Font Size
Lucas 8:24-26
Magandang Balita Biblia
Lucas 8:24-26
Magandang Balita Biblia
24 Nilapitan siya ng mga alagad at ginising. “Panginoon, Panginoon, mamamatay tayo!” sabi nila.
Bumangon si Jesus at sinaway ang hangin at ang malalaking alon. Tumahimik ang mga ito at bumuti ang panahon. 25 Pagkatapos, sinabi niya, “Nasaan ang inyong pananampalataya?”
Ngunit sila'y natakot at namangha. Sinabi nila sa isa't isa, “Sino kaya ito? Inuutusan niya pati ang hangin at ang tubig, at sinusunod naman siya ng mga ito!”
Ang Pagpapagaling sa Geraseno(A)
26 Dumaong sila sa lupain ng mga Geraseno,[a] katapat ng Galilea sa kabilang ibayo ng lawa.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 8:26 Geraseno: Sa ibang manuskrito'y Gergeseno; at sa iba nama'y Gadareno .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.