Add parallel Print Page Options

Si Zaqueo, ang Maniningil ng Buwis

19 Pumasok at dumaan si Jesus sa Jerico.

Naroroon ang isang lalaking nagngangalang Zaqueo. Siya ay punong-maniningil ng buwis at siya ay mayaman. Hina­hangad niyang makita kung sino si Jesus. Hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat siya ay mababa. At tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita si Jesus sapagkat sa daang iyon daraan si Jesus.

Nang dumating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at nakita niya si Zaqueo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Zaqueo, magmadali kang bumaba sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang manatili ako sa iyong bahay. Nagmamadali siyang bumaba at nagagalak niyang tinanggap si Jesus.

Nang makita ito ng lahat, nagbulung-bulungan sila. Kanilangsinabi: Manunuluyan siya sa isang makasalanan.

Si Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga dukha. Anuman ang aking nakuha sa pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko nang makaapat na ulit.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sa araw na ito, dumating sa bahay na ito ang kaligtasan sapagkat siya ay anak rin ni Abraham. 10 Ang Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang nawala.

Ang Talinghaga Patungkol sa Sampung Mina

11 Habang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, idinagdag ni Jesus at sinabi ang isang talinghaga sapagkat malapit na siya sa Jerusalem at inakala nila na ang paghahari ng Diyos ay mahahayag na.

12 Kaya nga, sinabi niya: May isang maharlikang lalaki. Pumunta siya sa malayong bayan upang tanggapin sa kaniyang sarili ang isang paghahari at siya ay babalik. 13 Tinawag niya ang sampu sa kaniyang mga alipin at bawat isa ay binigyan ng isang mina. Sinabi niya sa kanila: Mangalakal kayo hanggang sa pagdating ko.

14 Ngunit ang kaniyang mga mamamayan ay napopoot sa kaniya. At nagsugo sila sa kaniya ng isang kinatawan. Kanilang sinabi: Ayaw naming maghari sa amin ang lalaking ito.

15 At nangyari, na sa kaniyang pagbalik, pagkatanggap niya ng paghahari, iniutos niyang tawagin ang mga aliping ito. Ipinatawag niya ang mga aliping binigyan niya ng salapi upang malaman niya kung ano ang tinubo ng bawat isa sa pangangalakal.

16 Dumating ang una at sinabi: Panginoon, ang iyong mina ay tumubo ng sampung mina.

17 Sinabi niya sa kaniya: Magaling ang iyong ginawa, ikaw na mabuting alipin. Dahil naging matapat ka sa napakaliit, mamamahala ka sa sampung lungsod.

18 Dumating ang pangalawa at sinabi: Panginoon, ang iyong mina ay tumubo ng limang mina.

19 Sinabi rin niya sa isang ito: Mamamahala ka sa limang lungsod.

20 Dumating ang isa at sinabi: Panginoon, narito ang iyong mina na itinago ko sa isang panyo. 21 Itinago ko ito sapagkat natatakot ako sa iyo dahil ikaw ay isang malupit na tao. Kinu­kuha mo ang hindi mo inilagay at inaani mo ang hindi mo inihasik.

22 Ngunit sinabi niya sa kaniya: Hahatulan kita mula sa iyong bibig, masamang alipin. Alam mong ako ay isang mabagsik na tao. Kinukuha ko ang hindi ko inilagay at inaani ko ang hindi ko inihasik. 23 Bakit hindi mo inilagak sa bangko ang aking salapi upang sa pagdating ko ay makuha ko ito kasama ang tubo?

24 Sa mga nakatayo ay kaniyang sinabi: Kunin ninyo sa kaniya ang mina. Ibigay ninyo ito sa kaniya na may sampung mina.

25 Sinabi nila sa kaniya: Panginoon, may sampung mina siya.

26 Ito ay sapagkat sinasabi ko sa inyo: Sa bawat isa na mayroon ay bibigyan. Ngunit sa kaniya na wala, maging ang nasa kaniya ay kukunin mula sa kaniya. 27 Subalit, itong aking mga kaaway na ayaw akong maghari sa kanila ay dalhin ninyo rito. Patayin ninyo sila sa aking harapan.

Pumasok si Jesus sa Jerusalem Tulad ng Isang Hari

28 Pagkasabi ng mga bagay na ito, nauna siyang umahon saJerusalem.

29 At nangyari nang papalapit na siya sa Betfage at Betania, patungo sa tinatawag na bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad. 30 Kaniyang sinabi: Pumunta kayo sa nayon na nasa unahan ninyo. Sa pagpasok ninyo sa nayon, masusumpungan ninyo ang isang batang asno na nakatali. Hindi pa iyon nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo: Bakit ninyo kinalagan iyan? Sabihin nga ninyo sa kaniya: Kailangan ito ng Panginoon.

32 Umalis ang mga sinugo at nasumpungan nila ang ayon sa pagkasabi sa kanila. 33 Sa pagkalag nila sa bisiro, ang mga may-ari nito ay nagsabi sa kanila: Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?

