Leviticus 14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Paglilinis ng Tao Matapos Gumaling sa Nakakahawang Sakit sa Balat.
14 1-2 Ito ang mga tuntuning ibinigay ng Panginoon kay Moises tungkol sa paglilinis ng taong gumaling sa malubhang sakit sa balat:
Pagkatapos maipahayag ng pari na ang taoʼy gumaling na sa kanyang sakit, 3 lalabas ang pari sa kampo at susuriin niya ang katawan ng taong iyon. Kung gumaling na nga siya sa kanyang sakit, 4 magpapakuha ang pari ng dalawang malinis[a] na ibong buhay, isang putol na kahoy na sedro, panaling pula, at isang kumpol ng halaman na isopo. 5 Ipapatay ng pari ang isang ibon sa ibabaw ng palayok na may tubig na galing sa isang bukal. 6 Pagkatapos, muli siyang kukuha ng buhay na ibon, kahoy na sedro, taling pula, at halamang isopo, at ilulubog lahat sa tubig na may dugo ng pinatay na ibon. 7 At ang tubig na may dugo ay kanyang iwiwisik ng pitong beses sa taong gumaling sa kanyang sakit sa balat, at kanyang ipapahayag na magaling na ang taong iyon. At pagkatapos, pakakawalan ng pari ang buhay na ibon sa bukid.
8 Pero bago siya ituring na malinis, kinakailangang labhan muna niya ang kanyang damit, magpaahit ng kanyang buhok at balahibo, at maligo. Pagkatapos nito, maaari na siyang pumasok sa kampo pero hindi pa rin siya makakatira sa loob ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw. 9 Sa ikapitong araw, muli niyang ipapaahit ang kanyang buhok at balahibo, lalabhan ang kanyang damit at maliligo.
10 Sa ikawalong araw, kinakailangang magdala siya ng dalawang lalaking tupa at isang babaeng tupa na isang taong gulang, at walang kapintasan. Magdala rin siya ng anim na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog ng pagpaparangal sa Panginoon. At magdala rin siya ng isang basong langis. 11 Pagkatapos, dadalhin ng pari ang tao at ang handog niya sa presensya ng Panginoon malapit sa pintuan ng Toldang Tipanan.
12 Kukunin ng pari ang isang lalaking tupa at ang isang basong langis, at ihahandog niya ito bilang handog na pambayad ng kasalanan. Pagkatapos, itataas niya ito sa Panginoon bilang handog na itinataas. 13 At papatayin niya ang tupa sa Banal na Lugar, doon sa pinagpapatayan ng mga handog sa paglilinis at handog na sinusunog. Ang tupang ito na handog ay napakabanal, at ito ay para sa mga pari, katulad ng handog na pambayad ng kasalanan. 14 Pagkatapos, kukuha ang pari ng dugo ng tupang handog na pambayad ng kasalanan at ipapahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong naghandog at sa kanyang kanang hinlalaki sa kamay at paa. 15 Kukuha rin ang pari ng langis at magbubuhos sa kanyang kaliwang palad, 16 at ilulubog niya sa langis ang mga daliri niya sa kanang kamay at iwiwisik ng pitong beses sa presensya ng Panginoon. 17 Ang ibang langis sa kanyang palad ay ipapahid niya sa ibabang bahagi ng kanang tainga at kanang hinlalaki ng kamay at paa ng taong pinahiran niya mismo ng dugo. 18-20 Ang natitira pang langis sa palad ng pari ay ipapahid niya sa ulo ng taong iyon, at saka niya ihahandog ang handog sa paglilinis. Pagkatapos nito, papatayin ng pari ang handog na sinusunog at ihahandog niya ito sa altar pati ang handog ng pagpaparangal. Ganito ang gagawin ng pari sa presensya ng Panginoon para matubos ang karumihan ng tao at magiging malinis siya.
21 Pero kung mahirap ang tao at hindi niya kayang maghandog ng mga ito, magdala na lang siya ng isang lalaking tupa bilang handog na pambayad sa kanyang kasalanan. Itataas niya ang handog na ito sa Panginoon para matubos siya sa kanyang kasalanan. Magdala rin siya ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na may halong langis bilang handog ng pagpaparangal sa Panginoon. At magdala pa siya ng isang basong langis. 22 Magdadala rin siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato. Alinman ang kanyang makakayanan sa mga ito, ang isaʼy bilang handog sa paglilinis at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog.
