Lucas 23
Ang Biblia, 2001
Si Jesus sa Harapan ni Pilato(A)
23 Tumindig ang buong karamihan at dinala si Jesus[a] sa harap ni Pilato.
2 Nagsimula silang ipagsakdal siya na sinasabi, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang aming bansa, at pinagbabawalan kaming magbuwis kay Cesar, at sinasabi na siya mismo ang Cristo, ang hari.”
3 At tinanong siya ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot siya at sinabi, “Ikaw ang nagsasabi.”
4 Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”
5 Subalit sila'y lalong nagpipilit na sinasabi, “Ginugulo niya ang sambayanan at nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.”
Si Jesus sa Harapan ni Herodes
6 Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung ang taong iyon ay taga-Galilea.
7 At nang kanyang malaman na siya'y sakop ni Herodes, kanyang ipinadala siya kay Herodes, na nang panahong iyon ay nasa Jerusalem din.
8 Nang makita ni Herodes si Jesus, siya ay tuwang-tuwa, sapagkat matagal na niyang nais na makita siya sapagkat nakabalita siya ng tungkol sa kanya; at siya'y umaasang makakita ng ilang himalang ginawa niya.
9 Kaya't kanyang tinanong siya ng matagal subalit si Jesus ay hindi sumagot ng anuman.
10 Ang mga punong pari at ang mga eskriba ay nanatili, at marahas siyang pinagbibintangan.
11 At hinamak siya at nilibak ni Herodes at ng mga kawal na kasama niya. Sinuotan siya ng maringal na damit at ibinalik kay Pilato.
12 Nang araw ding iyon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato sa isa't isa; sapagkat sila'y dating magkagalit.
Si Jesus ay Hinatulang Mamatay(B)
13 Tinipon ni Pilato ang mga punong pari, ang mga pinuno at ang mga taong-bayan,
14 at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nag-uudyok na maghimagsik ang bayan. At narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, hindi ko nakitang nagkasala ang taong ito ng alinman sa mga bagay na ibinibintang ninyo laban sa kanya.
15 Maging si Herodes man, sapagkat kanyang ibinalik siya sa atin at tingnan ninyo, wala siyang ginawang anumang nararapat sa kamatayan.
16 Kaya't siya'y aking ipapahagupit at palalayain.”[b]
18 Subalit silang lahat ay sama-samang sumigaw, “Alisin ang taong ito, palayain si Barabas para sa amin.”
19 Ito'y isang taong nabilanggo dahil sa isang paghihimagsik na nangyari sa lunsod, at dahil sa pagpatay ng tao.
20 Si Pilato'y muling nagsalita sa kanila sa kagustuhang palayain si Jesus.
21 Subalit sila'y nagsigawan, “Ipako sa krus, ipako siya sa krus.”
22 Sa ikatlong pagkakataon ay kanyang sinabi sa kanila, “Bakit, anong kasamaan ang ginawa ng taong ito? Wala akong nakitang anumang batayan para sa parusang kamatayan. Kaya't siya'y aking ipapahagupit at saka palalayain.”
23 Subalit pinipilit nilang hingin na ipinagsisigawan na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
24 At ipinasiya ni Pilato na ipagkaloob ang kanilang hinihingi.
25 Pinalaya niya ang taong kanilang hinihiling, ang taong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, subalit kanyang ibinigay si Jesus gaya ng nais nila.
Ipinako si Jesus(C)
26 Habang kanilang dinadala siyang papalayo, hinuli nila si Simon na taga-Cirene na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kanya ang krus upang dalhin kasunod ni Jesus.
27 Siya'y sinundan ng napakaraming tao, at ng mga babaing nagdadalamhati at nag-iiyakan para sa kanya.
28 Subalit humarap sa kanila si Jesus at sinabi, “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan, kundi iyakan ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong mga anak.
29 Sapagkat narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, ‘Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyan na kailanma'y hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailanman ay hindi nagpasuso!’
30 At(D) sila'y magpapasimulang magsalita sa mga bundok, ‘Bumagsak kayo sa amin,’ at sa mga burol, ‘Takpan ninyo kami.’
31 Sapagkat kung ginagawa nila ang mga bagay na ito kapag ang punungkahoy ay sariwa, anong mangyayari kapag ito ay tuyo?
32 Dinala rin upang pataying kasama niya ang dalawang kriminal.
33 Nang dumating sila sa lugar na tinatawag na Bungo, kanilang ipinako siya sa krus, kasama ng mga kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kanyang kaliwa.