34 Sinabi nila: Kailangan ito ng Panginoon.

35 Inakay nila ang bisiro patungo kay Jesus. Pagkalagay nila ng kanilang mga damit sa bisiro, pinasakay nila si Jesus doon. 36 Sa kaniyang pagyaon, inilatag nila ang kanilang mga damit sa daan.

37 Malapit na siya sa paanan ng bundok ng mga Olibo. Habang papalapit na siya ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos. Nagpuri sila nang may malakas na tinig sa lahat ng mga himalang nakita nila. 38 Sinasabi nila:

Papuri sa Hari na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit at kaluwalhatian sa kataas-taasan!

39 Ang ilan sa mga Fariseong mula sa karamihan ay nagsabi sa kaniya: Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad. 40 Sapagsagot ay sinabi niya sa kanila: Sinasabi ko sa inyo, kapag tumahimik ang mga ito, sisigaw ang mga bato.

41 Nang siya ay nakalapit at nakita ang lungsod, iniyakan niya ito. 42 Sinabi niya: Kung nalalaman mo, maging ikaw, kahit man lang sa araw mong ito, ang mga bagay na para sa iyong kapayapaan. Ngunit ngayon sila ay natago sa iyong mga paningin. 43 Ito ay sapagkat darating sa iyo ang mga araw na ang mga kaaway mo ay maglalagay ng bambang sa palibot mo. Papalibutan ka nila at kukubkubin ka nila sa bawat panig. 44 Ikaw ay papataging kapantay ng lupa kasama ng iyong mga anak. Walang batong maiiwan na nakapatong sa isang bato sapagkat hindi mo binigyang pansin ang panahon ng pagdating ng Diyos sa inyo.

Nilinis ni Jesus ang Templo

45 Sa kaniyang pagpasok sa templo, itinaboy niya ang mganagtitinda at namimili roon.

46 Sinabi niya sa kanila: Nasusulat:

Ang aking bahay ay isang bahay dalanginan. Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga tulisan.

47 At nagturo si Jesus sa templo araw-araw. Ang mga pinunong-saserdote, ang mga guro ng kautusan at ang mga pinuno ng mga tao ay naghanap ng paraan upang mapatay siya. 48 Hindi nila masumpungan ang maaari nilang gawin dahil ang mga tao ay matamang nakikinig sa kaniya.

Pinag-alinlanganan ang Kapamahalaan ni Jesus

20 Nangyari, na isa sa mga araw na iyon, habang nagtuturo si Jesus sa mga tao sa templo at ipina­ngangaral ang ebanghelyo, pumunta sa kaniyaang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan na kasama nila ang mga matanda.

Nagsalita sila sa kaniya. Sinabi nila: Sabihin mo sa amin kung sa anong kapamahalaan ginagawa mo ang mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapama­halaang ito?

Sumagot siya sa kanila na sinabi: Itatanong ko rin sa inyo ang isang bagay. Sabihin ninyo sa akin: Ang bawtismo ni Juan, ito ba ay mula sa langit o mula sa tao?

Nagtanungan sila sa isa’t isa na sinasabi: Kung sabihin nating mula sa langit, sasabihin niya: Kung gayon, bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? Ngunit kapag sinabi nating mula sa mga tao, babatuhin tayo ng lahat ng mga tao sapagkat naniniwala silang si Juan ay isang propeta.

Sumagot sila kay Jesus na hindi nila alam kung saan iyon nagmula.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Kahit ako, hindi ko rin sasabihin kung sa anong kapamahalaan ko ginagawa ang mga bagay na ito.

Ang Talinghaga Patungkol sa mga Magsasakaga

Sinimulan niyang sabihin sa mga tao ang isang talinghaga. Isang lalaki ang nagtanim ng ubasan. Ipinaupahan niya ito sa mga magsasaka ng lupain at nilisan niya ang bayan sa mahabang panahon. 10 Sa kapanahunan, isinugo niya sa mga magsasaka ang isang alipin upang ibigay nila sa kaniya ang bunga ng ubasan. Ngunit binugbog ito ng mga magsasaka at pinaalis nang walang dala. 11 Muli siyang nagsugo ng isang alipin ngunit binugbog din nila ito at pinagmalupitan at pinaalis nang walang dala. 12 Nagsugo siyang muli ng pangatlo ngunit kanila rin siyang sinugatan at itinaboy palabas.

13 Sinabi ng panginoon ng ubasan: Ano ang gagawin ko? Susuguin ko ang pinakamamahal kong anak na lalaki. Marahil siya ay igagalang kapag siya ay kanilang nakita.

14 Ngunit nang siya ay makita ng mga magsasaka, sila ay nag-usap-usap. Kanilang sinabi: Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin ang mana. 15 Nang siya ay kanilang maitaboy palabas ng ubasan, siya ay kanilang pinatay.

Ano nga ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?

16 Darating siya at lilipulin ang mga magsasakang ito. Ang ubasan ay ibibigay niya sa iba.

Pagkarinig nila nito, kanilang sinabi: Huwag nawang mangyari.

