Add parallel Print Page Options

Paanong Mapalabas ni Satanas si Satanas?

14 Si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo, iyon ay pipi. Nangyari, nang lumabas ang demonyo, ang pipi ay nagsalita at ang mga tao ay namangha.

15 Ang ilan sa kanila ay nagsabi: Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo. 16 Sinusubok siya ng ibang mga tao kaya hinahanapan nila siya ng tanda mula sa langit.

17 Alam niya ang kanilang iniisip. Dahil dito, sinabi niya sa kanila: Ang bawat paghaharing nahati laban sa kaniyang sarili ay napupunta sa kapanglawan. Ang sambahayang nahati laban sa sambahayan ay bumabagsak. 18 Kung si Satanas ay nahahati laban sa kaniyang sarili, papaano makakatayo ang kaniyang paghahari. Sinabi ko ito dahil sinabi ninyong ako ay nagpapa­layas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub. 19 Kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino nagpapalayas ng mga demonyo ang inyong mga anak? Sa pamamagitan nito sila ang magiging tagapaghatol ninyo. 20 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, ang paghahari ng Diyos ay dumating sa inyo.

21 Kung ang isang lalaking malakas ay nasasandatahan upangmagbantay ng kaniyang tinitirahan, ang kaniyang ari-arian ay ligtas. 22 Ngunit sa pagdating ng higit na malakas kaysa sa kaniya, siya ay malulupig. Kukunin nito ang buong baluting pinagtitiwalaan niya at hahatiin ang mga naagaw sa kaniya.

23 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin at siya na hindi nagtitipong kasama ko ay nagkakalat.

24 Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala siya sa mga tuyong dako. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan ngunit wala siyang matagpuan. Kaya sasabihin niya: Babalik ako sa bahay na pinanggalingan ko. 25 Sa pagbalik niya, matatagpuan niya itong nawalisan at nagayakan na. 26 Kung magkagayon, paroroon siya at magsasama ng pito pang espiritu na higit pang masama kaysa sa kaniya. Papasok sila roon at doon maninirahan. Kaya ang kalagayan ng lalaking iyon ay masahol pa kaysa sa una.

27 Nangyari, nang sabihin ni Jesus ang mga bagay na ito, isang babaeng mula sa karamihan ang sumigaw. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala ang sinapupunang nagdala sa iyo at ang mga susong sinusuhan mo. 28 Sinabi ni Jesus: Oo, ang totoo ay pinagpala ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sumusunod dito.

Si Jonas Bilang Isang Tanda

29 Nang nagkatipon ang napakaraming tao, siya aynagsimulang magsalita. Sinabi niya: Ang lahing ito ay masama. Mahigpit na naghahangad sila ng tanda. Walang tanda na ibibigay sa kanila maliban ang tanda ni Jonas na propeta.

30 Kung papaanong naging tanda si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ang Anak ng Tao sa lahing ito. 31 Ang reyna ng timog ay titindig sa paghuhukom kasama ang mga lalaki ng lahing ito at siya ang hahatol sa lahing ito. Ito ay sapagkat galing siya sa kadulu-duluhan ng lupa, upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. Narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Solomon ay naririto.

32 Ang mga lalaki sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng lahing ito at hahatulan nila ang lahing ito, sapagkatang mga lalaki ng Nineve ay nagsisi dahil sa pangangaral ni Jonas. Narito, isang lalong higit kaysa kay Jonas ay naririto na.

Ang Ilaw ng Katawan

33 Walang sinumang nagsindi ng ilawan na pagkasindi nito ay ilalagay sa lihim na dako, o sa ilalim ng takalan. Sa halip, ito ay inilalagay sa lagayan ng ilawan upang ang liwanag ay makita ng mga pumapasok.

34 Ang ilawan ng katawan ay ang mata. Kaya nga, kung malinaw ang mata mo, ang buong katawan mo ay naliliwanagan. Kung ito rin naman ay masama, ang katawan mo ay madidimlan din. 35 Tingnan mo ngang mabuti na ang liwanag na nasa iyo ay hindi maging kadiliman. 36 Ang katawan mo ay mapupuno ng liwanag. Ito ay kung ang buong katawan mo nga ay puno ng liwanag na walang anumang bahaging madilim. Ito ay matutulad sa pagliliwanag sa iyo ng maliwanag na ilawan.

Anim na Kaabahan

37 Samantalang nagsasalita siya, hiniling ng isang Fariseo na siya ay kumaing kasalo niya. Sa pagpasok niya, dumulog siya sa hapag.

