Lucas 24
Ang Biblia, 2001
Nabuhay Muli si Jesus(A)
24 Subalit nang unang araw ng sanlinggo sa pagbubukang-liwayway, pumunta sila sa libingan, dala ang mga pabango na kanilang inihanda.
2 At nakita nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.
3 Subalit nang sila'y pumasok ay hindi nila nakita ang bangkay.[a]
4 Habang sila'y nagtataka tungkol dito, biglang may dalawang lalaki na nakasisilaw ang mga damit ang tumayo sa tabi nila.
5 Ang mga babae ay natakot at isinubsob ang kanilang mga mukha sa lupa, subalit sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang buháy sa gitna ng mga patay?
6 Wala(B) siya rito, kundi muling nabuhay. Alalahanin ninyo kung paanong siya ay nagsalita sa inyo noong siya'y nasa Galilea pa,
7 na ang Anak ng Tao ay kailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanan, at ipako sa krus, at muling mabuhay sa ikatlong araw.”
8 At naalala nila ang kanyang mga salita,
9 at pagbabalik mula sa libingan, ibinalita nila ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isa, at sa lahat ng iba pa.
10 Ang nagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol ay sina Maria Magdalena, Juana, Maria na ina ni Santiago, at iba pang mga babaing kasama nila.
11 Subalit ang mga salitang ito'y inakala nilang walang kabuluhan at hindi nila pinaniwalaan.
[12 Subalit tumayo si Pedro at tumakbo sa libingan. Siya'y yumukod at pagtingin niya sa loob ay nakita niya ang mga telang lino na nasa isang tabi. Umuwi siya sa kanyang bahay na nagtataka sa nangyari.]
Ang Paglalakad Patungong Emaus(C)
13 Nang araw ding iyon, dalawa sa kanila ang patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, na may animnapung estadia[b] ang layo sa Jerusalem,
14 at pinag-uusapan nila ang tungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari.
15 Samantalang sila'y nag-uusap at nagtatanungan, si Jesus mismo ay lumapit at naglakbay na kasama nila.
16 Subalit ang kanilang mga mata ay hindi pinahihintulutan na makilala siya.
17 At sinabi niya sa kanila, “Ano ba ang inyong pinag-uusapan sa inyong paglalakad?” At sila'y tumigil na nalulungkot.
18 Isa sa kanila, na ang pangalan ay Cleopas, ang sumagot sa kanya, “Ikaw lang ba ang tanging dayuhan sa Jerusalem na hindi nakakaalam ng mga bagay na nangyari sa mga araw na ito?”
19 Sinabi niya sa kanila, “Anong mga bagay?” At sinabi nila sa kanya, “Tungkol kay Jesus na taga-Nazaret, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Diyos at ng buong sambayanan,
20 at kung paanong siya ay ibinigay ng mga punong pari at ng mga pinuno upang hatulan ng kamatayan, at siya'y ipinako sa krus.
21 Subalit umasa kami na siya ang tutubos sa Israel.[c] Oo, at bukod sa lahat ng mga ito, ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.
22 Bukod dito, binigla kami ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Sila ay maagang pumunta sa libingan,
23 at nang hindi nila matagpuan ang kanyang bangkay, sila ay bumalik. Sinabi nilang sila ay nakakita ng isang pangitain ng mga anghel na nagsabing siya'y buháy.
24 Pumaroon sa libingan ang ilang kasama namin at nakita nila ang ayon sa sinabi ng mga babae, subalit siya'y hindi nila nakita.”
25 At sinabi niya sa kanila, “O napakahangal naman ninyo at napakakupad ang mga puso sa pagsampalataya sa lahat ng ipinahayag ng mga propeta!
26 Hindi ba kailangang ang Cristo ay magdusa ng mga bagay na ito at pagkatapos ay pumasok sa kanyang kaluwalhatian?”
27 At magmula kay Moises at sa mga propeta ay ipinaliwanag niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kanya sa lahat ng mga kasulatan.
