Add parallel Print Page Options

41 Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, kanino mo sinasabi ang talinghagang ito? Sinasabi mo ba ito sa amin o para din sa lahat?

42 Sinabi ng Panginoon: Sino nga ang matapat at matalinong katiwala na pamamahalain ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan? Siya ay pamamahalain upang magbigay ng bahagi ng pagkain sa kapanahunan. 43 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay masu­sumpungan siyang gumagawa ng gayon.

Read full chapter