Add parallel Print Page Options

17 Ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito at pagkakita sa bahagi ng Kasulatan na kanyang hinahanap, binasa niya ito na nagsasabing:

18 “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
    dahil pinili niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Magandang Balita.
    Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na malaya na sila,
    at sa mga bulag na makakakita na sila.
    Sinugo rin niya ako upang palayain ang mga inaapi,
19 at ipahayag na dumating na ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:19 Isa. 61:1-2.