Font Size
Lucas 24:49-51
Magandang Balita Biblia
Lucas 24:49-51
Magandang Balita Biblia
49 Tandaan(A) ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit.”
Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit(B)
50 Pagkatapos(C) ng mga ito, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lungsod. Pagdating sa Bethania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at sila'y binasbasan. 51 Habang(D) binabasbasan niya sila, siya'y umalis [at dinala paakyat sa langit].[a]
Read full chapterFootnotes
- Lucas 24:51 at dinala paakyat sa langit: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.