Lucas 14
Ang Dating Biblia (1905)
14 At nangyari, sa pagpasok niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo nang isang sabbath upang kumain ng tinapay, at inaabangan nila siya.
2 At narito, sa kaniyang harapan ay may isang lalaking namamaga.
3 At pagsagot ni Jesus, ay nagsalita sa mga tagapagtanggol ng kautusan at sa mga Fariseo, na sinasabi, Matuwid baga o hindi na magpagaling sa sabbath?
4 Datapuwa't sila'y di nagsiimik. At siya'y tinangnan niya, at siya'y pinagaling, at siya'y pinayaon.
5 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo ang kung magkaroon ng isang asno o isang bakang lalake na mahulog sa hukay, at pagdaka'y hindi kukunin kahit araw ng sabbath?
6 At di na muling nakasagot sila sa kaniya sa mga bagay na ito.
7 At nagsalita siya ng isang talinghaga sa mga inanyayahan, nang mamasdan niya na kanilang pinipili ang mga pangulong luklukan; na nagsasabi sa kanila,
8 Pagka inaanyayahan ka ninomang tao sa kasalan, huwag kang uupo sa pangulong luklukan; baka mayroon siyang anyayahang lalong marangal na tao kay sa iyo,
9 At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya, at sabihin sa iyo, Bigyan mong puwang ang taong ito; at kung magkagayo'y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan.
10 Kundi pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya, Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang.
11 Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas.
12 At sinabi rin naman niya sa naganyaya sa kaniya, Pagka naghahanda ka ng isang tanghalian o ng isang hapunan, ay huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan, ni ang iyong mga kapatid, ni ang iyong mga kamaganak, ni ang mayayamang kapitbahay; baka ikaw naman ang kanilang muling anyayahan, at gantihan ka.
13 Datapuwa't kung maghahanda ka, ay anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pingkaw, ang mga pilay, ang mga bulag,
14 At magiging mapalad ka; sapagka't wala silang sukat ikaganti sa iyo: sapagka't gagantihin sa iyo sa pagkabuhay na maguli ng mga ganap.
15 At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay sinabi sa kaniya, Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios.
16 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, May isang naghanda ng isang malaking hapunan; at marami siyang inanyayahan:
17 At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin, upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na.
18 At silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan. Sa kaniya'y sinabi ng una, Bumili ako ng isang bukid, at kailangan akong umalis at tingnan; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.
19 At sinabi ng iba, Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake, at paroroon ako upang sila'y subukin; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.
20 At sinabi ng iba, Bago akong kasal, at kaya nga hindi ako makaparoroon.
21 At dumating ang alipin, at isinaysay ang mga bagay na ito sa kaniyang panginoon. Nang magkagayon, sa galit ng puno ng sangbahayan ay sinabi sa kaniyang alipin, Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga daang makikipot ng bayan, at dalhin mo rito ang mga dukha, at ang mga pingkaw, at ang mga bulag, at ang mga pilay.
22 At sinabi ng alipin, panginoon, nagawa na ang ipinagutos mo, at gayon ma'y maluwag pa.
23 At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay.
24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo na alin man sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan.
25 Nagsisama nga sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y lumingon at sa kanila'y sinabi,
26 Kung ang sinomang tao'y pumaparito sa akin, at hindi napopoot sa kaniyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kaniyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging alagad ko.
27 Sinomang hindi nagdadala ng kaniyang sariling krus, at sumusunod sa akin, ay hindi maaaring maging alagad ko.
28 Sapagka't alin sa inyo, ang kung ibig magtayo ng isang moog, ay hindi muna uupo at tatayahin ang halagang magugugol kung mayroong maipagtatapos?
29 Baka kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga makakita ay mangagpasimulang siya'y libakin,
30 Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin.
31 O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?
32 O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo.
33 Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko.
34 Mabuti nga ang asin: datapuwa't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat?
35 Walang kabuluhang maging sa lupa kahit sa tapunan man ng dumi: itinatapon sa labas. Ang may mga pakinig upang ipakinig, ay makinig.
Lucas 14
Ang Salita ng Diyos
Si Jesus sa Bahay ng Isang Fariseo
14 At nangyari na si Jesus ay pumunta sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Fariseo upang kumain ng tinapay. Noon ay araw ng Sabat. Sa pagpunta niya roon, kanila siyang pinagmamatyagan.
2 Narito, sa harap niya ay mayroong isang lalaking dumaranas ng pamamaga. 3 Sumagot si Jesus. Sinabi niya sa mga dalubhasa sa kautusan at mga Fariseo: Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa araw ng Sabat? 4 Ngunit sila ay tahimik. At sa paghawak niya sa lalaki, pinagaling niya siya at pinaalis.
