Font Size
Lucas 11:41-43
Ang Biblia, 2001
Lucas 11:41-43
Ang Biblia, 2001
41 Subalit ilimos ninyo ang mga bagay na nasa loob at ang lahat ng mga bagay ay magiging malinis para sa inyo.
42 Subalit(A) kahabag-habag kayong mga Fariseo! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena, ng ruda[a] at ng bawat gulayin, ngunit pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig ng Diyos. Dapat lamang ninyong gawin ang mga ito, na hindi pinababayaan ang iba.
43 Kahabag-habag kayong mga Fariseo! Inyong iniibig ang upuang pandangal sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 11:42 RUDA: Ito ay isang uri ng halamang may mala-dilaw na bulaklak at mga dahon na masangsang ang amoy at ito'y ginagamit bilang gamot sa ilang uri ng karamdaman gaya ng kagat ng mga insekto at ahas.