tao at pagkatapos ay sasabihin mo: Sino ang humipo sa akin?
46 Sinabi ni Jesus: May humipo sa akin dahil alam kong may kapangyarihang lumabas sa akin.
47 Nang makita ng babae na hindi siya makakapagtago, lumapit siya na nanginginig. Nagpatirapa siya sa harapan ni Jesus. Isinalaysay niya sa kaniya sa harap ng lahat ng mga tao ang dahilan ng paghipo niya sa kaniya at kung papaano siya dagliang gumaling. 48 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Anak, lakasan mo ang loob mo. Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo. Humayo kang payapa.
49 Habang nagsasalita siya, may isang dumating mula sa tahanan ng pinuno ng sinagoga. Sinabi nito sa kaniya: Patay na ang anak mo. Huwag mo nang abalahin ang guro.
50 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kaniya: Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at gagaling siya.
51 Pagpasok niya sa bahay, hindi niya pinahintulutan pumasok ang sinuman. Ang pinapasok lang niya ay sina Pedro, Santiago at Juan at ang ina at ama ng bata. 52 Silang lahat ay nananangis at nananaghoy sa kaniya. Sinabi ni Jesus: Huwag kayong tumangis. Hindi siya patay kundi natutulog.
53 Tinawanan nila si Jesus na may panglilibak dahil alam nilang ang bata ay patay na. 54 Ngunit nang mapalabas na niya silang lahat, hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at tinawag na sinasabi: Anak, bumangon ka. 55 Ang kaniyang espiritu ay bumalik at siya ay bumangon kaagad. Nag-utos si Jesus na bigyan ng makakain ang bata. 56 Ang kaniyang mga magulang ay namangha. Inutusan niya sila na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.
Luke 8
King James Version
8 And it came to pass afterward, that he went throughout every city and village, preaching and shewing the glad tidings of the kingdom of God: and the twelve were with him,
2 And certain women, which had been healed of evil spirits and infirmities, Mary called Magdalene, out of whom went seven devils,
3 And Joanna the wife of Chuza Herod's steward, and Susanna, and many others, which ministered unto him of their substance.
4 And when much people were gathered together, and were come to him out of every city, he spake by a parable:
5 A sower went out to sow his seed: and as he sowed, some fell by the way side; and it was trodden down, and the fowls of the air devoured it.
6 And some fell upon a rock; and as soon as it was sprung up, it withered away, because it lacked moisture.
7 And some fell among thorns; and the thorns sprang up with it, and choked it.
8 And other fell on good ground, and sprang up, and bare fruit an hundredfold. And when he had said these things, he cried, He that hath ears to hear, let him hear.
9 And his disciples asked him, saying, What might this parable be?
10 And he said, Unto you it is given to know the mysteries of the kingdom of God: but to others in parables; that seeing they might not see, and hearing they might not understand.
11 Now the parable is this: The seed is the word of God.
12 Those by the way side are they that hear; then cometh the devil, and taketh away the word out of their hearts, lest they should believe and be saved.
13 They on the rock are they, which, when they hear, receive the word with joy; and these have no root, which for a while believe, and in time of temptation fall away.
14 And that which fell among thorns are they, which, when they have heard, go forth, and are choked with cares and riches and pleasures of this life, and bring no fruit to perfection.
15 But that on the good ground are they, which in an honest and good heart, having heard the word, keep it, and bring forth fruit with patience.
16 No man, when he hath lighted a candle, covereth it with a vessel, or putteth it under a bed; but setteth it on a candlestick, that they which enter in may see the light.
17 For nothing is secret, that shall not be made manifest; neither any thing hid, that shall not be known and come abroad.
18 Take heed therefore how ye hear: for whosoever hath, to him shall be given; and whosoever hath not, from him shall be taken even that which he seemeth to have.
19 Then came to him his mother and his brethren, and could not come at him for the press.
20 And it was told him by certain which said, Thy mother and thy brethren stand without, desiring to see thee.
21 And he answered and said unto them, My mother and my brethren are these which hear the word of God, and do it.
22 Now it came to pass on a certain day, that he went into a ship with his disciples: and he said unto them, Let us go over unto the other side of the lake. And they launched forth.
