Add parallel Print Page Options

17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito:

18 “Ang(A) Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin,
    sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya,
    at sa mga bulag na sila'y makakakita.
Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi,
19     at upang ipahayag ang panahon
    ng pagliligtas ng Panginoon.”

Read full chapter