34 [Sinabi(E) ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] At sila ay nagpalabunutan upang paghatian ang kanyang damit.
35 Nakatayong(F) nanonood ang taong-bayan. Subalit tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba, iligtas niya ang kanyang sarili kung siya ang Cristo ng Diyos, ang Pinili.”
36 Nililibak(G) din siya ng mga kawal na lumapit sa kanya, at inalok siya ng suka,
37 at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!”
38 Mayroon ding nakasulat na pamagat sa itaas niya, “Ito'y ang Hari ng mga Judio.”
39 Patuloy siyang pinagtawanan[c] ng isa sa mga kriminal na ipinako, na nagsasabi, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at kami!”
40 Subalit sinaway siya ng isa, at sa kanya'y sinabi, “Hindi ka pa ba natatakot sa Diyos, yamang ikaw ay nasa gayunding hatol ng kaparusahan?
41 Tayo ay nahatulan ng matuwid, sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa. Subalit ang taong ito'y hindi gumawa ng anumang masama.”
42 Sinabi niya, “Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.”
43 At sumagot siya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”
Ang Kamatayan ni Jesus(H)
44 Nang magtatanghaling-tapat na, nagdilim sa ibabaw ng buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon,
45 habang(I) madilim ang araw; at napunit sa gitna ang tabing ng templo.
46 Si(J) Jesus ay sumigaw ng malakas at nagsabi, “Ama, sa mga kamay mo ay inihahabilin ko ang aking espiritu.” At pagkasabi nito ay nalagot ang kanyang hininga.
47 Nang makita ng senturion ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Tunay na ito'y isang taong matuwid.”
48 At ang lahat ng mga taong nagkatipon upang makita ang panoorin, nang makita nila ang mga bagay na nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
49 At(K) ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kanya'y sumunod buhat sa Galilea ay nakatayo sa malayo at nakita ang mga bagay na ito.
Ang Paglilibing kay Jesus(L)
50 Mayroong isang mabuti at matuwid na lalaking ang pangalan ay Jose, na bagaman kaanib ng sanggunian,
51 ay hindi sang-ayon sa kanilang panukala at gawa. Siya'y mula sa Arimatea, isang bayan ng mga Judio, at siya'y naghihintay sa kaharian ng Diyos.
52 Ang taong ito'y lumapit kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus.
53 At ito'y ibinaba niya, binalot ng isang telang lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang naililibing.
54 Noo'y araw ng Paghahanda, at malapit na ang Sabbath.
55 Ang mga babae na sumama sa kanya mula sa Galilea ay sumunod at tiningnan ang libingan at kung paano inilagay ang kanyang bangkay.
56 Sila'y(M) umuwi at naghanda ng mga pabango at mga panghaplos. At nang araw ng Sabbath sila'y nagpahinga ayon sa kautusan.
Footnotes
- Lucas 23:1 Sa Griyego ay siya .
- Lucas 23:16 Sa ibang mga kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 17 Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan .
- Lucas 23:39 o nilalapastangan .
Lucas 23
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Dinala si Jesus kay Pilato(A)
23 Pagkatapos noon, tumayo silang lahat at dinala nila si Jesus kay Pilato. 2 At sinabi nila ang mga paratang nila laban kay Jesus: “Nahuli namin ang taong ito na sinusulsulan niya ang mga kababayan namin na maghimagsik. Ipinagbabawal niya ang pagbabayad ng buwis sa Emperador, at sinasabi niyang siya raw ang Cristo, na isang hari!” 3 Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus, “Kayo na ang nagsasabi.” 4 Sinabi ni Pilato sa mga namamahalang pari at sa mga tao, “Wala akong nakitang kasalanan sa taong ito!” 5 Pero mapilit sila at sinabing, “Ginugulo niya ang mga tao sa buong Judea sa pamamagitan ng mga turo niya. Nagsimula siya sa Galilea at narito na siya ngayon sa Jerusalem.”
Dinala naman si Jesus kay Herodes
6 Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga-Galilea si Jesus. 7 At nang malaman niyang mula nga siya sa Galilea, ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nasa Jerusalem noon, dahil sakop nito ang Galilea.
