Add parallel Print Page Options

21 Ganito ang mangyayari sa kaniya na nag-iimpok ng kayamanan para sa kaniyang sarili. Hindi siya mayaman sa harap ng Diyos.

Magtiwala at Maging Tapat

22 Si Jesus ay nagsabi sa kaniyang mga alagad: Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa patungkol sa inyong buhay o kung ano ang inyong kakainin. Huwag kayong mabalisa maging sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot.

23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay lalong higit kaysa sa damit.

Read full chapter