17 Tiningnan niya sila at kaniyang sinabi: Ano nga ang kahulugan ng nasusulat na ito:

Ang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo ay naging batong panulok?

18 Ang bawat isang babagsak sa batong iyon ay magkakapira-piraso. Ngunit ang sinumang mabagsakan nito ay madudurog.

19 Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay naghanap ng paraan upang hulihin siya sa oras ding iyon at natakot sila sa mga tao. Ito ay sapagkat alam nila na sinabi ni Jesus ang talinghagang ito laban sa kanila.

Pagbabayad ng Buwis-pandayuhan kay Cesar

20 Sa pagmamatyag nila sa kaniya, nagsugo sila ng mga tiktikna magkukunwaring matuwid upang maipahuli nila siya sa kaniyang pananalita. Nang sa gayon ay maibigay nila siya sa pamunuan at kapamahalaan ng gobernador.

21 Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, alam naming ikaw ay nagsasalita at nagtuturo ng tama. Ikaw ay hindi nagtatangi ng tao. Itinuturo mo ang daan ng Diyos na may katotohanan. 22 Naaayon ba sa kautusan na kami ay magbigay ng buwis-pandayuhan kay Cesar o hindi?

23 Alam ni Jesus ang kanilang katusuhan. Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ako sinusubukan? 24 Ipakita ninyo sa akin ang isang denaryo. Kaninong anyo ang narito at papatungkol kanino ang nakasulat dito?

Sumagot sila: Kay Cesar.

25 Sinabi niya sa kanila: Ibigay nga ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar. Ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos.

26 Siya ay hindi nila mahuli sa kaniyang pananalita sa harap ng mga tao. Namangha sila sa kaniyang sagot at tumahimik sila.

Ang Muling Pagkabuhay at ang Pag-aasawa

27 Pumunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduseo na tumatangging mayroong muling pagkabuhay. Nagtanong sila sa kaniya:

28 Guro, si Moises ay sumulat sa amin na kapag mamatay ang kapatid na lalaking may asawa at walang anak, dapat kunin ng kapatid niyanglalaki ang asawa nito. Kukunin ng kapatid ang asawang babae upang magkaanak para sa kaniyang kapatid na namatay. 29 Mayroon ngang pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa at namatay na walang anak. 30 Kinuha siya ng pangalawa upang maging asawa at ang lalaki ay namatay na walang anak. 31 Ang babae ay kinuha ng pangatlo at hanggang sa pampito, gayon ang nangyari. Wala silang iniwang anak at namatay. 32 Sa kahuli-hulihan, namatay din ang babae. 33 Kung magkagayon, sa muling pagkabuhay, kaninong asawa siya? Ito ay sapagkat naging asawa siya ng pito.

34 Sumagot si Jesus: Ang mga anak ng kapanahunang ito ay nag-aasawa at ikinakasal. 35 Ngunit sa kanila na itinuring na karapat-dapat na magtamo ng kapanahunang darating at ng muling pagkabuhay mula sa mga patay ay hindi nag-aasawa ni ikinakasal. 36 Ito ay sapagkat hindi na sila mamamatay kailanman dahil sila ay magiging katulad ng mga anghel. Sa pagiging mga anak ng muling pagkabuhay, sila ay mga anak ng Diyos. 37 Ngunit maging si Moises ay nagpatunay nito sa salaysay patungkol sa palumpong[a] na ang mga patay ay muling mabubuhay. Ito aynang tawagin niya ang Panginoon na Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. 38 Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi Diyos ng mga buhay. Ito ay sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya.

39 Sumagot ang ilang guro ng kautusan: Guro, mahusay ang pagkasabi mo. 40 Hindi na sila naglakas ng loob kailanman na magtanong sa kaniya ng anumang bagay.

Kaninong Anak ang Mesiyas?

41 Sinabi niya sa kanila: Papaano nilang sinasabi na ang Mesiyas ay anak ni David?

42 Ito ay sapagkat si David na rin ang nagsabi sa aklat ng mga Awit:

Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon: Maupo ka sa aking kanan.

43 Ito ay hanggang mailagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.

44 Kaya nga, tinawag siya ni David na Panginoon, papaano nga siya naging anak niya?

Mag-ingat sa mga Mapagpaimbabaw

45 Habang nakikinig ang mga tao, siya ay nagsabi sa kaniyang mga alagad.

46 Mag-ingat kayo sa mga guro ng kautusan na nasisiyahang maglakad na may mahabang kasuotan. Ibig nila ang mga pagbati ng mga tao sa mga pamilihang-dako. Ibig din nila ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at mga pangunahing dako sa mga hapunan. 47 Nilalamon nila ang mga bahay ng mga balo. Bilang pagpapakunwari, nananalangin sila ng mahaba. Ang mga ito ay tatanggap ng higit na mabigat na kahatulan.