5 Sumagot siya sa kanila. Sinabi niya: Ang inyong asno o toro ay nahulog sa isang hukay sa araw ng Sabat. Sino sa inyo ang hindi agad mag-aahon sa mga ito sa araw ng Sabat? 6 Hindi sila nakatugon sa kaniya patungkol sa mga bagay na ito.
7 Siya ay nagsabi ng talinghaga sa mga inanyayahan nang mapuna niyang pinipili nila ang mga pangunahing dako. 8 Sinabi niya sa kanila: Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag kang umupo sa pangunahing dako sapagkat baka may inanyayahan pa siyang higit na marangal kaysa sa iyo. 9 Siya na nag-anyaya sa iyo at sa kaniya ay lalapit sa iyo. Sasabihin niya sa iyo: Paupuin mo ang taong ito sa kinauupuan mo. Pagkatapos, ikaw ay mapapahiyang kukuha ng kahuli-hulihang dako. 10 Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, sa pagpunta mo ay maupo ka sa kahuli-hulihang dako. Ito ay upang sa paglapit ng nag-anyaya sa iyo, sasabihin niya: Kaibigan, pumunta ka sa higit na mataas. Pagkatapos, ang karangalan ay mapapasaiyo sa harap ng mga kasama mong nakadulog sa hapag. 11 Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at siya na nagpapakumbaba ay itataas.
12 Si Jesus ay nagsabi rin sa nag-anyaya sa kaniya. Sinabiniya: Kapag naghanda ka ng agahan o hapunan, huwag mong tawagin ang mga kaibigan mo. Huwag mong tawagin maging ang mga kapatid mo o mga kamag-anak mo. Huwag mong tawagin ang mga kapitbahay mong mayayaman. Kung gagawin mo iyon, ikaw ay anyayahan din nila at gagantihan ka nila. 13 Kung naghanda ka ng isang piging, tawagin mo ang mga dukha, mga lumpo, mga pilay at mga bulag. 14 At pagpapalain ka dahil wala silang maigaganti sa iyo sapagkat ikaw ay gagantihan sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.
Ang Talinghaga sa Malaking Piging
15 Ang mga bagay na ito ay narinig ng isa sa mga kasama niyang nakadulog sa hapag. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala siya na kakain ngtinapay sa paghahari ng Diyos.
16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Isang lalaki ang naghanda ng malaking hapunan at nag-anyaya ng marami. 17 Sa oras ng hapunan ay sinugo niyaang kaniyang alipin upang magsabi sa mga inanyayahan: Halina kayo, nakahanda na ang lahat.
18 Ang lahat, sa iisang paraan, ay nagsimulang magdahilan. Ang una ay nagsabi sa kaniya: Bumili ako ng isang bukid. Kailangan ko itong puntahan at tingnan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.
19 Ang isa ay nagsabi: Bumili ako ng limang tambal na baka. Pupuntahan ko ito upang masubukan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.
20 Ang isa ay nagsabi: Bagong kasal ako. Dahil dito, hindi ako makakapunta.
21 Sa pagdating ng aliping iyon, iniulat niya sa kaniyang panginoon ang mga bagay na ito. Sa galit ng may-ari ng sambahayan, nagsabi siya sa kaniyang alipin: Pumunta ka agad sa mga lansangan at mga makikipot na daan ng lungsod. Dalhin mo rito ang mga dukha, mga pilay, mga lumpo at mga bulag.
22 Sinabi ng alipin: Panginoon, nagawa na ang ayon sa iniutos mo at mayroon pang lugar.
23 Sinabi ng panginoon sa alipin: Pumunta ka sa mga daan at sa mga tabing bakod. Pilitin mong pumasok ang mga tao upang mapuno ang aking bahay. 24 Ito ay sapagkat sinasabi ko sa inyo: Ang alinman sa mga inanyayahang lalaki ay hindi makakatikim ng hapunan.
Ang Halaga ng Pagiging Alagad
25 Sumama sa kaniya ang lubhang napakaraming mga tao. Humarap si Jesus sa kanila. Sinabi niya:
26 Ang sinumang pumarito sa akin na hindi napopoot sa kaniyang ama at ina, asawang babae at mga anak, mga kapatid na lalaki at babae, maging sa sarili niyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko. 27 Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
28 Marahil isa sa inyo ay naghahangad magtayo ng tore. Hindi ba uupo muna siya at magbibilang muna ng halaga kung mayroon siyang maipagpapatapos niyaon? 29 Kung sakaling mailagay na niya ang saligan at hindi mapatapos, sisimulan siyang kutyain ng lahat nang nakakakita. 30 Sasabihin nila: Ang lalaking ito ay nagsimulang magtayo ngunit hindi niya kayang tapusin.
