Lucas 15
Magandang Balita Biblia
Ang Nawala at Natagpuang Tupa(A)
15 Isang(B) araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Jesus upang makinig. 2 Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama at nakikisalo sa mga makasalanan.” 3 Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito.
4 “Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan? 5 Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. 6 Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’ 7 Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
Ang Nawala at Natagpuang Salaping Pilak
8 “O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't magsisindi siya ng ilawan, wawalisan ang buong bahay at hahanaping mabuti ang nawawalang salapi hanggang sa ito'y kanyang makita? 9 Kapag nakita na niya ito, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nakita ko na ang nawawala kong salaping pilak!’ 10 Sinasabi ko sa inyo, gayundin ang kagalakan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan.”
Ang Dalawang Anak
11 Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.
“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang.
25 “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’”
Footnotes
- Lucas 15:13 ipinagbili: Sa Griego ay tinipon .
路 加 福 音 15
Chinese New Testament: Easy-to-Read Version
天堂的快乐
15 一次,许多税吏和有罪的人都聚集在耶稣身边听他讲道。 2 法利赛人和律法师便开始抱怨道∶“这个人欢迎罪人,并且和他们一起吃饭!”
3 因此耶稣给他们讲了这个比喻: 4 “如果在你们当中有人有一百只羊,可一天丢了一只,他会不会把那九十九只羊丢在野地里,而去追踪那只丢失的羊,直到把它找回来为止呢? 5 找到羊后,他便会高兴地把它扛在自己的肩上, 6 回到家后,他会叫来他的朋友和邻居们,对他们说∶‘你们和我一起高兴吧,因为我找到了我那只迷失的羊羔!’ 7 实话告诉你们,同样,在天堂,对一个悔改的罪人的喜悦,会比对九十九个不需要悔改的正直人的喜悦还要大。
8 “假如一个女子有十个银币,如果她丢了一个,那么她会不会点起灯来,扫遍房子,仔细地寻找,直到找到那个银币为止呢? 9 她找到时,就会叫来她的邻居和朋友们,对他们说∶‘和我一起高兴吧,我找到了那块丢失的银币了!’ 10 我告诉你们,同样,上帝的天使也会为一个悔改的罪人而高兴的。”
两个儿子的故事
11 耶稣又说∶“从前,一个人有两个儿子, 12 一天,小儿子对父亲说∶‘父亲,把属于我的那份产业分给我吧。’父亲就把财产分给了两个儿子。 13 不久以后,小儿子带上他所有的东西,离家到一个遥远的国家去了。在那里,他过着放荡的生活,挥霍了他所有的金钱。 14 他花尽了所有的一切时,偏偏又赶上那个国家闹饥荒,此时,他一贫如洗。 15 于是他不得不去给那个国家的一个公民当雇工。那人打发他到地里去放猪。 16 他真恨不得用喂猪的豆荚来充饥,可是,连豆荚也没人给他。 17 这时,他开始省悟过来,说:我父亲手下有那么多雇工,每个人都有很多吃的东西,可我在这里都快饿死了! 18 我得动身,去见父亲,对他说∶‘父亲,我对上帝有罪,也对您有罪, 19 我不配再被称为您的儿子了,就让我做您的长工吧!’ 20 所以,他动身到他父亲那里去了。
小儿子回来了
“这个儿子离家还很远的时候,他的父亲便望见了他,他父亲心里充满了怜爱,跑到儿子面前,搂住儿子的脖子,不停地亲吻他。 21 儿子对他父亲说∶‘父亲,我对上帝有罪,对您也做了错事,所以,我不配再被称为您的儿子了。’ 22 但是,父亲却对他的仆人说∶‘你们快去拿来最好的衣裳给他穿上,把戒指给他戴上,拿鞋给他穿上, 23 再把那头养得最肥的小牛牵来宰了,让咱们庆贺一番, 24 因为,我的儿子死而复活、失而复得的!’听罢,大家便开始欢呼庆祝起来。
大儿子的不满
25 “当时,他的大儿子正在田里。他回来走近房子时,听见了音乐和跳舞的声音, 26 就叫过来一个仆人,问他这是怎么回事, 27 仆人对他说∶‘你弟弟回来了,你父亲宰了那头肥牛犊,因为你弟弟安然无恙的回来了。’ 28 大儿子听了,非常生气,不肯进屋去。他的父亲出来,劝他进去。 29 但是,他却对父亲说∶‘你看,这些年来,我一直伺候着您,从来没有违背过你!可您连一只山羊也没有给过我,让我与朋友们一起欢庆一番, 30 可是您这个儿子,把您的钱财都花在了妓女的身上,可他回来时,您却为他宰了那头肥牛犊!’ 31 父亲对他说∶‘我的儿啊,你总是和我在一起,我所有的一切都是你的。 32 可现在咱们应该高兴,应该庆祝,因为你弟弟死而复活,失而复得了!’”
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Copyright © 2004 by World Bible Translation Center