23 Sa ikawalong araw, ang lahat ng handog na itoʼy dadalhin niya sa presensya ng Panginoon malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan. At ibibigay niya ito sa pari. 24 Kukunin ng pari ang tupang ihahandog bilang pambayad ng kasalanan at ang isang basong langis, at itataas niya iyon sa presensya ng Panginoon bilang handog na itinataas. 25 Pagkatapos, papatayin niya ang tupa at kukuha siya ng dugo nito at ipapahid sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong nililinis at sa hinlalaki niya sa kanang kamay at paa. 26 Pagkatapos, maglalagay ang pari ng langis sa kanyang kaliwang palad, 27 at ilulubog niya sa langis ang mga daliri sa kanang kamay at iwiwisik ng pitong beses sa presensya ng Panginoon. 28 Ang ibang langis sa kanyang palad ay ipapahid niya sa ibabang bahagi ng kanang tainga ng taong nililinis at sa hinlalaki nito sa kanang kamay at paa, doon mismo sa pinahiran ng dugo. 29-31 Ang natirang langis sa palad ng pari ay ipapahid sa ulo ng tao. Pagkatapos, ihahandog ng pari ang dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato. Ang isaʼy handog sa paglilinis at ang isaʼy para sa handog na sinusunog. Ihahandog din niya ang handog ng pagpaparangal. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari sa presensya ng Panginoon, maaalis ang karumihan ng tao. 32 Ito ang mga tuntunin tungkol sa paglilinis ng taong may sakit sa balat at kung ano ang dapat niyang gawin kung hindi niya kaya ang handog sa paglilinis.
Ang mga Tuntunin Tungkol sa mga Amag na Kumakalat sa Bahay
33 Ito ang sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron 34 tungkol sa dapat gawin kung patutubuin ng Panginoon ang mga amag[b] sa kanilang mga bahay kapag silaʼy nasa Canaan na, ang lugar na ibibigay ng Panginoon sa kanila bilang pag-aari:
35 Kung mapuna ng may-ari ng bahay na nagkakaamag ang kanyang bahay, dapat niya itong sabihin sa pari. 36 At bago pumasok ang pari sa bahay na iyon, ipag-uutos niyang ilabas lahat ang kagamitan sa loob ng bahay, dahil baka pati iyon ay maibilang na marumi. Pagkatapos, papasok ang pari sa bahay 37 at titingnan niya ang amag. Kapag nakita niyang ang dingding ay parang kulay berde o namumula, at parang makapal ang tagos sa dingding,[c] 38 lalabas ang pari sa bahay na iyon at ipapasara niya ang bahay sa loob ng pitong araw. 39 Sa ikapitong araw, babalik ang pari at muling titingnan ang amag sa bahay. At kung iyon ay kumalat pa sa ibang bahagi ng dingding, 40 ipapatanggal niya ang mga dingding na may amag at ipapatapon sa labas ng bayan, doon sa pinagtatapunan ng mga bagay na itinuturing na marumi. 41 At ipababakbak niya ang lahat ng bahagi ng dingding sa loob ng bahay at ang lahat ng binakbak ay ipapatapon din niya sa labas ng bayan, doon sa lugar na pinagtatapunan ng mga bagay na itinuturing na marumi. 42 At ipag-uutos niya na palitan ang lahat ng bahagi ng dingding na tinanggal.
43 Pero kung pagkatapos nitoʼy muling magkaamag ang bahay, 44 pupuntahan niyang muli ang pari at muling ipapasuri ito. Kung ang amag ay kumakalat, ituturing na marumi na naman ang bahay na iyon dahil pabalik-balik ang amag sa bahay. 45 Kaya dapat nang gibain ang bahay at ang mga gamit nitoʼy ipatapon sa labas ng bayan, doon sa lugar na pinagtatapunan ng mga bagay na itinuturing na marumi.