38 Ngunit namangha ang Fariseo nang makita siyang hindi muna naghuhugas[a] bago kumain.

39 Sinabi ng Panginoon sa kaniya: Ngayon, kayong mga Fariseo ay naglilinis ng labas ng saro at pinggan. Ngunit ang nasa loob naman ninyo ay puno ng kasakiman at kasamaan. 40 Mga hangal! Hindi ba ang gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob? 41 Ibahagi ninyo sa mga kahabag-habag ang bagay na nasa inyo at narito, ang lahat ng mga bagay ay magiging malinis para sa inyo.

42 Sa aba ninyo, mga Fariseo! Ito ay sapagkat nagbabayad kayo ng ikasampung bahagi ng yerbabuwena, ruda at lahat ng uri ng halaman. Subalit nilalampasan naman ninyo ang hatol at pag-ibig ng Diyos. Ang mga ito angdapat ninyong ginawa at huwag pabayaan ang iba.

43 Sa aba ninyo, mga Fariseo! Ito ay sapagkat iniibig ninyo ang mga pangunahaing upuan sa mga sinagoga. At iniibig ninyo ang mga pagbati sa mga pamilihang-dako.

44 Sa aba ninyo, mga guro ng kautusan at mga Fariseo, mgamapagpaimbabaw! Ito ay sapagkat kayo ay tulad ng mga puntod na hindi pinapansin. Hindi nalalaman ng mga tao na sila ay lumalakad sa ibabaw nito.

45 Isa sa mga dalubhasa sa kautusan ang sumagot sa kaniya. Guro, sa pagsasabi mo ng mga bagay na ito, inaalipusta mo rin kami.

46 Sinabi niya: Sa aba rin ninyo na mga dalubhasa sa kautusan! Sapagkat pinagpapasan ninyo ang mga tao ng mga pasanin na napakabigat pasanin. Ang mga pasaning ito ay hindi ninyo hinihipo ng isa man lamang ng inyong daliri.

47 Sa aba ninyo! Sapagkat nagtatayo kayo ng mga puntod ngmga propeta at sila ay pinatay ng inyong mga ninuno. 48 Sa ganito, kayo ay nagpapatotoo at sumasang-ayon sa mga gawa ng inyong mga ninuno sapagkat totoo ngang sila ay kanilang pinatay at kayo ang nagtayo ng kanilang mga puntod. 49 Dahil din dito, ayon sa kaniyang karunungan ay sinabi ng Diyos: Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol. Ang ilan sa mga ito ay kanilang papatayin at ang ilan ay kanilang palalayasin. 50 Sisingilin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta na nabuhos mula pa ng itatag ang sanlibutang ito. 51 Ang sisingilin ay simula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias. Si Zacarias ay pinatay sa pagitan ng dambana at dakong banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ay sisingilin sa lahing ito.

52 Sa aba ninyo, mga dalubhasa sa kautusan. Ito ay sapagkat kinuha ninyo ang susi ng kaalaman, hindi kayo pumasok at hinadlangan pa ninyo ang mga pumapasok.

53 Habang sinasabi niya ang mga bagay na ito sa kanila, sinimulan siyang tuligsain ng mga guro ng kautusan at mga Fariseo. Pinilit nila siyang magsalita ng patungkol sa maraming bagay. 54 Binabantayan nila siya at naghahanap ng pagkaka­taon na makahuli ng ilang mga bagay mula sa kaniyang bibig. Ginagawa nila ito upang may maiparatang sila sa kaniya.

Tinuruan at Binigyang Babala ang Labindalawa

12 Samantalang ang hindi mabilang na karamihan ng mga tao ay nagkakatipon, na anupa’t sila ay nagkaka­tapakan sa isa’t isa, si Jesus ay nagsimula munang mangusap sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo, ito ay ang pagpapaimbabaw.

Walang anumang natatakpan na hindi mahahayag o natatago na hindi malalaman. Kaya nga, anuman ang inyong sabihin sa dilim ay maririnig sa liwanag. Anuman ang ibinulong ninyo sa loob ng mga silid ay ihahayag sa mga bubungan.

Mga kaibigan ko, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan. Pagkatapos nilang pumatay wala na silang magagawang anumang bagay. Ipakikita ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapamahalaang magtapon sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan ninyo siya. Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa halagang dalawang sentimo at isa man sa kanila ay hindi pinababayaan ng Diyos? Maging ang mga buhok sa iyong ulo ay bilang nang lahat. Huwag nga kayong matakot, kayo ay higit na mahalaga kaysa sa maraming maya.

Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang maghahayag sa akin sa harap ng mga tao ay ihahayag din naman ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. Ngunit siya na magkakaila sa akin sa harap ng mga tao ay ipagkakaila rin sa harap ng mga anghel ng Diyos. 10 Ang bawat isang magsasalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin. Ngunit siya na mamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin.

11 Kapag dinala nila kayo sa mga sinagoga at sa harap ng mga pinuno at mga may kapamahalaan, huwag kayong mabalisa kung papaano, o kung ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin. 12 Ito ay sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon ang kinakailangan ninyong sabihin.

Ang Talinghaga Patungkol sa Mayamang Hangal

13 May isang nagsabi mula sa karamihan: Guro, sabihin mo sa aking kapatid na lalaki na hatian ako sa mana.

14 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Lalaki, sino ang nagtalaga sa akin na maging tagahatol o tagahati sa inyo? 15 Sinabi niya sa kanila: Tingnan at ingatan ninyo ang inyong mga sarili mula sa kasakiman sapagkat ang buhay ng tao ay hindi nakapaloob sa kasaganaan ng mga bagay na kaniyang tinatangkilik.

16 Nagsabi siya ng isang talinghaga sa kanila na sinasabi: Ang bukirin ng isang mayamang lalaki ay nagbunga ng sagana. 17 Nag-isip siya sa kaniyang sarili. Sinabi niya: Ano ang aking gagawin? Wala akong pag-iimbakan ng aking ani.

18 Sinabi niya: Ganito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking kamalig at magtatayo ng higit na malaki. Doon ko iiimbak ang lahat ng aking ani at aking mga mabuting bagay. 19 Sasabihin ko sa aking kaluluwa: Kaluluwa, marami ka nang natipong pag-aari para sa mga darating na taon. Magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, at magsaya ka.

20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya: Hangal! Sa gabing ito ay babawiin sa iyo ang iyong kaluluwa. At kanino kaya mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?

21 Ganito ang mangyayari sa kaniya na nag-iimpok ng kayamanan para sa kaniyang sarili. Hindi siya mayaman sa harap ng Diyos.

Magtiwala at Maging Tapat

22 Si Jesus ay nagsabi sa kaniyang mga alagad: Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa patungkol sa inyong buhay o kung ano ang inyong kakainin. Huwag kayong mabalisa maging sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot.

23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay lalong higit kaysa sa damit. 24 Isipin ninyo ang mga uwak. Sila ay hindi naghahasik o nag-aani. Wala silang tinggalan o kamalig. Gayun­man, pinakakain sila ng Diyos. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon? 25 Sino sa inyo ang maka­pag­daragdag ng isang siko sa kaniyang tangkad sa pamamagitan ng pagkabalisa? 26 Yamang hindi nga ninyo kayang gawin ang maliit na bagay na ito, bakit kayo nababalisa sa ibang bagay?

27 Isipin ninyo ang mga liryo kung papaano sila lumalaki. Hindi sila nagpapagal o nag-iikid. Gayunman, sinasabi ko sa inyo: Maging si Solomon, sa kaniyang buong kaluwalhatian ay hindi nadamitan ng tulad sa isa sa mga ito. 28 Dinaramtan ng Diyos ang mga damo na ngayon ay nasa parang at bukas ay itatapon sa pugon.Yamang dinaramtan sila ng Diyos, gaano pa kaya kayo, kayo na may maliit na pananampalataya? 29 Huwag kayong maghanap kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, ni huwag kayong mag-alala. 30 Ito ay sapagkat ang mga bagay na ito ang mahigpit na hinahangad ng lahat ng mga bansa sa sanlibutan. Ngunit alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. 31 Hanapin ninyo ang paghahari ng Diyos at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.

32 Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ang inyong Ama ay nalulugod na ibigay sa inyo ang paghahari. 33 Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik at magbahagi kayo sa mga kahabag-habag. Gumawa kayo ng mga kalupi na hindi naluluma. Maglagak kayo sa makalangit na kayamanang hindi nauubos. Doon ay walang makakalapit na magnanakaw o tanga nasumisira. 34 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan, naroroon din ang inyong mga puso.

Footnotes

  1. Lucas 11:38 Ito ay ang paglubog upang hugasan ang kaniyang sarili sa natatanging paraan.