Font Size
Lucas 22:19-21
Ang Biblia, 2001
Lucas 22:19-21
Ang Biblia, 2001
19 At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, kanyang pinagputul-putol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, “Ito'y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.”
20 Gayundin(A) naman ang kopa, pagkatapos ng hapunan, na sinasabi, “Ang kopang ito na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking dugo.[a]
21 Subalit(B) tingnan ninyo, ang nagkakanulo sa akin ay kasama ko, at ang kamay niya ay nasa hapag.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 22:20 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang mga talatang 19-20.