Add parallel Print Page Options

62 At hinudyatan nila ang kaniyang ama, kung ano ang ibig niyang itawag.

63 At humingi siya ng isang sulatan at sumulat, na sinasabi, Ang kaniyang pangalan ay Juan. At nagsipanggilalas silang lahat.

64 At pagdaka'y (A)nabuka ang kaniyang bibig, at ang kaniyang dila'y nakalag, at siya'y nagsalita, na pinupuri ang Dios.

65 At sinidlan ng (B)takot ang lahat ng nagsisipanahan sa palibot nila; at nabansag ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat (C)ng lupaing maburol ng Judea.

66 At lahat ng mga nangakarinig nito ay pawang iningatan sa kanilang puso, na sinasabi, Magiging ano nga kaya ang batang ito? Sapagka't (D)ang kamay ng Panginoon ay sumasa kaniya.

67 At si Zacarias na kaniyang ama ay (E)napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,

68 Purihin ang (F)Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka't (G)kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin (H)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya (I)sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw (J)buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 (K)Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At (L)alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa (M)na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan (N)at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.

Read full chapter