Add parallel Print Page Options

46 Na sinasabi sa kanila, Nasusulat nga, (A)At ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan: datapuwa't (B)ginawa ninyong yungib ng mga tulisan.

47 At nagtuturo siya araw-araw sa templo. Datapuwa't ang mga pangulong saserdote, at ang mga eskriba, at ang mga taong pangunahin sa bayan ay nangagsisikap na siya'y patayin:

48 At di nila masumpungan kung ano ang kanilang magagawa; sapagka't natitigilan ang buong bayan sa pakikinig sa kaniya.

Read full chapter