Font Size
Lucas 10:17-19
Magandang Balita Biblia
Lucas 10:17-19
Magandang Balita Biblia
Bumalik ang Pitumpu't Dalawa
17 Masayang-masayang bumalik ang pitumpu't dalawa.[a] Iniulat nila, “Panginoon, kahit po ang mga demonyo ay napapasunod namin dahil sa kapangyarihan ng inyong pangalan.”
18 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Nakita kong parang kidlat na nahulog si Satanas mula sa langit. 19 Binigyan(A) ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at daigin ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 10:17 pitumpu't dalawa: Sa ibang manuskrito'y pitumpu .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.