46 Ang sinumang pumasok sa bahay na iyon na ipinasara ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. 47 At ang sinumang kumain o matulog sa bahay na iyon ay kinakailangang maglaba ng kanyang damit.[d]
48 Pero kung sa pagsusuri ng pari ay hindi na nagkaamag ang bahay pagkatapos palitan ang mga bahagi ng dingding na may amag, ipapahayag ng pari na malinis na ang bahay dahil wala nang amag. 49 At para maituring na malinis ang bahay, kinakailangan ng pari ang dalawang ibon, kahoy na sedro, pulang panali, at halamang isopo. 50 Papatayin niya ang isang ibon sa ibabaw ng palayok na may tubig mula sa bukal. 51 At kukunin niya ang kahoy na sedro, ang pulang panali, halamang isopo, at ang buhay na ibon. At ilulubog niyang lahat ito sa tubig sa palayok na may dugo ng ibong pinatay. At ang tubig na may dugo ay iwiwisik niya ng pitong beses sa bahay. 52 Kaya sa pamamagitan ng dugo ng ibon, tubig na galing sa bukal, buhay na ibon, kahoy na sedro, halamang isopo, at ng pulang panali, malilinis ng pari ang bahay. 53 Pagkatapos, pakakawalan niya ang buhay na ibon sa labas ng bayan. Ganito ang paraan na gagawin ng pari para maalis ang karumihan sa bahay at magiging malinis na ito.
54-57 Ito ang mga tuntunin tungkol sa sakit sa balat na nakakahawa at kumakati, o namamaga, o may butlig o namumuti, at tungkol sa amag ng damit at amag sa bahay. At sa pamamagitan ng mga tuntuning ito, malalaman ninyo kung alin ang malinis at marumi.
Footnotes
- 14:4 malinis: Ang ibig sabihin, itoʼy maaaring kainin o ihandog sa Panginoon.
- 14:34 Ang uri ng amag na ito na tumutubo sa bahay ay hindi karaniwang nakikita sa Pilipinas. Tingnan din ang “footnote” sa 13:2.
- 14:37 kulay … dingding: o, kinakain ang loob ng dingding.
- 14:47 Tingnan ang “footnote” sa 11:24-28b.
Levitico 14
Ang Biblia, 2001
Handog sa Paglilinis ng Ketongin
14 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Ito(A) ang magiging batas tungkol sa ketongin sa mga araw ng kanyang paglilinis. Siya'y dadalhin sa pari;
3 at ang pari ay lalabas sa kampo at susuriin siya. Kung ang sakit na ketong ay gumaling na sa ketongin,
4 iuutos ng pari sa kanila na ikuha siya ng dalawang buháy na malinis na ibon, kahoy na sedro, lanang pula at isopo;
5 at ipag-uutos ng pari sa kanila na patayin ang isa sa mga ibon sa isang sisidlang luwad sa ibabaw ng tubig na umaagos.
6 Kukunin niya ang ibong buháy, ang kahoy na sedro, ang lanang pula at ang isopo, at itutubog ang mga ito at ang ibong buháy sa dugo ng ibong pinatay sa ibabaw ng tubig na umaagos.
7 Iwiwisik niya nang pitong ulit sa taong lilinisin mula sa ketong; pagkatapos ay ipahahayag siya na malinis, at pakakawalan ang ibong buháy sa kalawakan ng parang.
8 At siya na lilinisin ay maglalaba ng kanyang kasuotan at aahitin ang lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig, at siya'y magiging malinis. Pagkatapos ay papasok siya sa kampo, subalit maninirahan sa labas ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw.
9 Sa ikapitong araw ay muli niyang aahitin ang lahat ng buhok: sa ulo, baba, at kilay at lahat ng buhok sa kanyang katawan. Pagkatapos ay lalabhan niya ang kanyang kasuotan, at maliligo siya sa tubig, at siya ay magiging malinis.
10 “Sa ikawalong araw, kukuha siya ng dalawang korderong lalaki na walang kapintasan, at ng isang korderong babae na isang taong gulang at walang kapintasan, at ng ikasampung bahagi ng harinang hinaluan ng langis, isang handog at ng isang log[a] na langis, bilang pagkaing handog.
11 Ang paring naglilinis sa taong lilinisin ay tatayo sa harapan ng Panginoon sa pintuan ng toldang tipanan kasama ng mga bagay na ito.
12 Kukunin ng pari ang isa sa mga korderong lalaki at ihahandog bilang handog para sa budhing maysala, at ang log ng langis, at iwawagayway bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon.
13 Kanyang papatayin ang korderong lalaki sa lugar na pinagpapatayan nila ng handog pangkasalanan at ng handog na sinusunog, sa banal na dako; sapagkat gaya ng handog pangkasalanan, ang handog para sa budhing maysala ay para sa pari; ito ay kabanal-banalan.
14 Ang pari ay kukuha ng dugo ng handog para sa budhing maysala at ilalagay niya sa dulo ng kanang tainga, sa hinlalaki ng kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanang paa ng taong lilinisin.
