Font Size
Lucas 3:3-5
Ang Salita ng Diyos
Lucas 3:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 Siya ay pumunta sa lahat ng lupain sa palibot ng Jordan. Ipinapangaral niya ang bawtismo ng pagsisisi para sa ikakapagpatawad ng mga kasalanan. 4 Sa aklat ng mga salita ni Isaias, ang propeta, ay ganito ang nasusulat:
May tinig na sumisigaw sa ilang. Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
5 Tatambakan ang bawat bangin at papatagin ang bawat bundok at burol. Ang mga liku-liko ay tutuwirin at ang mga baku-bako ay papantayin.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International