Ang Handog ng Babaeng Balo

21 Sa kaniyang pagtingala, nakita ni Jesus ang mga mayayaman na naghuhulog ng kanilang mga kaloob sa kaban ng yaman.

Nakita rin niya ang isangdukhang balo na naghuhulog doon ng dalawang sentimos. Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dukhang balong ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat. Ito ay sapagkat mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat niyang kabuhayan. Ang mga mayamang ito ay naghulog ng mga kaloob sa Diyos mula sa mga labis nila.

Mga Tanda sa Huling Panahon

Habang ang ilan ay nag-uusap patungkol sa templo, na itoay nagagayakan ng mga naggagandahang bato at mga kaloob, sinabi ni Jesus:

Darating ang mga araw na ang mga bagay na inyong nakikita ay gigibain. Walang maiiwang bato na nakapatong sa bato na hindi babagsak.

Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang mga tanda na mangyayari na ang mga bagay na ito?

Sinabi niya: Mag-ingat kayo na hindi kayo maililigaw sapagkat marami ang darating sa pangalan ko. Kanilang sasabihin: Ako ang Mesiyas at ang oras ay malapit na. Huwag nga kayong sumunod sa kanila. Kapag kayo ay nakarinig ng mga digmaan at himagsikan, huwag kayong masindak sapagkat ang mga bagay na ito ay dapat munang mangyari. Subalit ang wakas ay hindi agad mangyayari.

10 Pagkatapos nito sinabi niya sa kanila: Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang paghahari laban sa paghahari. 11 Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa iba’t ibang dako. Magkakaroon ng taggutom at salot. Magkakaroon ng mga nakakatakot na mga pangyayari at dakilang mga tanda mula sa langit.

12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, huhulihin nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan. Ihaharap nila kayo sa mga hari at gobernador dahil sa aking pangalan. 13 Ngunit ito ay magiging isang pagkakataon ng inyong pagpapatotoo. 14 Ilagay nga ninyo sa inyong mga puso na huwag paghandaan ang pagtatanggol. 15 Ito ay sapagkat bibigyan ko kayo ng kapang­yarihang magsalita at ng karunungan. Sa pamamagitan nito ay hindi makakasagot ni makakatanggi ang lahat ng mga kumakalaban sa inyo. 16 Ngunit kayo ay ipagkakanulo maging ng mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan. Papatayin nila ang ilan sa inyo. 17 Kayo ay kapopootan ng lahat ng dahil sa aking pangalan. 18 Kailanman ay hindi mawawala ang isa mang buhok sa inyong ulo. 19 Sa pamamagitan ng inyong matiyagang pagtitiis, tatamuhin ninyo ang inyong buhay.

20 Alamin ninyo na ang kapanglawan ng Jerusalem ay malapit na. Ito ay kapag nakita ninyong siya ay napalibutan ng mga hukbo. 21 Pagkatapos nito, sila na nasa Judea ay tatakas patungo sa mga bundok. Sila nanasa kaniyang kalagitnaan ay lalabas. Sila na nasa mga lalawigan ay huwag nang hayaang pumasok sa kaniya. 22 Ito ay sapagkat sa mga araw ng paghihiganti ay magaganap ang lahat ng mga bagay na isinulat. 23 Ngunit sa aba ng mga nagdadalang-tao at sa kanila na mga nagpapasuso sa mga araw na iyon sapagkat magkakaroon ng malaking kaguluhan sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng poot sa mga taong ito. 24 Sila ay babagsak sa talim ng tabak. Sila ay magiging bihag sa lahat ng mga bansa. At ang Jerusalem ayyuyurakan ng mga Gentil hanggang maganap ang panahon ng mga Gentil.

25 Magkakaroon ng mga tanda sa araw, at sa buwan at sa mga bituin. Sa ibabaw ng lupa ay magkakaroon ng kabali­sahan ng mga bansa na may pagkalito. Magkakaroon ng malakas na ugong ng daluyong at ng dagat. 26 Panghihinaan ng loob ang mga lalaki dahil sa takot at sa paghihintay roon sa daratingsa daigdig sapagkat ang kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig. 27 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwal­hatian. 28 Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, itingala ninyo ang inyong mga ulo at tumingin sa itaas sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.

29 Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila:Narito, ang puno ng igos at lahat ng mga punong-kahoy. 30 Kapag sumibol na sila, makikita ninyo at malalaman na ang tag-init ay malapit na. 31 Gayundin kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito na nangyari na, alam ninyong ang paghahari ng Diyos ay malapit na.

32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa mangyari ang lahat. 33 Ang langit at lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita kailanman ay hindi lilipas.

Ang Katupaaran ng Kautusan

34 Ngunit ingatan ninyo ang inyong mga sarili baka mapuno anginyong mga puso ng ugali ng pagkalango at paglalasing at pagkabalisa sa buhay na ito. At bigla kayong datnan ng araw na iyon.

35 Ito ay sapagkat tulad sa bitag, ito ay darating sa kanilang lahat nanananahan sa buong daigdig. 36 Magbantay nga kayo at laging manalangin. Ito ay upang kayo ay maibilang na karapat-dapat na makaligtas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari. Ito rin ay upang kayo ay makatayo sa harap ng Anak ng Tao.

