Luke 22
King James Version
22 Now the feast of unleavened bread drew nigh, which is called the Passover.
2 And the chief priests and scribes sought how they might kill him; for they feared the people.
3 Then entered Satan into Judas surnamed Iscariot, being of the number of the twelve.
4 And he went his way, and communed with the chief priests and captains, how he might betray him unto them.
5 And they were glad, and covenanted to give him money.
6 And he promised, and sought opportunity to betray him unto them in the absence of the multitude.
7 Then came the day of unleavened bread, when the passover must be killed.
8 And he sent Peter and John, saying, Go and prepare us the passover, that we may eat.
9 And they said unto him, Where wilt thou that we prepare?
10 And he said unto them, Behold, when ye are entered into the city, there shall a man meet you, bearing a pitcher of water; follow him into the house where he entereth in.
11 And ye shall say unto the goodman of the house, The Master saith unto thee, Where is the guestchamber, where I shall eat the passover with my disciples?
12 And he shall shew you a large upper room furnished: there make ready.
13 And they went, and found as he had said unto them: and they made ready the passover.
14 And when the hour was come, he sat down, and the twelve apostles with him.
15 And he said unto them, With desire I have desired to eat this passover with you before I suffer:
16 For I say unto you, I will not any more eat thereof, until it be fulfilled in the kingdom of God.
17 And he took the cup, and gave thanks, and said, Take this, and divide it among yourselves:
18 For I say unto you, I will not drink of the fruit of the vine, until the kingdom of God shall come.
19 And he took bread, and gave thanks, and brake it, and gave unto them, saying, This is my body which is given for you: this do in remembrance of me.
20 Likewise also the cup after supper, saying, This cup is the new testament in my blood, which is shed for you.
21 But, behold, the hand of him that betrayeth me is with me on the table.
22 And truly the Son of man goeth, as it was determined: but woe unto that man by whom he is betrayed!
23 And they began to enquire among themselves, which of them it was that should do this thing.
24 And there was also a strife among them, which of them should be accounted the greatest.
25 And he said unto them, The kings of the Gentiles exercise lordship over them; and they that exercise authority upon them are called benefactors.
26 But ye shall not be so: but he that is greatest among you, let him be as the younger; and he that is chief, as he that doth serve.
27 For whether is greater, he that sitteth at meat, or he that serveth? is not he that sitteth at meat? but I am among you as he that serveth.
28 Ye are they which have continued with me in my temptations.
29 And I appoint unto you a kingdom, as my Father hath appointed unto me;
30 That ye may eat and drink at my table in my kingdom, and sit on thrones judging the twelve tribes of Israel.
31 And the Lord said, Simon, Simon, behold, Satan hath desired to have you, that he may sift you as wheat:
32 But I have prayed for thee, that thy faith fail not: and when thou art converted, strengthen thy brethren.
33 And he said unto him, Lord, I am ready to go with thee, both into prison, and to death.
34 And he said, I tell thee, Peter, the cock shall not crow this day, before that thou shalt thrice deny that thou knowest me.
35 And he said unto them, When I sent you without purse, and scrip, and shoes, lacked ye any thing? And they said, Nothing.
36 Then said he unto them, But now, he that hath a purse, let him take it, and likewise his scrip: and he that hath no sword, let him sell his garment, and buy one.
37 For I say unto you, that this that is written must yet be accomplished in me, And he was reckoned among the transgressors: for the things concerning me have an end.
38 And they said, Lord, behold, here are two swords. And he said unto them, It is enough.
39 And he came out, and went, as he was wont, to the mount of Olives; and his disciples also followed him.
40 And when he was at the place, he said unto them, Pray that ye enter not into temptation.
41 And he was withdrawn from them about a stone's cast, and kneeled down, and prayed,
42 Saying, Father, if thou be willing, remove this cup from me: nevertheless not my will, but thine, be done.
43 And there appeared an angel unto him from heaven, strengthening him.
44 And being in an agony he prayed more earnestly: and his sweat was as it were great drops of blood falling down to the ground.
45 And when he rose up from prayer, and was come to his disciples, he found them sleeping for sorrow,
46 And said unto them, Why sleep ye? rise and pray, lest ye enter into temptation.
47 And while he yet spake, behold a multitude, and he that was called Judas, one of the twelve, went before them, and drew near unto Jesus to kiss him.
