Add parallel Print Page Options

Ang Darating na Pagkawasak ng Jerusalem(A)

20 “Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga hukbo ang Jerusalem, tandaan ninyo, malapit na ang pagkawasak nito. 21 Ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, ang mga nasa bayan ay dapat nang lumabas, at ang mga nasa bukid ay huwag nang pumasok sa bayan. 22 Sapagkat(B) iyon ang mga araw ng pagpaparusa bilang katuparan ng mga sinasabi sa Kasulatan.

Read full chapter