Add parallel Print Page Options

Aral Tungkol sa Pananalangin

18 Nagkwento si Jesus sa mga tagasunod niya upang turuan silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. Sinabi niya, “Sa isang bayan ay may isang hukom na walang takot sa Dios at walang iginagalang na tao.[a] Sa bayan ding iyon ay may isang biyuda na palaging pumupunta sa hukom at nagsasabi, ‘Bigyan nʼyo po ako ng katarungan at ipagtanggol nʼyo ako laban sa mga kaaway ko!’

Read full chapter

Footnotes

  1. 18:2 walang iginagalang na tao: o, balewala sa kanya ang kanyang kapwa.