Add parallel Print Page Options

10 Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, sa pagpunta mo ay maupo ka sa kahuli-hulihang dako. Ito ay upang sa paglapit ng nag-anyaya sa iyo, sasabihin niya: Kaibigan, pumunta ka sa higit na mataas. Pagkatapos, ang karangalan ay mapapasaiyo sa harap ng mga kasama mong nakadulog sa hapag. 11 Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at siya na nagpapakumbaba ay itataas.

12 Si Jesus ay nagsabi rin sa nag-anyaya sa kaniya. Sinabiniya: Kapag naghanda ka ng agahan o hapunan, huwag mong tawagin ang mga kaibigan mo. Huwag mong tawagin maging ang mga kapatid mo o mga kamag-anak mo. Huwag mong tawagin ang mga kapitbahay mong mayayaman. Kung gagawin mo iyon, ikaw ay anyayahan din nila at gagantihan ka nila.

Read full chapter