Add parallel Print Page Options

19 Tingnan ninyo,(A) binigyan ko kayo ng awtoridad na tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.

20 Gayunman, huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagpapasakop sa inyo, kundi inyong ikagalak na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit.”

Nagalak si Jesus(B)

21 Nang oras ding iyon, nagalak siya sa Espiritu Santo[a] at sinabi, “Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong ikinubli ang mga bagay na ito sa mga marurunong at matatalino at ipinahayag mo ang mga ito sa mga sanggol. Oo, Ama, sapagkat gayon ang nakakalugod sa iyong harapan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 10:21 Sa ibang mga kasulatan ay nagalak siya sa espiritu .