8 Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus dahil matagal na niya itong gustong makita, dahil sa mga nababalitaan niya at gusto niyang makita si Jesus na gumagawa ng mga himala. 9 Marami siyang itinanong kay Jesus, pero hindi ito sumagot. 10 Samantala, patuloy na isinisigaw ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang mga paratang nila laban kay Jesus. 11 Hinamak at ininsulto ni Herodes at ng mga sundalo niya si Jesus. Sinuotan nila siya ng magandang damit bilang pagkutya sa kanya, at saka ibinalik kay Pilato. 12 At nang araw ding iyon ay naging magkaibigan ang dating magkaaway na sina Herodes at Pilato.
Hinatulan si Jesus ng Kamatayan(B)
13 Ipinatawag ni Pilato ang mga namamahalang pari, mga tagapamahala ng bayan at ang mga tao, 14 at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na ayon sa inyo ay nanunulsol sa mga tao upang maghimagsik. Inimbestigahan ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong hindi totoo ang mga paratang nʼyo laban sa kanya. 15 Ganoon din ang napatunayan ni Herodes kaya ipinabalik niya si Jesus dito sa akin. Wala siyang nagawang kasalanan upang parusahan ng kamatayan. 16 Kaya ipahahagupit ko na lang siya at palalayain.” 17 [Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, kailangang magpalaya si Pilato ng isang bilanggo.] 18 Pero sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, “Patayin ang taong iyan, at palayain si Barabas!” 19 (Si Barabas ay nabilanggo dahil sa paghihimagsik sa Jerusalem at pagpatay.) 20 Muling nagsalita si Pilato sa mga tao dahil gusto niyang palayain si Jesus. 21 Pero patuloy ang pagsigaw ng mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” 22 Sa ikatlong pagkakataon ay nagsalita si Pilato sa kanila, “Bakit, anong kasalanan ang ginawa niya? Wala akong nakikitang kasalanan sa kanya para ipapatay siya. Kaya ipahahagupit ko na lang siya at saka palalayain!” 23 Pero lalo nilang iginigiit at ipinagsisigawan na ipako siya sa krus. Sa wakas ay nanaig din sila. 24 Kaya pinagbigyan ni Pilato ang kahilingan ng mga tao na ipako sa krus si Jesus. 25 At ayon din sa kahilingan nila, pinalaya niya si Barabas, na nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay. Pero ibinigay niya si Jesus sa kanila para gawin ang gusto nila.
Ipinako sa Krus si Jesus(C)
26 Nang dinadala na ng mga sundalo si Jesus sa lugar na pagpapakuan sa kanya, nasalubong nila si Simon na taga-Cyrene na kagagaling lang sa bukid. Dinakip nila ito, at sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Jesus.
27 Sinusundan si Jesus ng napakaraming tao, kabilang ang mga babaeng umiiyak at nananaghoy dahil naaawa sila sa kanya. 28 Pero lumingon sa kanila si Jesus at sinabi, “Kayong mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang iyakan ninyo ay ang mga sarili ninyo at ang inyong mga anak. 29 Sapagkat darating ang mga araw na sasabihin ng mga tao, ‘Mapalad ang mga babaeng walang anak at walang pinasususong sanggol.’ 30 Sa mga araw na iyon ay sasabihin ng mga tao sa mga bundok at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’[a] 31 Sapagkat kung ginawa nila ito sa akin na walang kasalanan,[b] ano pa kaya sa mga taong may kasalanan?”[c]
32 Dalawa pang kriminal ang dinala nila upang pataying kasama ni Jesus. 33 Pagdating nila sa lugar na tinatawag na “Bungo,” ipinako nila sa krus si Jesus at ang dalawang kriminal, ang isa ay sa kanan ni Jesus at ang isa ay sa kaliwa. 34 [Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] Nagpalabunutan ang mga sundalo para paghahati-hatian ang mga damit ni Jesus. 35 Habang nakatayo ang mga tao roon at nanonood, iniinsulto ng mga tagapamahala ng bayan si Jesus. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba, iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga talaga ang Cristong pinili ng Dios!” 36 Ininsulto rin siya ng mga sundalo at binigyan ng maasim na alak, 37 at sinabi pa nila sa kanya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!” 38 May karatula sa ulunan ni Jesus, at ganito ang nakasulat: “Ito ang Hari ng mga Judio.”
39 Ininsulto rin si Jesus ng isa sa mga kriminal sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang sarili mo, pati na kami!” 40 Pero sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, “Hindi ka ba natatakot sa Dios? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan. 41 Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!” 42 Pagkatapos ay sinabi niya, “Jesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.” 43 Sumagot si Jesus, “Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso.”
