Add parallel Print Page Options

Ang Kapanganakan ni Jesus

26 Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea.

27 Isinugo siya sa isang dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose. Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay Maria. 28 Paglapit ng anghel ay sinabi sa kaniya: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan.

29 Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa kaniyang salita at pinag-isipan niya kung ano kayang uri ng bati ito. 30 Sinabi ng anghel sa kaniya: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. 31 Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. 32 Siya ay magiging dakila at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni Davidna kaniyang ninuno. 33 Siya ay maghahari sa tahanan niJacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.

34 Sinabi ni Maria sa anghel: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki?

35 Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos. 36 Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kaniyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. 37 Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.

38 Sinabi ni Maria: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. At iniwan siya ng anghel.

Dumalaw si Maria kay Elisabet

39 Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagma­madaling pumunta sa lupaing maburol sa lungsod ng Juda.

40 Pumasok siya sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. 41 At nangyari, nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, ang sanggol sa kaniyang sinapupunan ay napalundag. At si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu. 42 Sa isang malakas na tinig, siya ay sumigaw na sinasabi: Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. Kapuri-puri ang bunga ng iyong sinapupunan. 43 Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay pumunta sa akin? 44 Narito, sa pagdinig ko ng iyong tinig ng pagbati, ang sanggol sa aking sinapupunan ay napalundag sa kagalakan. 45 Ikaw na sumampalataya ay lubos na pinagpala sapagkat magkakaroon ng kaganapan ang mga bagay na sinabi sa iyo ng Panginoon.

Ang Awit ni Maria

46 Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon.

47 Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. 48 Ito ay sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng kaniyang aliping babae at mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi. 49 Ito ay sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa akin ng mgadakilang bagay at Banal ang kaniyang pangalan. 50 Ang kaniyang kahabagan ay sa lahat ng saling lahi, sa kanila na may pagkatakot sa kaniya. 51 Nagpakita siya ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang mga bisig. Ikinalat niya ang mapagmataas sa haka ng kanilang mga puso. 52 Ibinaba niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga mabababang-loob. 53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom. Ang mgamayaman ay pinaalis niyang walang dala. 54 Tinulungan niya si Israel na kaniyang lingkod bilang ala-ala ng kaniyang kahabagan. 55 Ginawa niya ito ayon sa sinabi niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang lahi magpakailanman.

56 Si Maria ay nanatiling kasama ni Elisabet ng halos tatlong buwan at pagkatapos nito, umuwi siya sa sarili niyang bahay.

Read full chapter