Font Size
Lucas 15:8-10
Ang Biblia, 2001
Lucas 15:8-10
Ang Biblia, 2001
Ang Nawalang Pilak
8 “O sinong babae na may sampung pirasong pilak,[a] na kung mawalan siya ng isang piraso, ay hindi ba magsisindi ng isang ilawan at magwawalis ng bahay, at naghahanap na mabuti hanggang ito'y matagpuan niya?
9 At kapag matagpuan niya ito ay tinatawag niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na nagsasabi, ‘Makigalak kayo sa akin, sapagkat natagpuan ko na ang pilak na nawala sa akin.’
10 Gayundin, sinasabi ko sa inyo, may kagalakan sa harapan ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi.”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 15:8 Sa Griyego ay drakma na katumbas ng isang araw na sahod ng isang manggagawa .