Lucas 21
Ang Salita ng Diyos
Ang Handog ng Babaeng Balo
21 Sa kaniyang pagtingala, nakita ni Jesus ang mga mayayaman na naghuhulog ng kanilang mga kaloob sa kaban ng yaman.
2 Nakita rin niya ang isangdukhang balo na naghuhulog doon ng dalawang sentimos. 3 Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dukhang balong ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat. 4 Ito ay sapagkat mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat niyang kabuhayan. Ang mga mayamang ito ay naghulog ng mga kaloob sa Diyos mula sa mga labis nila.
Mga Tanda sa Huling Panahon
5 Habang ang ilan ay nag-uusap patungkol sa templo, na itoay nagagayakan ng mga naggagandahang bato at mga kaloob, sinabi ni Jesus:
6 Darating ang mga araw na ang mga bagay na inyong nakikita ay gigibain. Walang maiiwang bato na nakapatong sa bato na hindi babagsak.
7 Tinanong nila siya na sinasabi: Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang mga tanda na mangyayari na ang mga bagay na ito?
8 Sinabi niya: Mag-ingat kayo na hindi kayo maililigaw sapagkat marami ang darating sa pangalan ko. Kanilang sasabihin: Ako ang Mesiyas at ang oras ay malapit na. Huwag nga kayong sumunod sa kanila. 9 Kapag kayo ay nakarinig ng mga digmaan at himagsikan, huwag kayong masindak sapagkat ang mga bagay na ito ay dapat munang mangyari. Subalit ang wakas ay hindi agad mangyayari.
10 Pagkatapos nito sinabi niya sa kanila: Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang paghahari laban sa paghahari. 11 Magkakaroon din ng malalakas na lindol sa iba’t ibang dako. Magkakaroon ng taggutom at salot. Magkakaroon ng mga nakakatakot na mga pangyayari at dakilang mga tanda mula sa langit.
12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, huhulihin nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan. Ihaharap nila kayo sa mga hari at gobernador dahil sa aking pangalan. 13 Ngunit ito ay magiging isang pagkakataon ng inyong pagpapatotoo. 14 Ilagay nga ninyo sa inyong mga puso na huwag paghandaan ang pagtatanggol. 15 Ito ay sapagkat bibigyan ko kayo ng kapangyarihang magsalita at ng karunungan. Sa pamamagitan nito ay hindi makakasagot ni makakatanggi ang lahat ng mga kumakalaban sa inyo. 16 Ngunit kayo ay ipagkakanulo maging ng mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan. Papatayin nila ang ilan sa inyo. 17 Kayo ay kapopootan ng lahat ng dahil sa aking pangalan. 18 Kailanman ay hindi mawawala ang isa mang buhok sa inyong ulo. 19 Sa pamamagitan ng inyong matiyagang pagtitiis, tatamuhin ninyo ang inyong buhay.
20 Alamin ninyo na ang kapanglawan ng Jerusalem ay malapit na. Ito ay kapag nakita ninyong siya ay napalibutan ng mga hukbo. 21 Pagkatapos nito, sila na nasa Judea ay tatakas patungo sa mga bundok. Sila nanasa kaniyang kalagitnaan ay lalabas. Sila na nasa mga lalawigan ay huwag nang hayaang pumasok sa kaniya. 22 Ito ay sapagkat sa mga araw ng paghihiganti ay magaganap ang lahat ng mga bagay na isinulat. 23 Ngunit sa aba ng mga nagdadalang-tao at sa kanila na mga nagpapasuso sa mga araw na iyon sapagkat magkakaroon ng malaking kaguluhan sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng poot sa mga taong ito. 24 Sila ay babagsak sa talim ng tabak. Sila ay magiging bihag sa lahat ng mga bansa. At ang Jerusalem ayyuyurakan ng mga Gentil hanggang maganap ang panahon ng mga Gentil.
25 Magkakaroon ng mga tanda sa araw, at sa buwan at sa mga bituin. Sa ibabaw ng lupa ay magkakaroon ng kabalisahan ng mga bansa na may pagkalito. Magkakaroon ng malakas na ugong ng daluyong at ng dagat. 26 Panghihinaan ng loob ang mga lalaki dahil sa takot at sa paghihintay roon sa daratingsa daigdig sapagkat ang kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig. 27 Pagkatapos, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 Kapag nagsimulang mangyari ang mga bagay na ito, itingala ninyo ang inyong mga ulo at tumingin sa itaas sapagkat ang inyong katubusan ay nalalapit na.
29 Si Jesus ay nagsalita ng isang talinghaga sa kanila:Narito, ang puno ng igos at lahat ng mga punong-kahoy. 30 Kapag sumibol na sila, makikita ninyo at malalaman na ang tag-init ay malapit na. 31 Gayundin kayo, kapag nakita ninyo ang mga bagay na ito na nangyari na, alam ninyong ang paghahari ng Diyos ay malapit na.
32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa mangyari ang lahat. 33 Ang langit at lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita kailanman ay hindi lilipas.
Ang Katupaaran ng Kautusan
34 Ngunit ingatan ninyo ang inyong mga sarili baka mapuno anginyong mga puso ng ugali ng pagkalango at paglalasing at pagkabalisa sa buhay na ito. At bigla kayong datnan ng araw na iyon.
35 Ito ay sapagkat tulad sa bitag, ito ay darating sa kanilang lahat nanananahan sa buong daigdig. 36 Magbantay nga kayo at laging manalangin. Ito ay upang kayo ay maibilang na karapat-dapat na makaligtas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari. Ito rin ay upang kayo ay makatayo sa harap ng Anak ng Tao.
37 Kung araw, si Jesus ay nagtuturo sa templo. At kung gabi, siya ay lumalabas upang magpalipas ng gabi sa bundok na tinatawag na bundok ng mga Olibo. 38 Kinaumagahan, ang lahat ng tao ay pumunta sa kaniya roon sa templo upang makinig.
Copyright © 1998 by Bibles International