Add parallel Print Page Options

26 Ang sinumang pumarito sa akin na hindi napopoot sa kaniyang ama at ina, asawang babae at mga anak, mga kapatid na lalaki at babae, maging sa sarili niyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko. 27 Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.

28 Marahil isa sa inyo ay naghahangad magtayo ng tore. Hindi ba uupo muna siya at magbibilang muna ng halaga kung mayroon siyang maipagpapatapos niyaon?

Read full chapter