Add parallel Print Page Options

18 Kapag may kumain pa nito sa pangatlong araw, hindi na tatanggapin ng Panginoon ang handog na ito at magiging walang kabuluhan ang handog niya. Ang handog na ito ay ituturing na kasuklam-suklam at magiging pananagutan pa ng sinumang kumain nito. 19 Kapag ang karne ay hindi sinasadyang nadikit sa anumang bagay na itinuturing na marumi, hindi na iyon dapat kainin, kundi susunugin na lang. Tungkol sa mga karneng maaaring kainin, itoʼy maaaring kainin ng sinumang itinuturing na malinis ayon sa batas. 20 Pero ang sinumang itinuturing na marumi[a] at kakain ng karneng handog para sa mabuting relasyon ay huwag ninyong ituring na kababayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:20 marumi: Ang ibig sabihin, hindi karapat-dapat na makisama sa kanilang seremonyang pangrelihiyon.