15 Pagkatapos ay kukuha ang pari ng log ng langis at ibubuhos sa ibabaw ng palad ng kanyang kaliwang kamay,
16 at itutubog ng pari ang kanyang kanang daliri sa langis na nasa kanyang kaliwang kamay, at iwiwisik ang langis ng pitong ulit sa pamamagitan ng kanyang daliri sa harapan ng Panginoon.
17 Mula sa nalabing langis na nasa kanyang kamay ay maglalagay ang pari ng dugo sa dulo ng kanang tainga, sa hinlalaki ng kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanang paa ng taong lilinisin, sa ibabaw ng dugo ng handog para sa budhing maysala.
18 Ang nalabing langis na nasa kamay ng pari ay ilalagay niya sa ulo ng taong lilinisin, at ang pari ay gagawa ng pagtubos para sa kanya sa harapan ng Panginoon.
19 Mag-aalay ang pari ng handog pangkasalanan, at itutubos sa kanya na lilinisin mula sa kanyang karumihan. Pagkatapos ay papatayin niya ang handog na sinusunog,
20 at iaalay ng pari ang handog na sinusunog at ang butil na handog sa ibabaw ng dambana. Gayon gagawin ng pari ang pagtubos para sa kanya, at siya'y magiging malinis.
21 “Kung siya'y dukha at ang kanyang kakayahan ay hindi makakasapat, kukuha siya ng isang korderong lalaki na handog para sa budhing maysala bilang handog na iwinawagayway upang ipantubos sa sarili, at ng ikasampung bahagi ng harina na hinaluan ng langis bilang butil na handog, ng isang log ng langis;
22 at ng dalawang batu-bato o ng dalawang batang kalapati, ayon sa kanyang kaya; at ang isa ay magiging handog pangkasalanan, at ang isa'y handog na sinusunog.
23 Sa ikawalong araw ay kanyang dadalhin ang mga iyon sa pari sa pintuan ng toldang tipanan para sa kanyang paglilinis sa harapan ng Panginoon.
24 At kukunin ng pari ang korderong handog para sa budhing maysala at ang log ng langis at iwawagayway ang mga ito ng pari bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon.
25 Kanyang papatayin ang korderong handog para sa budhing maysala, at kukuha ang pari ng dugo mula sa handog para sa budhing maysala, at ilalagay sa dulo ng kanang tainga, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanang paa ng taong lilinisin;
26 at ibubuhos ng pari ang langis sa ibabaw ng palad ng kanyang kaliwang kamay.
27 Pitong ulit na iwiwisik ng pari sa pamamagitan ng kanyang kanang daliri ang langis na nasa kanyang kaliwang kamay sa harapan ng Panginoon.
28 At ilalagay ng pari ang langis na nasa kanyang kamay sa dulo ng kanang tainga, at hinlalaki ng kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanang paa ng taong lilinisin sa ibabaw ng pinaglagyan ng dugo ng handog para sa budhing maysala.
29 Ang nalabing langis na nasa kamay ng pari ay ilalagay niya sa ulo ng taong lilinisin, upang ipantubos sa kanya sa harapan ng Panginoon.
30 At kanyang ihahandog ang isa sa mga batu-bato o sa mga inakay ng kalapati, kung alin ang kanyang kaya.
31 Kung alin ang abot ng kanyang kaya, ang isa'y handog pangkasalanan, at ang isa'y handog na sinusunog, bukod sa butil na handog. At ang pari ay gagawa ng pagtubos sa harapan ng Panginoon para sa kanya na lilinisin.
32 Ito ang batas tungkol sa may sakit na ketong na hindi kayang bumili ng mga handog para sa kanyang paglilinis.”
Ang Paglilinis ng mga Bahay na may Sakit
33 Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron:
34 “Pagdating ninyo sa lupain ng Canaan na aking ibinigay sa inyo bilang pag-aari, at ako'y naglagay ng sakit na ketong sa isang bahay sa lupaing inyong pag-aari,
35 ang may-ari ng bahay ay lalapit sa pari at sasabihin, ‘Mayroon yatang isang uri ng sakit sa aking bahay.’
36 Ipag-uutos ng pari na alisan ng laman ang bahay bago siya pumasok upang tingnan ang sakit, upang ang lahat na nasa bahay ay huwag maging marumi; at pagkatapos ay papasok ang pari upang tingnan ang bahay.