48 But Jesus said unto him, Judas, betrayest thou the Son of man with a kiss?
49 When they which were about him saw what would follow, they said unto him, Lord, shall we smite with the sword?
50 And one of them smote the servant of the high priest, and cut off his right ear.
51 And Jesus answered and said, Suffer ye thus far. And he touched his ear, and healed him.
52 Then Jesus said unto the chief priests, and captains of the temple, and the elders, which were come to him, Be ye come out, as against a thief, with swords and staves?
53 When I was daily with you in the temple, ye stretched forth no hands against me: but this is your hour, and the power of darkness.
54 Then took they him, and led him, and brought him into the high priest's house. And Peter followed afar off.
55 And when they had kindled a fire in the midst of the hall, and were set down together, Peter sat down among them.
56 But a certain maid beheld him as he sat by the fire, and earnestly looked upon him, and said, This man was also with him.
57 And he denied him, saying, Woman, I know him not.
58 And after a little while another saw him, and said, Thou art also of them. And Peter said, Man, I am not.
59 And about the space of one hour after another confidently affirmed, saying, Of a truth this fellow also was with him: for he is a Galilaean.
60 And Peter said, Man, I know not what thou sayest. And immediately, while he yet spake, the cock crew.
61 And the Lord turned, and looked upon Peter. And Peter remembered the word of the Lord, how he had said unto him, Before the cock crow, thou shalt deny me thrice.
62 And Peter went out, and wept bitterly.
63 And the men that held Jesus mocked him, and smote him.
64 And when they had blindfolded him, they struck him on the face, and asked him, saying, Prophesy, who is it that smote thee?
65 And many other things blasphemously spake they against him.
66 And as soon as it was day, the elders of the people and the chief priests and the scribes came together, and led him into their council, saying,
67 Art thou the Christ? tell us. And he said unto them, If I tell you, ye will not believe:
68 And if I also ask you, ye will not answer me, nor let me go.
69 Hereafter shall the Son of man sit on the right hand of the power of God.
70 Then said they all, Art thou then the Son of God? And he said unto them, Ye say that I am.
71 And they said, What need we any further witness? for we ourselves have heard of his own mouth.
Lucas 22
Ang Salita ng Diyos
Nakipagkasundo si Judas na Ipagkanulo si Jesus
22 Nalalapit na ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paglagpas.
2 Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay humahanap ng paraan kung papaano nila maipapatay si Jesus sapagkat natatakot sila sa mga tao. 3 Pumasok si Satanas kay Judas, na tinaguriang taga-Keriot, na kabilang sa labindalawang alagad. 4 Umalis siya at nakipag-usap sa mga pinunong-saserdote at sa mga opisyales ng mga tanod sa templo kung papaano niya maipagkakanulo si Jesus sa kanila. 5 Nagalak sila at nagkasundong bigyan siya ng salapi. 6 Nangako siya at naghanap ngpagkakataong maipagkanulo si Jesus sa kanila na malayo sa mga tao.
Ang Huling Hapunan
7 Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kinakailangan na sa araw na iyon ay kakatay ng batang tupa ng Paglagpas.
8 Sinugo ni Jesus si Pedro at si Juan at kaniyang sinabi: Umalis kayo at maghanda kayo ng hapunan ng Paglagpas upang tayo ay makakain.
9 Ngunit sinabi nila sa kaniya: Saan mo kami nais maghanda?
10 Sinabi niya sa kanila: Narito, sa pagkapasok ninyo sa lungsod, masasalubong ninyo ang isang lalaking may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kaniyang papasukan. 11 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay: Ipinasasabi sa iyo ng guro: Saan ang silid na pampanauhin na doon ay makakakain ako ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mgaalagad? 12 Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas namay mga kagamitan. Doon kayo maghanda.
13 Umalis sila at kanilang nasumpungan ang lahat tulad ng sinabi sa kanila. Naghanda sila ng hapunan ng Paglagpas.
14 Nang dumating ang oras, dumulog si Jesus sa hapag-kainan kasama ang kaniyang labindalawang apostol. 15 Sinabi niya sa kanila: Mahigipit kong hinangad na kumain ng hapunan ng Paglagpas na kasama kayo bago ako maghirap. 16 Sinasabi ko ito sa inyo dahil hindi na ako kakain nito hanggang ito ay maganap sa paghahari ng Diyos.
