Add parallel Print Page Options

Ang Taong Paralisado ang Kamay(A)

Noong isa pang Araw ng Pamamahinga,[a] pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Doon ay may isang lalaking paralisado ang kanang kamay. Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga. Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito.” Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 Isang Araw ng Pamamahinga: Sa ibang manuskrito'y Noong ikalawang Araw ng Pamamahinga ng unang buwan .