37 Kanyang susuriin ang salot, at kung ang salot ay nasa mga dingding ng bahay na nagkukulay berde, o namumula ng batik at ang anyo nito ay mas malalim kaysa dingding,
38 kung gayon ay lalabas ang pari sa bahay tungo sa pintuan ng bahay at isasara ang bahay sa loob ng pitong araw.
39 Muling babalik ang pari sa ikapitong araw at gagawa ng pagsusuri, at kung kumalat na ang salot sa mga dingding ng bahay,
40 ay ipag-uutos nga ng pari na alisin ang mga batong kinaroroonan ng salot at itapon ang mga iyon sa isang dakong marumi sa labas ng bayan.
41 Kanyang ipakakayod ang palibot ng loob ng bahay, at kanilang ibubuhos ang duming kinayod sa labas ng bayan, sa isang dakong marumi;
42 at sila'y kukuha ng ibang mga bato, at ihahalili sa mga batong iyon, at kukuha ng ibang pampalitada para sa bahay.
43 “Kung muling bumalik ang salot, at lumitaw sa bahay pagkatapos na maalis ang mga bato at pagkatapos ipakayod ang bahay, at pagkatapos na mapalitadahan,
44 ay papasok ang pari at magsisiyasat. Kung ang salot ay kumalat na sa bahay, ito ay ketong na nakakasira sa bahay; ito'y marumi.
45 Gigibain niya ang bahay, ang mga bato at ang mga kahoy, at ang lahat ng palitada ng bahay, at kanyang dadalhin sa labas ng bayan, sa isang dakong marumi.
46 Ang pumasok sa bahay sa lahat ng mga araw na ito'y ipinasara ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw.
47 At ang mahiga sa bahay na iyon ay maglalaba ng kanyang mga damit; at ang kumain sa bahay na iyon ay maglalaba ng kanyang mga damit.
48 “Subalit kapag pumasok ang pari at maingat na tiningnan ito at ang salot ay hindi na kumalat sa bahay pagkatapos na mapalitadahan, ipahahayag ng pari na malinis ang bahay, sapagkat ang sakit ay napagaling na.
49 Kukuha siya ng dalawang ibon para sa paglilinis ng bahay, ng kahoy na sedro, ng pulang sinulid, at ng isopo,
50 at papatayin ang isa sa mga ibon sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos,
51 at kukunin niya ang kahoy na sedro, at ang isopo, at ang pulang sinulid, at ang ibong buháy, at ilulubog ang mga ito sa dugo ng ibong pinatay, at sa tubig na umaagos, at iwiwisik ng pitong ulit sa bahay.
52 Gayon niya lilinisin ang bahay sa pamamagitan ng dugo ng ibon, ng agos ng tubig, ng ibong buháy, ng kahoy na sedro, ng isopo, at ng pulang sinulid;
53 at kanyang pakakawalan ang ibong buháy sa labas ng bayan, sa kaparangan, at matutubos ang bahay; at ito ay magiging malinis.”
54 Ito ang batas para sa bawat sari-saring sakit na ketong, sa pangangati;
55 sa ketong ng kasuotan at ng bahay,
56 at sa pamamaga, sa singaw, at sa batik na makintab;
57 upang ipakita kung kailan marumi, at kung kailan malinis. Ito ang batas tungkol sa ketong.
Footnotes
- Levitico 14:10 Ang isang log ay katimbang ng halos 1/4 ng litro.
Leviticus 14
Complete Jewish Bible
Parashah 28: M’tzora (Person afflicted with tzara‘at) 14:1–15:33
[In regular years read with Parashah 27, in leap years read separately]
14 Adonai said to Moshe, 2 “This is to be the law concerning the person afflicted with tzara‘at on the day of his purification. He is to be brought to the cohen, 3 and the cohen is to go outside the camp and examine him there. If he sees that the tzara‘at sores have been healed in the afflicted person, 4 then the cohen will order that two living clean birds be taken for the one to be purified, along with cedar-wood, scarlet yarn and hyssop leaves. 5 The cohen is to order one of the birds slaughtered in a clay pot over running water. 6 As for the live bird, he is to take it with the cedar-wood, scarlet yarn and hyssop and dip them and the living bird in the blood of the bird slaughtered over running water, 7 and sprinkle the person to be purified from the tzara‘at seven times. Next he is to set the live bird free in an open field. 8 He who is to be purified must wash his clothes, shave off all his hair and bathe himself in water. Then he will be clean; and after that, he may enter the camp; but he must live outside his tent for seven days. 9 On the seventh day he is to shave all the hair off his head, also his beard and eyebrows — he must shave off all his hair; and he is to wash his clothes and bathe his body in water; and he will be clean.