17 Pagkatanggap niya ng isang saro, nagpasalamat siya at sinabi: Kunin ninyo ito at paghati-hatian ninyo. 18 Sinasabi ko ito sa inyo dahil hindi na ako iinom ng bunga ng ubas hanggang dumating ang paghahari ng Diyos.
19 Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin.
20 Sa gayunding paraan, pagkatapos na makapaghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos para sa inyo. 21 Bukod dito, narito, ang mga kamay ng magkakanulo sa akin ay kasama ko sa hapag. 22 Tunay na ang Anak ng Tao ay humahayo ayon sa itinakda. Ngunit sa aba ng taong iyon na magkakanulo sa akin. 23 Nagsimula silang magtanungan sa isa’t isa kung sino kaya sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.
24 Nagkaroon ng pagtatalo sa kanila kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila. 25 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang mga hari ng mga Gentil ay naghahari sa kanila. Ang mga namamahala sa kanila ay tinatawag na tagagawa ng mabuti. 26 Ngunit hindi gayon sa inyo. Ang pinakadakila sa inyo ay matulad sa pinakabata. Siya na tagapanguna ay matulad sa tagapaglingkod. 27 Ito ay sapagkat sino nga ba ang higit na dakila, ang nakadulog ba o ang naglilingkod? Hindi ba ang higit na dakila ay ang nakadulog? Ngunit ako na nasa kalagitnaan ninyo ay tulad sa naglilingkod. 28 Kayo iyong mga kasama kong nagpatuloy sa aking mga pagsubok. 29 Ang aking Ama ay naglaan para sa akin ng isang paghahari. Ganito rin ang paglaan ko ng isang paghahari para sa inyo. 30 Inilaan ko ito upang kayo ay makakain at makainom sa aking dulang sa aking paghahari. Inilaan ko ito upang kayo ay makaupo sa mga trono na hinahatulan ang labindalawang lipi ni Israel.
31 Sinabi ng Panginoon: Simon, Simon, narito, ikaw ay hinihingi ni Satanas sa akin upang salain tulad ng trigo. 32 Ngunit ipinanalangin na kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. Kapag ikaw ay nagbalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid.
33 Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, ako ay nakahandang mabilanggo at mamatay kasama mo.
34 Sinabi ni Jesus: Sinasabi ko sa iyo, Pedro: Ipagkakaila mo nang tatlong ulit na kilala mo ako bago tumilaok ang tandang.
35 Sinabi niya sa kanila: Isinugo ko kayong walang dalang kalupi, bayong at panyapak. Nang isinugo ko kayo, nagkulang ba kayo ng anumang bagay?
Sinabi nila: Wala kaming naging kakulangan.
36 Sinabi nga niya sa kanila: Ngayon, siya na may kalupi ay hayaang magdala niyon. Ang may bayong ay gayundin. Siya na walang tabak ay ipagbili niya ang kaniyang damit at bumili ng tabak. 37 Nasusulat:
At siya ay ibinilang sa mga walang kinikilalang kautusan ng Diyos.
Sinasabi ko sa inyo: Ang nasusulat na ito ay kailangan pang maganap sa akin sapagkat ang mga bagay patungkol sa akin ay magaganap na.
38 Sinabi ng mga alagad: Panginoon. Narito, may dalawang tabak dito.
Sinabi niya sa kanila:Sapat na iyan.
Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo
39 Umalis si Jesus at ayon sa kaniyang kinaugalian ay pumunta sa bundok ng mga Olibo. Sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.
40 Pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila: Manalangin kayo na huwag kayong mapasok sa tukso. 41 Humiwalay siya sa kanila na ang layo ay maaabot ng pukol ng bato at siya ay lumuhod at nanalangin. 42 Kaniyang sinabi: Ama, kung nanaisin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunman, hindi ang aking kalooban kundi ang kalooban mo ang mangyari. 43 Nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit. Pinalalakas siya nito. 44 Sa matindi niyang pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim. Ang pawis niya ay naging tulad ng patak ng dugo na pumapatak sa lupa.