23 But as they sailed he fell asleep: and there came down a storm of wind on the lake; and they were filled with water, and were in jeopardy.
24 And they came to him, and awoke him, saying, Master, master, we perish. Then he arose, and rebuked the wind and the raging of the water: and they ceased, and there was a calm.
25 And he said unto them, Where is your faith? And they being afraid wondered, saying one to another, What manner of man is this! for he commandeth even the winds and water, and they obey him.
26 And they arrived at the country of the Gadarenes, which is over against Galilee.
27 And when he went forth to land, there met him out of the city a certain man, which had devils long time, and ware no clothes, neither abode in any house, but in the tombs.
28 When he saw Jesus, he cried out, and fell down before him, and with a loud voice said, What have I to do with thee, Jesus, thou Son of God most high? I beseech thee, torment me not.
29 (For he had commanded the unclean spirit to come out of the man. For oftentimes it had caught him: and he was kept bound with chains and in fetters; and he brake the bands, and was driven of the devil into the wilderness.)
30 And Jesus asked him, saying, What is thy name? And he said, Legion: because many devils were entered into him.
31 And they besought him that he would not command them to go out into the deep.
32 And there was there an herd of many swine feeding on the mountain: and they besought him that he would suffer them to enter into them. And he suffered them.
33 Then went the devils out of the man, and entered into the swine: and the herd ran violently down a steep place into the lake, and were choked.
34 When they that fed them saw what was done, they fled, and went and told it in the city and in the country.
35 Then they went out to see what was done; and came to Jesus, and found the man, out of whom the devils were departed, sitting at the feet of Jesus, clothed, and in his right mind: and they were afraid.
36 They also which saw it told them by what means he that was possessed of the devils was healed.
37 Then the whole multitude of the country of the Gadarenes round about besought him to depart from them; for they were taken with great fear: and he went up into the ship, and returned back again.
38 Now the man out of whom the devils were departed besought him that he might be with him: but Jesus sent him away, saying,
39 Return to thine own house, and shew how great things God hath done unto thee. And he went his way, and published throughout the whole city how great things Jesus had done unto him.
40 And it came to pass, that, when Jesus was returned, the people gladly received him: for they were all waiting for him.
41 And, behold, there came a man named Jairus, and he was a ruler of the synagogue: and he fell down at Jesus' feet, and besought him that he would come into his house:
42 For he had one only daughter, about twelve years of age, and she lay a dying. But as he went the people thronged him.
43 And a woman having an issue of blood twelve years, which had spent all her living upon physicians, neither could be healed of any,
44 Came behind him, and touched the border of his garment: and immediately her issue of blood stanched.
45 And Jesus said, Who touched me? When all denied, Peter and they that were with him said, Master, the multitude throng thee and press thee, and sayest thou, Who touched me?
46 And Jesus said, Somebody hath touched me: for I perceive that virtue is gone out of me.
47 And when the woman saw that she was not hid, she came trembling, and falling down before him, she declared unto him before all the people for what cause she had touched him, and how she was healed immediately.
48 And he said unto her, Daughter, be of good comfort: thy faith hath made thee whole; go in peace.
49 While he yet spake, there cometh one from the ruler of the synagogue's house, saying to him, Thy daughter is dead; trouble not the Master.
50 But when Jesus heard it, he answered him, saying, Fear not: believe only, and she shall be made whole.
51 And when he came into the house, he suffered no man to go in, save Peter, and James, and John, and the father and the mother of the maiden.
52 And all wept, and bewailed her: but he said, Weep not; she is not dead, but sleepeth.
53 And they laughed him to scorn, knowing that she was dead.
54 And he put them all out, and took her by the hand, and called, saying, Maid, arise.
55 And her spirit came again, and she arose straightway: and he commanded to give her meat.
56 And her parents were astonished: but he charged them that they should tell no man what was done.
Copyright © 1998 by Bibles International