10 “On the eighth day he is to take two male lambs without defect, one female lamb in its first year without defect and six-and-a-half quarts of fine flour for a grain offering, mixed with olive oil, and two-thirds of a pint of olive oil. 11 The cohen purifying him is to place the person being purified with these items before Adonai at the entrance to the tent of meeting. 12 The cohen is to take one of the male lambs and offer it as a guilt offering with the two-thirds-pint of olive oil, then wave them as a wave offering before Adonai. (LY: ii) 13 He is to slaughter the male lamb at the place in the sanctuary for slaughtering sin offerings and burnt offerings, because the guilt offering belongs to the cohen, just like the sin offering; it is especially holy. 14 The cohen is to take some of the blood of the guilt offering and put it on the tip of the right ear of the person being purified, on the thumb of his right hand and on the big toe of his right foot. 15 Next, the cohen is to take some of the two-thirds-pint of olive oil and pour it into the palm of his own left hand, 16 dip his right finger in the oil that is in his left hand and sprinkle from the oil with his finger seven times before Adonai. 17 Then the cohen is to put some of the remaining oil in his hand on the tip of the right ear of the person being purified, on the thumb of his right hand, on the big toe of his right foot and on the blood of the guilt offering. 18 Finally, the cohen is to put the rest of the oil in his hand on the head of the person being purified; and the cohen will make atonement for him before Adonai. 19 The cohen is to offer the sin offering and make atonement for the person being purified because of his uncleanness; afterwards, he is to slaughter the burnt offering. 20 The cohen is to offer the burnt offering and the grain offering on the altar; thus the cohen will make atonement for him; and he will be clean.
(RY: v, LY: iii) 21 “If he is poor, so that he can’t afford to do otherwise, he is to take one male lamb as a guilt offering to be waved, to make atonement for him; two quarts of fine flour mixed with olive oil for a grain offering; two-thirds of a pint of olive oil; 22 and two doves or two young pigeons, such as he can afford, the one for a sin offering and the other for a burnt offering. 23 On the eighth day, he will bring them to the cohen for his purification, to the entrance of the tent of meeting before Adonai. 24 The cohen is to take the lamb of the guilt offering and the two-thirds of a pint of olive oil and wave them as a wave offering before Adonai. 25 He is to slaughter the lamb of the guilt offering; and the cohen is to take some of the blood of the guilt offering and put it on the tip of the right ear of the person being purified, on the thumb of his right hand and on the big toe of his right foot. 26 The cohen is to take some of the olive oil and pour it into the palm of his own left hand, 27 and sprinkle with his right hand some of the oil that is in his left hand seven times before Adonai. 28 The cohen is to put some of the oil in his hand on the tip of the right ear of the person being purified, on the thumb of his right hand, on the big toe of his right foot — in the same place as the blood of the guilt offering. 29 Finally, the cohen is to put the rest of the oil in his hand on the head of the person being purified, to make atonement for him before Adonai. 30 He is to offer one of the doves or young pigeons, such as the person can afford, 31 whatever his means suffice for — the one as a sin offering and the other as a burnt offering — with the grain offering; thus the cohen will make atonement before Adonai for the person being purified. 32 Such is the law for the person who has tzara‘at sores if he cannot afford the usual elements used for his purification.”
(RY: vi, LY: iv) 33 Adonai said to Moshe and Aharon, 34 “When you have entered the land of Kena‘an which I am giving you as a possession, and I put an infection of tzara‘at in a house in the land that you possess, 35 then the owner of the house is to come and tell the cohen, ‘It seems to me that there may be an infection in the house.’ 36 The cohen is to order the house emptied before he goes in to inspect the infection, so that everything in the house won’t be made unclean; afterwards, the cohen is to enter and inspect the house. 37 He will examine the infection; and if he sees that the infection is in the walls of the house, with greenish or reddish depressions that seem to go in deeper than the surface of the wall, 38 he is to go out of the house to its door and seal up the house for seven days. 39 The cohen will come again on the seventh day and examine the house; if he sees that the infection has spread over its walls, 40 he is to order them to remove the infected stones and throw them into some unclean place outside the city. 41 Next, he is to have the inside of the house thoroughly scraped, and the scraped-off plaster is to be discarded outside the city in an unclean place. 42 Finally, other stones must be set in the place of the first stones and other plaster used to replaster the house. 43 If the infection returns and breaks out in the house after the stones have been removed and the house scraped and plastered; 44 then the cohen is to enter and examine it. If he sees that the infection has spread in the house, it is a contagious tzara‘at in the house; it is unclean. 45 He must break down the house and take its stones, timber and plaster out of the city to an unclean place. 46 Moreover, whoever enters the house at any time while it is sealed up will be unclean until evening. 47 Whoever lies down or eats in the house must wash his clothes. 48 If the cohen enters, examines and sees that the infection has not spread in the house since it was plastered; then he is to declare the house clean; because the infection is cured.
