Add parallel Print Page Options

14 Kapag maghahandog kayo mula sa una ninyong ani para parangalan ang Panginoon, maghandog kayo ng mga giniling na butil[a] na binusa. 15 Lagyan ninyo ito ng langis at insenso. Itoʼy handog ng pagpaparangal. 16 At mula sa handog na itoʼy kukuha ang pari ng giniling na butil na nilagyan ng langis at insenso at susunugin na pinakaalaala sa Panginoon. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:14 giniling na butil: sa Ingles, “milled grain.”