37 Kung araw, si Jesus ay nagtuturo sa templo. At kung gabi, siya ay lumalabas upang magpalipas ng gabi sa bundok na tinatawag na bundok ng mga Olibo. 38 Kinaumagahan, ang lahat ng tao ay pumunta sa kaniya roon sa templo upang makinig.

Nakipagkasundo si Judas na Ipagkanulo si Jesus

22 Nalalapit na ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tinatawag na Paglagpas.

Ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ay humahanap ng paraan kung papaano nila maipapatay si Jesus sapagkat natatakot sila sa mga tao. Pumasok si Satanas kay Judas, na tinaguriang taga-Keriot, na kabilang sa labindalawang alagad. Umalis siya at nakipag-usap sa mga pinunong-saserdote at sa mga opisyales ng mga tanod sa templo kung papaano niya maipagkakanulo si Jesus sa kanila. Nagalak sila at nagka­sundong bigyan siya ng salapi. Nangako siya at naghanap ngpagkakataong maipagkanulo si Jesus sa kanila na malayo sa mga tao.

Ang Huling Hapunan

Dumating ang araw ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Kinakailangan na sa araw na iyon ay kakatay ng batang tupa ng Paglagpas.

Sinugo ni Jesus si Pedro at si Juan at kaniyang sinabi: Umalis kayo at maghanda kayo ng hapunan ng Paglagpas upang tayo ay makakain.

Ngunit sinabi nila sa kaniya: Saan mo kami nais maghanda?

10 Sinabi niya sa kanila: Narito, sa pagkapasok ninyo sa lungsod, masasalubong ninyo ang isang lalaking may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kaniyang papasukan. 11 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay: Ipinasasabi sa iyo ng guro: Saan ang silid na pampanauhin na doon ay makakakain ako ng hapunan ng Paglagpas kasama ng aking mgaalagad? 12 Ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas namay mga kagamitan. Doon kayo maghanda.

13 Umalis sila at kanilang nasumpungan ang lahat tulad ng sinabi sa kanila. Naghanda sila ng hapunan ng Paglagpas.

14 Nang dumating ang oras, dumulog si Jesus sa hapag-kainan kasama ang kaniyang labindalawang apostol. 15 Sinabi niya sa kanila: Mahigipit kong hinangad na kumain ng hapunan ng Paglagpas na kasama kayo bago ako maghirap. 16 Sinasabi ko ito sa inyo dahil hindi na ako kakain nito hanggang ito ay maganap sa paghahari ng Diyos.

17 Pagkatanggap niya ng isang saro, nagpasalamat siya at sinabi: Kunin ninyo ito at paghati-hatian ninyo. 18 Sinasabi ko ito sa inyo dahil hindi na ako iinom ng bunga ng ubas hanggang dumating ang paghahari ng Diyos.

19 Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinag­putul-putol niya ito at ibinigay sa kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-ala-ala sa akin.

20 Sa gayunding paraan, pagkatapos na makapaghapunan, kinuha niya ang saro at sinabi: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo na ibinuhos para sa inyo. 21 Bukod dito, narito, ang mga kamay ng magkakanulo sa akin ay kasama ko sa hapag. 22 Tunay na ang Anak ng Tao ay humahayo ayon sa itinakda. Ngunit sa aba ng taong iyon na magkakanulo sa akin. 23 Nagsimula silang magtanungan sa isa’t isa kung sino kaya sa kanila ang gagawa ng bagay na ito.

24 Nagkaroon ng pagtatalo sa kanila kung sino sa kanila ang ituturing na pinakadakila. 25 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ang mga hari ng mga Gentil ay naghahari sa kanila. Ang mga namamahala sa kanila ay tinatawag na tagagawa ng mabuti. 26 Ngunit hindi gayon sa inyo. Ang pinakadakila sa inyo ay matulad sa pinakabata. Siya na tagapanguna ay matulad sa tagapaglingkod. 27 Ito ay sapagkat sino nga ba ang higit na dakila, ang nakadulog ba o ang naglilingkod? Hindi ba ang higit na dakila ay ang nakadulog? Ngunit ako na nasa kalagitnaan ninyo ay tulad sa naglilingkod. 28 Kayo iyong mga kasama kong nagpatuloy sa aking mga pagsubok. 29 Ang aking Ama ay naglaan para sa akin ng isang paghahari. Ganito rin ang paglaan ko ng isang paghahari para sa inyo. 30 Inilaan ko ito upang kayo ay makakain at makainom sa aking dulang sa aking paghahari. Inilaan ko ito upang kayo ay makaupo sa mga trono na hinahatulan ang labindalawang lipi ni Israel.

31 Sinabi ng Panginoon: Simon, Simon, narito, ikaw ay hinihingi ni Satanas sa akin upang salain tulad ng trigo. 32 Ngunit ipinanalangin na kita upang huwag manghina ang iyong pananampalataya. Kapag ikaw ay nagbalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid.

