Add parallel Print Page Options

At dahil sa sinabi ng Dios kay Juan, nilibot niya ang mga lugar sa magkabilang panig ng Ilog ng Jordan. Nangaral siya sa mga tao na kailangan nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo, para patawarin sila ng Dios. Sa ginawa niyang ito, natupad ang isinulat ni Propeta Isaias,

    Maririnig ang sigaw ng isang tao sa ilang, na nagsasabi:
    ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon,
    tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang dadaanan!
Tambakan ninyo ang mga mababang lugar,
    at patagin ang mga bundok at burol.
    Tuwirin ninyo ang liku-likong daan,
    at ayusin ang mga baku-bakong daan.

Read full chapter