Font Size
Lucas 6:6-8
Magandang Balita Biblia
Lucas 6:6-8
Magandang Balita Biblia
Ang Taong Paralisado ang Kamay(A)
6 Noong isa pang Araw ng Pamamahinga,[a] pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. Doon ay may isang lalaking paralisado ang kanang kamay. 7 Sa hangad ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na magkaroon ng maipaparatang kay Jesus, binantayan nila si Jesus upang tingnan kung siya'y magpapagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga. 8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, “Halika, tumayo ka rito.” Lumapit ang lalaki at tumayo nga roon.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 6:6 Isang Araw ng Pamamahinga: Sa ibang manuskrito'y Noong ikalawang Araw ng Pamamahinga ng unang buwan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.