Add parallel Print Page Options

21 Nang oras na yaon ay nagpagaling siya ng maraming may sakit at mga pagkasalot at masasamang espiritu; at kaniyang pinagkaloobang mangakakita ang maraming bulag.

Read full chapter

24 Pagka (A)ang karumaldumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig, na humahanap ng kapahingahan, at pagka hindi makasumpong, ay sinasabing, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko.

25 At pagdating niya ay nasusumpungang walis na at nagagayakan.

26 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama pa kay sa kaniya; at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una.

27 At nangyari, na nang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ang isang babaing mula sa karamihan ay naglakas ng kaniyang tinig at sinabi sa kaniya, (B)Mapalad ang tiyang sa iyo'y nagdala, at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.

28 Datapuwa't sinabi niya, Oo, bagkus na lalong (C)mapapalad ang nangakikinig ng salita ng Dios, at ito'y ginaganap.

Read full chapter

Aling tao sa inyo, (A)na kung mayroong isang daang tupa, (B)at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at (C)hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan?

At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa.

Read full chapter