49 “To purify the house, he is to take two birds, cedar-wood, scarlet yarn and hyssop leaves. 50 He is to slaughter one of the birds in a clay pot over running water. 51 He is to take the cedar-wood, the hyssop, the scarlet yarn and the live bird and dip them in the blood of the slaughtered bird and in the running water, and sprinkle the house seven times. 52 He will purify the house with the blood of the bird, the running water, the live bird, the cedar-wood, the hyssop and the scarlet yarn. 53 But he is to set the live bird free outside the city in an open field; thus will he make atonement for the house; and it will be clean.
(LY: v) 54 “Such is the law for all kinds of tzara‘at sores, for a crusted area, 55 for tzara‘at in a garment, for a house, 56 for a swelling, for a scab and for a bright spot, 57 to determine when it is clean and when it is unclean. This is the law concerning tzara‘at.”
Leviticus 14
King James Version
14 And the Lord spake unto Moses, saying,
2 This shall be the law of the leper in the day of his cleansing: He shall be brought unto the priest:
3 And the priest shall go forth out of the camp; and the priest shall look, and, behold, if the plague of leprosy be healed in the leper;
4 Then shall the priest command to take for him that is to be cleansed two birds alive and clean, and cedar wood, and scarlet, and hyssop:
5 And the priest shall command that one of the birds be killed in an earthen vessel over running water:
6 As for the living bird, he shall take it, and the cedar wood, and the scarlet, and the hyssop, and shall dip them and the living bird in the blood of the bird that was killed over the running water:
7 And he shall sprinkle upon him that is to be cleansed from the leprosy seven times, and shall pronounce him clean, and shall let the living bird loose into the open field.
8 And he that is to be cleansed shall wash his clothes, and shave off all his hair, and wash himself in water, that he may be clean: and after that he shall come into the camp, and shall tarry abroad out of his tent seven days.
9 But it shall be on the seventh day, that he shall shave all his hair off his head and his beard and his eyebrows, even all his hair he shall shave off: and he shall wash his clothes, also he shall wash his flesh in water, and he shall be clean.
10 And on the eighth day he shall take two he lambs without blemish, and one ewe lamb of the first year without blemish, and three tenth deals of fine flour for a meat offering, mingled with oil, and one log of oil.
11 And the priest that maketh him clean shall present the man that is to be made clean, and those things, before the Lord, at the door of the tabernacle of the congregation:
12 And the priest shall take one he lamb, and offer him for a trespass offering, and the log of oil, and wave them for a wave offering before the Lord:
13 And he shall slay the lamb in the place where he shall kill the sin offering and the burnt offering, in the holy place: for as the sin offering is the priest's, so is the trespass offering: it is most holy:
14 And the priest shall take some of the blood of the trespass offering, and the priest shall put it upon the tip of the right ear of him that is to be cleansed, and upon the thumb of his right hand, and upon the great toe of his right foot:
15 And the priest shall take some of the log of oil, and pour it into the palm of his own left hand:
16 And the priest shall dip his right finger in the oil that is in his left hand, and shall sprinkle of the oil with his finger seven times before the Lord:
17 And of the rest of the oil that is in his hand shall the priest put upon the tip of the right ear of him that is to be cleansed, and upon the thumb of his right hand, and upon the great toe of his right foot, upon the blood of the trespass offering:
18 And the remnant of the oil that is in the priest's hand he shall pour upon the head of him that is to be cleansed: and the priest shall make an atonement for him before the Lord.
19 And the priest shall offer the sin offering, and make an atonement for him that is to be cleansed from his uncleanness; and afterward he shall kill the burnt offering:
20 And the priest shall offer the burnt offering and the meat offering upon the altar: and the priest shall make an atonement for him, and he shall be clean.