Ang Pagkamatay ni Jesus(D)
44-45 Nang mag-aalas dose na ng tanghali, nawala ang liwanag ng araw, at dumilim sa buong lupain sa loob ng tatlong oras. At ang kurtina sa loob ng templo ay nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba. 46 Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, ipinagkakatiwala ko sa inyo ang aking espiritu!”[d] At pagkasabi niya nito, nalagot ang kanyang hininga. 47 Nang makita ng kapitan ng mga sundalo ang nangyari, pinuri niya ang Dios at sinabi, “Totoo ngang walang kasalanan ang taong ito.” 48 Ang mga taong pumunta roon at nakasaksi sa lahat ng nangyari ay umuwi nang malungkot at dinadagukan ang kanilang mga dibdib. 49 Sa di-kalayuan ay nakatayo ang mga kaibigan ni Jesus, pati ang mga babaeng sumama sa kanya mula sa Galilea. At nakita rin nila ang lahat ng nangyari.
Ang Paglilibing kay Jesus(E)
50-51 May isang lalaki na ang pangalan ay Jose. Siya ay taga-Arimatea na sakop ng Judea. Kahit na miyembro siya ng korte ng mga Judio, hindi niya sinang-ayunan ang kanilang ginawa kay Jesus. Mabuting tao siya, matuwid at kabilang sa mga naghihintay sa paghahari ng Dios. 52 Pumunta si Jose kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. 53 Inalis niya ang bangkay sa krus at binalot ng telang linen. Pagkatapos, inilagay niya ito sa libingang inukit sa gilid ng burol, na hindi pa napaglilibingan. 54 Biyernes noon at araw ng paghahanda para sa Araw ng Pamamahinga.
55 Sinundan si Jose ng mga babaeng sumama kay Jesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus. 56 Pagkatapos, umuwi sila at naghanda ng sari-saring pabango na ipapahid sa bangkay ni Jesus. At nang magsimula na ang Araw ng Pamamahinga, nagpahinga sila, ayon sa Kautusan.
Лука 23
New Serbian Translation
Исус пред Пилатом
23 Затим су сви устали и одвели Исуса пред Пилата. 2 Тада су почели да га оптужују, говорећи: „Ухватили смо овога да заводи наш народ. Он нам забрањује да дајемо порез цару, и тврди за себе да је Христос, Цар.“
3 Пилат га упита: „Јеси ли ти Цар јудејски?“
Исус му одговори: „Ти то кажеш.“
4 Пилат рече водећим свештеницима и мноштву: „Не налазим никакву кривицу на овом човеку.“ 5 Али они су наваљивали говорећи: „Он својим учењем диже на буну наш народ по свој Јудеји. Почео је у Галилеји, а сада је дошао и овде!“
Исус пред Иродом
6 Када је Пилат то чуо, упитао је: „Да ли је овај човек Галилејац?“ 7 Када је сазнао да је Исус из подручја Иродове управе, послао га је к њему, јер је Ирод у то време био у Јерусалиму.
8 Ирод се веома обрадовао кад је видео Исуса, јер је слушао о њему. Већ дуже време је желео да га види, надајући се да ће Исус начинити неки знак. 9 Постављао му је многа питања, али Исус није одговарао. 10 Водећи свештеници и зналци Светог писма су стајали тамо и жестоко га оптуживали. 11 Ирод и његови војници су се ругали Исусу и понашали се према њему с презиром. Затим су му обукли свечану одећу и послали га натраг Пилату. 12 Тог дана су се Пилат и Ирод спријатељили; пре тога су били непријатељи.
Исуса осуђују на смрт
13 Пилат је онда сазвао водеће свештенике, главаре и народ, 14 па рекао: „Довели сте ми овог човека и рекли да заводи народ. А ево, ја сам га у вашем присуству испитао и нисам нашао ниједну кривицу за коју га ви оптужујете. 15 Па ни Ирод није ништа нашао, него га је послао натраг к нама. Он није учинио ништа што заслужује смрт. 16 Даћу га на шибање, а онда ћу га ослободити.“ 17 Наиме, сваког празника је требало да им Пилат ослободи једног заробљеника.
18 Они сви сложно повикаше: „Узми овог, а ослободи нам Вараву!“ 19 Варава је био утамничен због некакве буне у граду и због убиства.