33 Sinabi niya sa kaniya: Panginoon, ako ay nakahandang mabilanggo at mamatay kasama mo.

34 Sinabi ni Jesus: Sinasabi ko sa iyo, Pedro: Ipagkakaila mo nang tatlong ulit na kilala mo ako bago tumilaok ang tandang.

35 Sinabi niya sa kanila: Isinugo ko kayong walang dalang kalupi, bayong at panyapak. Nang isinugo ko kayo, nagkulang ba kayo ng anumang bagay?

Sinabi nila: Wala kaming naging kakulangan.

36 Sinabi nga niya sa kanila: Ngayon, siya na may kalupi ay hayaang magdala niyon. Ang may bayong ay gayundin. Siya na walang tabak ay ipagbili niya ang kaniyang damit at bumili ng tabak. 37 Nasusulat:

At siya ay ibinilang sa mga walang kinikilalang kautusan ng Diyos.

Sinasabi ko sa inyo: Ang nasusulat na ito ay kailangan pang maganap sa akin sapagkat ang mga bagay patungkol sa akin ay magaganap na.

38 Sinabi ng mga alagad: Panginoon. Narito, may dalawang tabak dito.

Sinabi niya sa kanila:Sapat na iyan.

Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo

39 Umalis si Jesus at ayon sa kaniyang kinaugalian ay pumunta sa bundok ng mga Olibo. Sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.

40 Pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila: Manalangin kayo na huwag kayong mapasok sa tukso. 41 Humiwalay siya sa kanila na ang layo ay maaabot ng pukol ng bato at siya ay lumuhod at nanalangin. 42 Kaniyang sinabi: Ama, kung nanaisin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunman, hindi ang aking kalooban kundi ang kalooban mo ang mangyari. 43 Nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit. Pinalalakas siya nito. 44 Sa matindi niyang pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim. Ang pawis niya ay naging tulad ng patak ng dugo na pumapatak sa lupa.

45 Pagkatapos niyang manalangin, tumindig siya. Sa pag­punta niya sa kaniyang mga alagad, nasumpungan niya silang natutulog dahil sa kalumbayan. 46 Sinabi niya sa kanila: Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin upang huwag kayong mapasok sa tukso.

Dinakip Nila si Jesus

47 Habang nagsasalita pa siya, narito, dumating ang maraming tao. Siya na tinatawag na Judas, isa sa labindalawang alagad, ay nauuna sa kanila. Lumapit siya kay Jesusupang halikan siya.

48 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Judas, sa pamamagitan ba ng halik ay ipagkakanulo mo ang Anak ng Tao?

49 Nakita ng mga nasa palibot niya kung ano ang mang­yayari. Dahil dito sinabi nila: Panginoon, mananaga ba kami? 50 Tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng pinakapunong-saserdote at natanggal ang kanang tainga nito.

51 Sumagot si Jesus: Tigil! Tama na ang mga ito. Hinipo ni Jesus sa tainga ang alipin at pinagaling niya ito.

52 Ang mga dumating laban sa kaniya ay ang mga pinunong-saserdote, mga tanod sa templo at mga matanda. Sinabi niya sa mga ito: Lumabas ba kayong may mga tabak at pamalo gaya ng laban sa isang tulisan? 53 Nang kasama ninyo ako sa templo araw-araw, hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay laban sa akin. Subalit ang oras na ito ay sa inyo at ang kapamahalaan ng kadiliman.

Ipinagkaila ni Pedro si Jesus

54 Pagkahuli nila sa kaniya, isinama nila siya sa bahay ng pinakapunong-saserdote. Si Pedro ay sumusunod mula sa di-kalayuan.

55 Sa gitna ng patyo sila ay nagsiga. Pagkatapos nito, sama-sama silang umupo,kasama si Pedro. 56 Isang utusang babae ang nakakita kay Pedro na nakaupo malapit sa apoy. Pinagmasdan niyang mabuti si Pedro. Sinabi niya: Ang isang ito ay kasama niya.

57 Ipinagkaila ni Pedro si Jesus. Sinabi niya: Babae, hindi ko siya kilala.

58 Pagkalipas ng ilang sandali, may isa pang nakakita sa kaniya. Sinabi niya: Ikaw ay kasama nila.

Sinabi ni Pedro: Ginoo, hindi nila ako kasama.

59 Pagkalipas nang may isang oras, may isa pang mariing nagsalita. Sinabi niya: Totoong ang isang ito ay kasama rin niya dahil siya ay isa ring taga-Galilea.

60 Sinabi ni Pedro: Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo. Habang siya ay nagsasalita pa, tumilaok ang tandang. 61 Sa paglingon ng Panginoon,tiningnan niya si Pedro at naala-ala ni Pedro ang salita ng Panginoon kung papaanong sinabi sa kaniya: Bago tumilaok ang tandang, tatlong ulit mo akong ikakaila. 62 Sa paglabas ni Pedro, tumangis siya nang buong kapaitan.