31 Marahil isang hari ang naghahangad makipaglaban sa ibang hari. Hindi ba uupo muna siya at magpasiya kung sa sampung libo ay kaya niyang sagupain ang dumarating na kaaway na may dalawampung libo? 32 Ngunit kung hindi, magsusugo siya ng kinatawan habang malayo pa ang kalaban at hihingin ang mga batayan para sa kapayapaan. 33 Gayundin nga, ang bawat isang hindi nag-iiwan ng lahat ng tinatangkilik niya ay hindi siya maaaring maging alagad ko.
34 Ang asin ay mabuti, ngunit kapag nawalan ito ng lasa, paano pa ito aalat muli? 35 Hindi ito nararapat para sa lupa, maging sa mga dumi ng hayop kundi itatapon na lang. Ang may pandinig ay makinig.
Luke 14
King James Version
14 And it came to pass, as he went into the house of one of the chief Pharisees to eat bread on the sabbath day, that they watched him.
2 And, behold, there was a certain man before him which had the dropsy.
3 And Jesus answering spake unto the lawyers and Pharisees, saying, Is it lawful to heal on the sabbath day?
4 And they held their peace. And he took him, and healed him, and let him go;
5 And answered them, saying, Which of you shall have an ass or an ox fallen into a pit, and will not straightway pull him out on the sabbath day?
6 And they could not answer him again to these things.
7 And he put forth a parable to those which were bidden, when he marked how they chose out the chief rooms; saying unto them.
8 When thou art bidden of any man to a wedding, sit not down in the highest room; lest a more honourable man than thou be bidden of him;
9 And he that bade thee and him come and say to thee, Give this man place; and thou begin with shame to take the lowest room.
10 But when thou art bidden, go and sit down in the lowest room; that when he that bade thee cometh, he may say unto thee, Friend, go up higher: then shalt thou have worship in the presence of them that sit at meat with thee.
11 For whosoever exalteth himself shall be abased; and he that humbleth himself shall be exalted.
12 Then said he also to him that bade him, When thou makest a dinner or a supper, call not thy friends, nor thy brethren, neither thy kinsmen, nor thy rich neighbours; lest they also bid thee again, and a recompence be made thee.
13 But when thou makest a feast, call the poor, the maimed, the lame, the blind:
14 And thou shalt be blessed; for they cannot recompense thee: for thou shalt be recompensed at the resurrection of the just.
15 And when one of them that sat at meat with him heard these things, he said unto him, Blessed is he that shall eat bread in the kingdom of God.
16 Then said he unto him, A certain man made a great supper, and bade many:
17 And sent his servant at supper time to say to them that were bidden, Come; for all things are now ready.
18 And they all with one consent began to make excuse. The first said unto him, I have bought a piece of ground, and I must needs go and see it: I pray thee have me excused.
19 And another said, I have bought five yoke of oxen, and I go to prove them: I pray thee have me excused.
20 And another said, I have married a wife, and therefore I cannot come.
21 So that servant came, and shewed his lord these things. Then the master of the house being angry said to his servant, Go out quickly into the streets and lanes of the city, and bring in hither the poor, and the maimed, and the halt, and the blind.
22 And the servant said, Lord, it is done as thou hast commanded, and yet there is room.
23 And the lord said unto the servant, Go out into the highways and hedges, and compel them to come in, that my house may be filled.
24 For I say unto you, That none of those men which were bidden shall taste of my supper.
25 And there went great multitudes with him: and he turned, and said unto them,
26 If any man come to me, and hate not his father, and mother, and wife, and children, and brethren, and sisters, yea, and his own life also, he cannot be my disciple.
27 And whosoever doth not bear his cross, and come after me, cannot be my disciple.
28 For which of you, intending to build a tower, sitteth not down first, and counteth the cost, whether he have sufficient to finish it?
29 Lest haply, after he hath laid the foundation, and is not able to finish it, all that behold it begin to mock him,
30 Saying, This man began to build, and was not able to finish.
31 Or what king, going to make war against another king, sitteth not down first, and consulteth whether he be able with ten thousand to meet him that cometh against him with twenty thousand?
32 Or else, while the other is yet a great way off, he sendeth an ambassage, and desireth conditions of peace.
33 So likewise, whosoever he be of you that forsaketh not all that he hath, he cannot be my disciple.
34 Salt is good: but if the salt have lost his savour, wherewith shall it be seasoned?
35 It is neither fit for the land, nor yet for the dunghill; but men cast it out. He that hath ears to hear, let him hear.
Copyright © 1998 by Bibles International