Add parallel Print Page Options

37 Mapapalad (A)yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang (B)nangagpupuyat: katotohanang sinasabi ko sa inyo na (C)siya'y magbibigkis sa sarili, at sila'y (D)pauupuin sa dulang, at lalapit at sila'y paglilingkuran niya.

38 At kung siya'y dumating sa (E)ikalawang pagpupuyat, o sa ikatlo, at masumpungan sila sa gayon, ay mapapalad ang mga aliping yaon.

39 Datapuwa't talastasin ninyo ito (F)na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y magpupuyat, at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay.

Read full chapter