20 Пилат се поново обрати народу, желећи да ослободи Исуса. 21 Али народ је викао: „Разапни га, разапни га!“
22 Он им по трећи пут рече: „Какво је зло учинио? Нисам нашао ништа што заслужује смрт. Даћу га на шибање, а затим ћу га ослободити.“
23 Међутим, светина је галамила и наваљивала, тражећи да се Исус разапне. Њихова вика је постајала све јача. 24 Тако Пилат одлучи да удовољи њиховом захтеву. 25 Ослободио је човека којег су тражили, онога што је био утамничен због буне и убиства, а Исуса је предао њима да чине с њим што им је по вољи.
Исуса спроводе до места погубљења
26 Тако су Исуса одвели. Успут су ухватили неког Симона из Кирине који се враћао са поља и натоварили му крст да га носи за Исусом. 27 За њим је ишло много народа и жене које су га жалиле и оплакивале. 28 Исус се окренуо према њима и рекао: „Ћерке јерусалимске, не плачите нада мном, већ плачите над собом и над својом децом. 29 Јер, ево, долазе дани када ће се говорити: ’Благо нероткињама, које никад нису рађале, и које никад нису дојиле.’ 30 Тада
ће почети да говоре горама: ’Падните на нас’,
и бреговима: ’Прекријте нас.’
31 Јер кад овако раде са зеленим дрветом, шта ће тек радити када дрво постане суво?“
32 Уз њега су водили и два злочинца да их погубе са њим. 33 Када су дошли на место које се зове „Лобања“, разапели су њега и злочинце, једног с његове десне, другог с леве стране. 34 Исус је говорио: „Оче, опрости им, јер не знају шта чине.“ Затим су војници бацали коцку за његову одећу да би је поделили међу собом.
35 А народ је стајао и посматрао. Главари су му се ругали и говорили: „Ако је он Христос Божији, Изабраник, нека спасе себе као што је спасао друге!“
36 Подсмевали су му се и војници, који су му прилазили и нудили му кисело вино. 37 Говорили су: „Ако си ти Цар јудејски, спаси самога себе!“
38 Изнад његове главе било је написано: „Ово је Цар јудејски.“
39 Један од злочинаца који су висили на крсту, вређао га је и говорио: „Ниси ли ти Христос? Спаси себе и нас!“
40 Други му одговори корећи га: „Зар се не бојиш Бога, будући да си примио исту казну као и он? 41 Ми смо праведно осуђени и добијамо што смо заслужили, али он није учинио ништа недолично.“
42 Онда рече Исусу: „Исусе, сети ме се кад дођеш у своје царство!“
43 Исус му рече: „Заиста ти кажем, још данас ћеш бити са мном у рају.“
Исусова смрт
44 Око подне наста тама по свој земљи све до три сата. 45 Сунце је престало да сија, а завеса у храму расцепала се напола. 46 Исус веома гласно повика и рече: „Оче, у твоје руке предајем свој дух!“ – те издахну.
47 Када је римски капетан видео шта се догодило, славио је Бога, говорећи: „Овај човек је заиста био праведник!“ 48 Када је сав окупљени народ видео шта се догодило, почео је да одлази одатле, ударајући се у прса. 49 Сви они који су га познавали, као и жене из Галилеје које су га следиле, стајали су издалека и гледали.
Исусова сахрана
50 А један човек по имену Јосиф, члан Великог већа, добар и праведан човек, 51 није се слагао са одлуком Великог већа и са оним што су учинили. Он је био из Ариматеје, Јудиног града, и очекивао је Царство Божије. 52 Он дође к Пилату и затражи Исусово тело. 53 Скинувши га с крста, повио га је у платно и положио у гробницу усечену у стену, у коју још нико није био сахрањен. 54 Било је то дан Припреме[a], баш уочи суботе.
55 Жене које су пратиле Исуса од Галилеје, отишле су са Јосифом и виделе где је гроб у који је било положено његово тело. 56 Затим су се вратиле и припремиле мирисно биље и уље да помажу његово тело. У суботу су мировале по заповести.
Footnotes
- 23,54 Дан пре суботе.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
The Holy Bible, New Serbian Translation Copyright © 2005, 2017 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide. Свето писмо, Нови српски превод Copyright © 2005, 2017 Biblica, Inc.® Користи се уз допуштење. Сва права задржана.
