Font Size
Lucas 10:7-9
Ang Salita ng Diyos
Lucas 10:7-9
Ang Salita ng Diyos
7 Sa bahay ding iyon kayo manatili. Kainin at inumin ninyo ang anumang ibigay nila sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang upa. Huwag kayong magpalipat-lipat sa mga bahay-bahay.
8 Sa anumang lungsod na inyong papasukin at tinatanggap kayo, kainin ninyo ang mga bagay na inihain sa inyo. 9 Pagalingin ninyo ang mga may sakit na naroroon. Sabihin ninyo sa kanila: Ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa inyo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International