Nilibak ng mga Kawal si Jesus

63 Si Jesus ay nilibak at hinagupit ng mga lalaking humuli sa kaniya.

64 Sa pagpiring nila sa kaniya ay sinampal nila siya at tinatanong siya: Ihayag mo, sino ang sumampal sa iyo? 65 Sinabi nila sa kaniya sa mapamusong na pamamaran ang marami pang mga bagay.

Si Jesus sa Harap ng Sanhedrin

66 Nang mag-uumaga na, sama-samang nagkakatipun-tipon ang mga matanda sa mga tao, maging ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Dinala nila si Jesus sa kanilang Sanhedrin.

67 Sinabi nila: Kung ikaw ang Mesiyas, sabihin mo sa amin.

Sinabi niya sa kanila: Kung sasabihin ko sa inyo, kailanman ay hindi kayo maniniwala.

68 Kung magtatanong din ako sa inyo, hindi ninyo ako sasagutin ni palalayain. 69 Mula ngayon, ang Anak ng Tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.

70 Sinabi nilang lahat: Kung gayon, ikaw nga ba ang Anak ng Diyos?

Sinabi niya sa kanila: Tama ang iyong sinasabi na ako nga.

71 Sinabi nila: Hindi ba, hindi na natin kailangan ang saksi sapagkat tayo na ang nakarinig mula sa kaniyang bibig?

Si Jesus sa Harap ni Pilato

23 Ang buong karamihang ito ay tumayo at dinala nila si Jesus kay Pilato.

Sinimulan nila siyang paratangan. Sinabi nila: Nasumpungan namin na inililigaw ng taong ito ang bayan at ipinagbabawal ang pagbayad ng buwis kay Cesar. Sinasabi niya na siya ang Mesiyas na isang hari.

Tinanong ni Pilato si Jesus: Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?

Sumagot siya: Tama ang iyong sinabi.

Nagsabi si Pilato sa mga pinunong-saserdote at mga tao: Wala akong nakikitang dahilan upang paratangan ang taong ito.

Ngunit sila ay nagpumilit at nagsabi: Inudyukan niyang magkagulo ang mga tao. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa buong Judea mula sa Galilea hanggang dito.

Nang marinig ni Pilato ang Galilea, itinanong niya kung ang lalaki ay taga-Galilea. Nang malaman niyang siya ay mula sa nasasakupan ni Herodes, ipinadala niya siya kay Herodes. Si Herodes ay nasa Jerusalem din nang mga araw na iyon.

Nang makita ni Herodes si Jesus, lubos siyang nagalak sapagkat matagal na niyang hinahangad na makita siya. Ito ay sapagkat nakarinig na siya ng maraming bagay patungkol kay Jesus. Umaasa siyang makakita ng ilang tanda na ginawa niya. Maraming itinanong si Herodes sa kaniya. Ngunit wala siyang isinagot. 10 Tumayo ang mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan at marahas nila siyang pinaratangan. 11 Kinutya siya ni Herodes at ng mga kawal nito. Nilibak nila siya at sinuotan ng marangyang kasuotan. Pagkatapos nito, ipinadala siyang muli ni Herodes kay Pilato. 12 Nang araw ding iyon, si Pilato at Herodes ay nagingmagkaibigan sa isa’t isa. Sila ay dating magkaaway.

13 Tinawag ni Pilato ang mga pinunong-saserdote at mga pinuno at ang mga tao. 14 Sinabi niya sa kanila: Dinala ninyo sa akin ang taong ito bilang isa na nagliligaw sa mga tao. Narito, tinanong ko siya sa harapan ninyo. Wala akong nakitang anumang kasalanan sa taong ito na ayon sa ipinaparatang ninyo sa kaniya. 15 Pinaahon ko kayo kay Herodes. Maging si Herodes ay walang nakitang ginawaniya na nararapat hatulan ng kamatayan. 16 Pagkaparusa ko nga sa kaniya, palalayain ko siya. 17 Tuwing araw ng paggunita ay kinakailangang may isang palalayain si Pilato.

18 Ngunit sila ay sabay-sabay na sumigaw at sinabi nila: Ipapatay mo ang taong ito at palayain sa amin si Barabas. 19 Si Barabas ay nabilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa niya sa lungsod at dahil din sa pagpatay ng tao.

20 Hangad ni Pilato na palayain si Jesus. Nagsalita nga siyang muli sa kanila. 21 Ngunit sila ay sumisigaw na sinasabi: Ipako sa krus, ipako siya sa krus.

22 Sa ikatlong pagkakataon, sinabi niya sa kanila: Anong kasamaan ang nagawa ng taong ito? Wala akong makita sa kaniya na dahilan upang hatulan siya ng kamatayan. Pagka­tapos ko nga siyang ipahagupit, palalayain ko siya.

23 Ngunit nagpupumilit sila na sa malakas na tinig ay hinihingi nilang siya ay ipako sa krus. Ang tinig nila at ng mga pinunong-saserdote ay nanaig. 24 Inihatol ni Pilato na ang kahilingan nila ang mangyari. 25 Pinalaya niya siya na nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay na siyang hiningi nila. Ngunit si Jesus ay ibinigay niya sa kanilang kagustuhan.