45 Pagkatapos niyang manalangin, tumindig siya. Sa pagpunta niya sa kaniyang mga alagad, nasumpungan niya silang natutulog dahil sa kalumbayan. 46 Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin upang huwag kayong mapasok sa tukso.
Dinakip Nila si Jesus
47 Habang nagsasalita pa siya, narito, dumating ang maraming tao. Siya na tinatawag na Judas, isa sa labindalawang alagad, ay nauuna sa kanila. Lumapit siya kay Jesusupang halikan siya.
48 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Judas, sa pamamagitan ba ng halik ay ipagkakanulo mo ang Anak ng Tao?
49 Nakita ng mga nasa palibot niya kung ano ang mangyayari. Dahil dito sinabi nila: Panginoon, mananaga ba kami? 50 Tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang kanang tainga nito.
51 Sumagot si Jesus: Tigil! Tama na ang mga ito. Hinipo ni Jesus sa tainga ang alipin at pinagaling niya ito.
52 Ang mga dumating laban sa kaniya ay ang mga pinunong-saserdote, mga tanod sa templo at mga matanda. Sinabi niya sa mga ito: Lumabas ba kayong may mga tabak at pamalo gaya ng laban sa isang tulisan? 53 Nang kasama ninyo ako sa templo araw-araw, hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin. Subalit ang oras na ito ay sa inyo at ang kapamahalaan ng kadiliman.
Ipinagkaila ni Pedro si Jesus
54 Pagkahuli nila sa kaniya, isinama nila siya sa bahay ng pinakapunong-saserdote. Si Pedro ay sumusunod mula sa di-kalayuan.
55 Sa gitna ng patyo sila ay nagsiga. Pagkatapos nito, sama-sama silang umupo,kasama si Pedro. 56 Isang utusang babae ang nakakita kay Pedro na nakaupo malapit sa apoy. Pinagmasdan niyang mabuti si Pedro. Sinabi niya: Ang isang ito ay kasama niya.
57 Ipinagkaila ni Pedro si Jesus. Sinabi niya: Babae, hindi ko siya kilala.
58 Pagkalipas ng ilang sandali, may isa pang nakakita sa kaniya. Sinabi niya: Ikaw ay kasama nila.
Sinabi ni Pedro: Ginoo, hindi nila ako kasama.
59 Pagkalipas nang may isang oras, may isa pang mariing nagsalita. Sinabi niya: Totoong ang isang ito ay kasama rin niya dahil siya ay isa ring taga-Galilea.
60 Sinabi ni Pedro: Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo. Habang siya ay nagsasalita pa, tumilaok ang tandang. 61 Sa paglingon ng Panginoon,tiningnan niya si Pedro at naala-ala ni Pedro ang salita ng Panginoon kung papaanong sinabi sa kaniya: Bago tumilaok ang tandang, tatlong ulit mo akong ikakaila. 62 Sa paglabas ni Pedro, tumangis siya nang buong kapaitan.
Nilibak ng mga Kawal si Jesus
63 Si Jesus ay nilibak at hinagupit ng mga lalaking humuli sa kaniya.
64 Sa pagpiring nila sa kaniya ay sinampal nila siya at tinatanong siya: Ihayag mo, sino ang sumampal sa iyo? 65 Sinabi nila sa kaniya sa mapamusong na pamamaran ang marami pang mga bagay.
Si Jesus sa Harap ng Sanhedrin
66 Nang mag-uumaga na, sama-samang nagkakatipun-tipon ang mga matanda sa mga tao, maging ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Dinala nila si Jesus sa kanilang Sanhedrin.
67 Sinabi nila: Kung ikaw ang Mesiyas, sabihin mo sa amin.
Sinabi niya sa kanila: Kung sasabihin ko sa inyo, kailanman ay hindi kayo maniniwala.
68 Kung magtatanong din ako sa inyo, hindi ninyo ako sasagutin ni palalayain. 69 Mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.
70 Sinabi nilang lahat: Kung gayon, ikaw nga ba ang Anak ng Diyos?
Sinabi niya sa kanila: Tama ang iyong sinasabi na ako nga.
71 Sinabi nila: Hindi ba, hindi na natin kailangan ang saksi sapagkat tayo na ang nakarinig mula sa kaniyang bibig?
Copyright © 1998 by Bibles International