Add parallel Print Page Options

29-31 “Ituring ninyong marumi ang mga hayop na gumagapang katulad ng daga, bubwit, butiki, tuko, bayawak, buwaya, bubuli at hunyango.[a] Ang sinumang makahipo ng mga bangkay nito ay ituturing na marumi hanggang sa paglubog ng araw. 32 Ang alin mang bagay na mahulugan ng patay na katawan nito ay magiging marumi, maging itoʼy yari sa kahoy, tela, balat, o sako at ginagamit kahit saan. Itoʼy dapat hugasan ng tubig,[b] pero ituturing pa rin na marumi hanggang sa paglubog ng araw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:29-31 Ang ibang mga hayop dito na nakasulat sa tekstong Hebreo ay mahirap malaman at hindi makikita sa Pilipinas.
  2. 11:32 hugasan ng tubig: Ito ay ritwal para linisin ang isang bagay para itoʼy maaring magamit.