28 Nang sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan, nauna siya na parang magpapatuloy pa.
29 Subalit kanilang pinigil siya at sinabi, “Tumuloy ka sa amin, sapagkat gumagabi na, at lumulubog na ang araw.” At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.
30 Habang siya'y nakaupong kasalo nila sa hapag, kanyang dinampot ang tinapay at binasbasan. Ito'y kanyang pinagputul-putol at ibinigay sa kanila.
31 Nabuksan ang kanilang mga mata, siya'y nakilala nila, at siya'y nawala sa kanilang mga paningin.
32 Sinabi nila sa isa't isa, “Hindi ba nag-aalab ang ating puso sa loob natin,[d] habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?”
33 Sa oras ding iyon ay tumayo sila at bumalik sa Jerusalem at naratnang nagkakatipon ang labing-isa at ang kanilang mga kasama.
34 Sinasabi nila, “Talagang bumangon ang Panginoon at nagpakita kay Simon!”
35 At isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputul-putulin niya ang tinapay.
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(D)
36 Samantalang kanilang pinag-uusapan ang mga bagay na ito, si Jesus[e] ay tumayo sa gitna nila at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.”[f]
37 Subalit sila'y kinilabutan at natakot at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.
38 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo'y natatakot at bakit may pag-aalinlangan sa inyong puso?
39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, sapagkat ako nga ito. Hipuin ninyo ako, at tingnan, sapagkat ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
[40 Pagkasabi niya nito ay ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.]
41 Samantalang nasa kanilang kagalakan ay hindi pa sila naniniwala at nagtataka, sinabi niya sa kanila, “Mayroon ba kayo ritong anumang makakain?”
42 At kanilang binigyan siya ng isang pirasong inihaw na isda.
43 Kanyang kinuha iyon at kumain sa harapan nila.
44 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, noong ako'y kasama pa ninyo, na kailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nakasulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, sa mga propeta, at sa mga awit.”
45 At binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga kasulatan.
46 Sinabi niya sa kanila, “Ganyan ang nasusulat, na kailangang magdusa ang Cristo at muling mabuhay mula sa mga patay sa ikatlong araw;
47 at ipangaral ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa kanyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.
48 Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.
49 At(E) tingnan ninyo, ipapadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, subalit manatili kayo sa lunsod, hanggang sa mabihisan kayo ng kapangyarihang galing sa itaas.”
Dinalang Paitaas sa Langit si Jesus(F)
50 Kanyang(G) inilabas sila hanggang sa tapat ng Betania at nang maitaas niya ang kanyang mga kamay, sila'y kanyang binasbasan.
51 At habang binabasbasan niya sila, kanyang iniwan sila [at dinala siya paitaas sa langit].
52 Siya'y sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na may malaking kagalakan.
53 At sila'y palaging nasa templo na nagpupuri sa Diyos.[g]
Footnotes
- Lucas 24:3 Sa ibang mga kasulatan ay bangkay ng Panginoong Jesus .
- Lucas 24:13 o katumbas ng halos pitong milya .
- Lucas 24:21 o magpapalaya sa Israel .
- Lucas 24:32 Sa ibang mga kasulatan ay walang sa loob natin .
- Lucas 24:36 Sa Griyego ay siya .
- Lucas 24:36 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.”
- Lucas 24:53 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen .
Luke 24
Complete Jewish Bible
24 but the next day, while it was still very early, they took the spices they had prepared, went to the tomb, 2 and found the stone rolled away from the tomb! 3 On entering, they discovered that the body of the Lord Yeshua was gone! 4 They were standing there, not knowing what to think about it, when suddenly two men in dazzlingly bright clothing stood next to them. 5 Terror-stricken, they bowed down with their faces to the ground. The two men said to them, “Why are you looking for the living among the dead? 6 He is not here; he has been raised. Remember how he told you while he was still in the Galil, 7 ‘The Son of Man must be delivered into the hands of sinful men and be executed on a stake as a criminal, but on the third day be raised again’?” 8 Then they remembered his words; 9 and, returning from the tomb, they told everything to the Eleven and to all the rest. 10 The women who told the emissaries these things were Miryam of Magdala, Yochanah, Miryam the mother of Ya‘akov, and the others in their circle.