21 And if he be poor, and cannot get so much; then he shall take one lamb for a trespass offering to be waved, to make an atonement for him, and one tenth deal of fine flour mingled with oil for a meat offering, and a log of oil;
22 And two turtledoves, or two young pigeons, such as he is able to get; and the one shall be a sin offering, and the other a burnt offering.
23 And he shall bring them on the eighth day for his cleansing unto the priest, unto the door of the tabernacle of the congregation, before the Lord.
24 And the priest shall take the lamb of the trespass offering, and the log of oil, and the priest shall wave them for a wave offering before the Lord:
25 And he shall kill the lamb of the trespass offering, and the priest shall take some of the blood of the trespass offering, and put it upon the tip of the right ear of him that is to be cleansed, and upon the thumb of his right hand, and upon the great toe of his right foot:
26 And the priest shall pour of the oil into the palm of his own left hand:
27 And the priest shall sprinkle with his right finger some of the oil that is in his left hand seven times before the Lord:
28 And the priest shall put of the oil that is in his hand upon the tip of the right ear of him that is to be cleansed, and upon the thumb of his right hand, and upon the great toe of his right foot, upon the place of the blood of the trespass offering:
29 And the rest of the oil that is in the priest's hand he shall put upon the head of him that is to be cleansed, to make an atonement for him before the Lord.
30 And he shall offer the one of the turtledoves, or of the young pigeons, such as he can get;
31 Even such as he is able to get, the one for a sin offering, and the other for a burnt offering, with the meat offering: and the priest shall make an atonement for him that is to be cleansed before the Lord.
32 This is the law of him in whom is the plague of leprosy, whose hand is not able to get that which pertaineth to his cleansing.
33 And the Lord spake unto Moses and unto Aaron, saying,
34 When ye be come into the land of Canaan, which I give to you for a possession, and I put the plague of leprosy in a house of the land of your possession;
35 And he that owneth the house shall come and tell the priest, saying, It seemeth to me there is as it were a plague in the house:
36 Then the priest shall command that they empty the house, before the priest go into it to see the plague, that all that is in the house be not made unclean: and afterward the priest shall go in to see the house:
37 And he shall look on the plague, and, behold, if the plague be in the walls of the house with hollow strakes, greenish or reddish, which in sight are lower than the wall;
38 Then the priest shall go out of the house to the door of the house, and shut up the house seven days:
39 And the priest shall come again the seventh day, and shall look: and, behold, if the plague be spread in the walls of the house;
40 Then the priest shall command that they take away the stones in which the plague is, and they shall cast them into an unclean place without the city:
41 And he shall cause the house to be scraped within round about, and they shall pour out the dust that they scrape off without the city into an unclean place:
42 And they shall take other stones, and put them in the place of those stones; and he shall take other morter, and shall plaister the house.
43 And if the plague come again, and break out in the house, after that he hath taken away the stones, and after he hath scraped the house, and after it is plaistered;
44 Then the priest shall come and look, and, behold, if the plague be spread in the house, it is a fretting leprosy in the house; it is unclean.
45 And he shall break down the house, the stones of it, and the timber thereof, and all the morter of the house; and he shall carry them forth out of the city into an unclean place.
46 Moreover he that goeth into the house all the while that it is shut up shall be unclean until the even.
47 And he that lieth in the house shall wash his clothes; and he that eateth in the house shall wash his clothes.
48 And if the priest shall come in, and look upon it, and, behold, the plague hath not spread in the house, after the house was plaistered: then the priest shall pronounce the house clean, because the plague is healed.
49 And he shall take to cleanse the house two birds, and cedar wood, and scarlet, and hyssop:
50 And he shall kill the one of the birds in an earthen vessel over running water:
51 And he shall take the cedar wood, and the hyssop, and the scarlet, and the living bird, and dip them in the blood of the slain bird, and in the running water, and sprinkle the house seven times:
52 And he shall cleanse the house with the blood of the bird, and with the running water, and with the living bird, and with the cedar wood, and with the hyssop, and with the scarlet:
53 But he shall let go the living bird out of the city into the open fields, and make an atonement for the house: and it shall be clean.
54 This is the law for all manner of plague of leprosy, and scall,
55 And for the leprosy of a garment, and of a house,
56 And for a rising, and for a scab, and for a bright spot:
57 To teach when it is unclean, and when it is clean: this is the law of leprosy.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.
