Font Size
Lucas 22:19-21
Ang Salita ng Diyos
Lucas 22:19-21
Ang Salita ng Diyos
19 Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin.
20 Sa gayunding paraan, pagkatapos na makapaghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos para sa inyo. 21 Bukod dito, narito, ang mga kamay ng magkakanulo sa akin ay kasama ko sa hapag.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International