Ipinako nila sa Krus si Jesus

26 Sa pagdala nila kay Jesus, kinuha nila ang isang nagngangalang Simon na taga-Cerene na galing sa bukid. Ipinatong nila sa kaniya ang krus upang pasanin niya na nakasunod kay Jesus.

27 Sumusunod kay Jesus ang napakaraming tao. At mga babae ay tumatangis din at nanaghoy sa kaniya. 28 Lumingon si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag kayong umiyak dahil sa akin. Iyakan ninyo ang inyong mga sarili at inyong mga anak. 29 Ito ay sapagkat, narito, ang mga araw ay darating na kung saan sasabihin nila, pinagpala ang mga baog. Pinagpala ang mga bahay-bata na hindi nagbunga at mga suso na hindi nasusuhan! 30 Sa panahong iyon,

magsisimulang magsabi ang mga tao sa mga bundok: Bumagsak kayo sa amin! Sa mga burol ay sasabihin nila:Tabunan ninyo kami!

31 Ito ay sapagkat kung ginawa nila ito sa mga sariwang punong-kahoy, ano kaya ang mangyayari sa mga tuyo?

32 Dinala rin ang dalawang salarin na papataying kasama ni Jesus. 33 Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, doon ay ipinako nila siya sa krus. At ang mga salarin ay ipinako nila sa krus, ang isa ay sa kanan at ang isa ay sa kaliwa. 34 At sinabi ni Jesus: Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Nagpalabunutan sila sa paghati nila ng kaniyang kasuotan.

35 At ang mga tao ay nakatayo na nakamasid. At tinuya siya ng mga pinuno na kasama rin nila. Sinabi nila: Ang iba ay iniligtas niya. Hayaang iligtas niya ang kaniyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas na pinili ng Diyos.

36 Nilibak din siya ng mga kawal. Lumapit ang mga ito at inalok siya ng maasim na alak. 37 Sinabi nila: Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.

38 Sa itaas niya ay mayroon ding sulat na nakaukit. Ito ay nakasulat sa titik na Griyego, at sa Latin at sa Hebreo: ITO ANG HARI NG MGA JUDIO.

39 Nilait siya ng isa sa mga salarin na nakapako sa krus at sinabi: Kung ikaw ang Mesiyas, iligtas mo ang iyong sarili at kami.

40 Sumagot ang isa at sinaway siya na sinabi: Hindi ka ba natatakot sa Diyos na ikaw ay nasa gayunding kaparusahan? 41 Tunay na ang kaparusahan sa atin ay matuwid sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating ginawa. Ngunit ang lalaking ito ay walang nagawang anumang pagkakamali.

42 Sinabi niya kay Jesus: Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay nasa paghahari mo na.

43 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.

Si Jesus ay Namatay

44 Ang oras noon ay halos ika-anim na at dumilim sa buong lupa hanggang sa ika-siyam na oras.

45 Ang araw ay nagdilim at ang tabing ng banal na dako ay napunit at nahati sa gitna. 46 Si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig. Sinabi niya: Ama, sa iyong mga kamay ay ipinagkakatiwala ko angaking espiritu. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nalagutan siya ng hininga.

47 Nang makita ng kapitan ang nangyari, niluwalhati niya ang Diyos at kaniyang sinabi: Tunay na ang lalaking ito ay matuwid. 48 Nakita ng lahat ng mga tao na nagtipon sa dakong iyon ang mga bagay na nangyari. Nang makita nila ito, sila ay umuwing binabayo ang kanilang mga dibdib. 49 Ang lahat ng mga nakakakilala sa kaniya ay tumayo sa malayo. Nakikita ng mga babaeng sumunod sa kaniya mula sa Galilea ang mga bagay na ito.

Inilibing Nila si Jesus

50 Naroroon ang isang lalaking nagngangalang Jose, na isang kasapi ng Sanhedrin. Siya ay isang mabuting lalaki at matuwid.

51 Hindi siya sumang-ayon sa payo at sa ginawa nila. Siya ay mula sa Arimatea na isang lungsod ng mga Judio. Siya rin ay naghihintay sa paghahari ng Diyos. 52 Pumunta siya kay Pilato at hiningi niya ang katawan ni Jesus. 53 Ibinaba niya ang katawan ni Jesus. Binalot niya ito ng telang lino at inilagay sa isang libingang iniuka sa bato na hindi pa napaglilibingan. 54 Noon ay araw ng paghahanda at ang araw ng Sabat ay nalalapit na.

55 Sumunod kay Jose ang mga babaeng sumama kay Jesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at kung papaano inilagay ang katawan ni Jesus. 56 Umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mga pamahid. Nagpahinga sila sa araw ng Sabat ayon sa kautusan.

Footnotes

  1. Lucas 20:37 O mga mababang puno.

36 Nilibak din siya ng mga kawal. Lumapit ang mga ito at inalok siya ng maasim na alak.

Footnotes

  1. Lucas 20:37 O mga mababang puno.