11 But the emissaries didn’t believe them; in fact, they thought that what they said was utter nonsense! 12 However, Kefa got up and ran to the tomb. Stooping down, he saw only the burial cloths and went home wondering what had happened.
13 That same day, two of them were going toward a village about seven miles from Yerushalayim called Amma’us, 14 and they were talking with each other about all the things that had happened. 15 As they talked and discussed, Yeshua himself came up and walked along with them, 16 but something kept them from recognizing him. 17 He asked them, “What are you talking about with each other as you walk along?” They stopped short, their faces downcast; 18 and one of them, named Cleopas, answered him, “Are you the only person staying in Yerushalayim that doesn’t know the things that have been going on there the last few days?” 19 “What things?” he asked them. They said to him, “The things about Yeshua from Natzeret. He was a prophet and proved it by the things he did and said before God and all the people. 20 Our head cohanim and our leaders handed him over, so that he could be sentenced to death and executed on a stake as a criminal. 21 And we had hoped that he would be the one to liberate Isra’el! Besides all that, today is the third day since these things happened; 22 and this morning, some of the women astounded us. They were at the tomb early 23 and couldn’t find his body, so they came back; but they also reported that they had seen a vision of angels who say he’s alive! 24 Some of our friends went to the tomb and found it exactly as the women had said, but they didn’t see him.”
25 He said to them, “Foolish people! So unwilling to put your trust in everything the prophets spoke! 26 Didn’t the Messiah have to die like this before entering his glory?” 27 Then, starting with Moshe and all the prophets, he explained to them the things that can be found throughout the Tanakh concerning himself.
28 They approached the village where they were going. He made as if he were going on farther; 29 but they held him back, saying, “Stay with us, for it’s almost evening, and it’s getting dark.” So he went in to stay with them. 30 As he was reclining with them at the table, he took the matzah, made the b’rakhah, broke it and handed it to them. 31 Then their eyes were opened, and they recognized him. But he became invisible to them. 32 They said to each other, “Didn’t our hearts burn inside us as he spoke to us on the road, opening up the Tanakh to us?”
33 They got up at once, returned to Yerushalayim and found the Eleven gathered together with their friends, 34 saying, “It’s true! The Lord has risen! Shim‘on saw him!” 35 Then the two told what had happened on the road and how he had become known to them in the breaking of the matzah.
36 They were still talking about it when — there he was, standing among them! 37 Startled and terrified, they thought they were seeing a ghost. 38 But he said to them, “Why are you so upset? Why are these doubts welling up inside you? 39 Look at my hands and my feet — it is I, myself! Touch me and see — a ghost doesn’t have flesh and bones, as you can see I do.” 40 As he said this, he showed them his hands and feet. 41 While they were still unable to believe it for joy and stood there dumbfounded, he said to them, “Have you something here to eat?” 42 They gave him a piece of broiled fish, 43 which he took and ate in their presence.
44 Yeshua said to them, “This is what I meant when I was still with you and told you that everything written about me in the Torah of Moshe, the Prophets and the Psalms had to be fulfilled.” 45 Then he opened their minds, so that they could understand the Tanakh, 46 telling them, “Here is what it says: the Messiah is to suffer and to rise from the dead on the third day; 47 and in his name repentance leading to forgiveness of sins is to be proclaimed to people from all nations, starting with Yerushalayim. 48 You are witnesses of these things. 49 Now I am sending forth upon you what my Father promised, so stay here in the city until you have been equipped with power from above.”
50 He led them out toward Beit-Anyah; then, raising his hands, he said a b’rakhah over them; 51 and as he was blessing them, he withdrew from them and was carried up into heaven. 52 They bowed in worship to him, then returned to Yerushalayim, overflowing with joy. 53 And they spent all their time in the Temple courts, praising God.
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.