Add parallel Print Page Options

42 Subalit(A) kahabag-habag kayong mga Fariseo! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena, ng ruda[a] at ng bawat gulayin, ngunit pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig ng Diyos. Dapat lamang ninyong gawin ang mga ito, na hindi pinababayaan ang iba.

43 Kahabag-habag kayong mga Fariseo! Inyong iniibig ang upuang pandangal sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan.

44 Kahabag-habag kayo! Sapagkat kayo'y tulad sa mga libingang walang palatandaan, at di nalalaman ng mga tao na sila'y lumalakad sa ibabaw nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 11:42 RUDA: Ito ay isang uri ng halamang may mala-dilaw na bulaklak at mga dahon na masangsang ang amoy at ito'y ginagamit bilang gamot sa ilang uri ng karamdaman gaya ng kagat ng mga insekto at ahas.