Lucas 12:35-59
Ang Salita ng Diyos
Maghintay at Maging Handa
35 Hayaan ninyo na ang inyong mga balakang ay mabigkisan at hayaan ninyo na ang inyong ilawan ay magningas.
36 Tumulad kayo sa mga tao na naghihintay sa kanilang panginoon sa kaniyang pagbabalik mula sa kasalan. Kapag siya ay dumating at kumatok, mapagbuksan nila siya kaagad. 37 Pinagpala silang mga alipin na sa pagdating ng panginoon ay masusumpungang nagbabantay. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bibigkisan niya ang kaniyang sarili at padudulugin sila sa hapag. Sa kaniyang paglapit, siya ay maglilingkod sa kanila. 38 Pinagpala ang mga alipin na sa kaniyang pagdating sa hatinggabi o sa madaling araw ay masumpungan silang nagbabantay. 39 Ngunit alamin ninyo ito: Kung alam ng may-ari ng sambahayan ang oras ng pagdating ng magnanakaw, nagbantay sanasiya. Hindi niya pababayaang wasakin ang kaniyang bahay. 40 Kaya nga, maging handa kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.
41 Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, kanino mo sinasabi ang talinghagang ito? Sinasabi mo ba ito sa amin o para din sa lahat?
42 Sinabi ng Panginoon: Sino nga ang matapat at matalinong katiwala na pamamahalain ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan? Siya ay pamamahalain upang magbigay ng bahagi ng pagkain sa kapanahunan. 43 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay masusumpungan siyang gumagawa ng gayon. 44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Gagawin niya siyang tagapamahala sa lahat ng kaniyang pag-aari. 45 Ngunit kapag sinabi ng aliping iyon sa kaniyang puso, maaantala ang pagdating ng aking panginoon. At sisimulan niyang paluin ang mga lingkod na lalaki at ang mga lingkod na babae. Magsisimula siyang kumain at uminom at magpakalasing. 46 Ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Siya ay hahatiin at itatalaga ang isang lugar para sa kaniya, kasama ang mga hindi mananampalataya.
47 Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naghanda o gumawa ng ayon sa kalooban ng kaniyang panginoon ay hahagupitin ng marami. 48 Siya na hindi nakakaalam at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat pagdusahan sa pamamagitan ng hagupit ay hahagupitin ng kaunti. Sa bawat isang binigyan ng marami, marami ang hahanapin sa kaniya. Sa kaniyana pinagkatiwalaan ng marami, lalong higit ang hihingin sa kaniya.
Hindi Kapayapaan Kundi Pagkakahati-hati
49 Ako ay narito upang maghagis ng apoy sa lupa. Ano pa angnanaisin ko kapag ito ay nagniningas na?
50 Ako ay may bawtismo na ibabawtismo sa akin, at ako vay nababagabag hanggang sa ito ay maganap. 51 Sa palagay ba ninyo ay naparito ako upang magbigay ng kapayapaan sa lupa. Sinasabi ko sa inyo: Hindi. Ako ay narito upang maghati. 52 Ito ay sapagkat simula ngayon, ang lima na nasa isang sambahayan ay magkakabaha-bahagi, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. 53 Ang ama ay magiging laban sa anak na lalaki at ang anak na lalaki laban sa ama. Ang ina ay magiging laban sa anak na babae at ang anak na babae laban sa ina. Ang biyenang babae ay magiging laban sa kaniyang manugang na babae at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.
Pagbibigay-kahulugan sa Kapanahunan
54 Sinabi rin niya sa karamihan: Kapag nakita ninyo ang ulap na tumataas mula sa kanluran, agad ninyong sinasabi: Uulan. At ito ay nangyayari.
55 Kapag umihip ang hanging timugan, sinasabi ninyong, iinit, at ito ay nangyayari. 56 Mga mapagpaimbabaw! Alam ninyong kilalanin ang anyo ng langit at ng lupa. Bakit hindi ninyo alam kilalanin ang panahong ito?
57 Bakit maging sa inyong mga sarili ay hindi ninyo mahatulan kung ano ang matuwid? 58 Sa iyong pagpunta sa harap ng hukom kasama ng nagsasakdal sa iyo, sikapin mong sa daan pa lang ay makipagkasundo ka na sa kaniya. Kung hindi ganito, ay kakaladkarin ka niya patungo sa hukom at ang hukom ang magsusuko sa iyo sa tanod na siyang magpapabilanggo sa iyo. 59 Sinasabi ko sa inyo, Kailanman ay hindi ka makakalabas doon hanggang hindi mo nababayaran ang huling sentimo.
Read full chapter

Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International