Add parallel Print Page Options

45 Ang taong may sakit sa balat na nakakahawa ay dapat magsuot ng punit na damit, guluhin niya ang kanyang buhok, at takpan ang ibabang bahagi ng kanyang mukha. At siyaʼy sisigaw, “Akoʼy marumi! Akoʼy marumi!” 46 Siyaʼy ituturing na marumi habang siyaʼy hindi gumagaling sa sakit niyang iyon. At dapat siyang tumirang nag-iisa sa labas ng kampo.

Mga Tuntunin Tungkol sa Amag sa Damit

47-50 Kung ang may sakit sa balat na nakakahawa ay magkakaroon ng amag[a] sa damit na lana o linen o anumang gamit na yari sa balat, itoʼy dapat ipasuri sa pari. Pagkatapos suriin ng pari ang damit o balat, ibubukod niya iyon sa loob ng pitong araw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:47-50 amag: sa wikang Hebreo, ang katumbas na salita ay tumutukoy sa maraming klase ng sakit sa balat na parang ketong.