Add parallel Print Page Options

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, at ang mga kasuutan, at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura:

At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At sinabi ni Moises sa kapisanan, Ito ang ipinagawa ng Panginoon.

At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig.

At isinuot sa kaniya ang kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.

At ipinatong sa kaniya ang pektoral: at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.

At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

10 At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.

11 At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito, at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon, upang ariing banal.

12 At binuhusan ng langis na pang-pahid ang ulo ni Aaron, at pinahiran niya ng langis siya upang papagbanalin.

13 At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, at sila'y sinuutan ng mga kasuutan, at binigkisan ng mga pamigkis, at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

14 At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan.

15 At pinatay niya; at kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan.

16 At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana.

17 Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

18 At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa.

19 At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

20 At kinatay niya ang tupa; at sinunog ni Moises ang ulo, at ang mga putolputol, at ang taba.

21 At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

22 At iniharap niya ang ikalawang tupa, ang tupa na itinatalaga: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.

23 At kaniyang pinatay yaon; at kumuha si Moises ng dugo niyaon, at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa.

24 At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

25 At kinuha niya ang taba, at ang matabang buntot, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at ang kanang hita:

26 At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon, ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura, at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay, at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita:

27 At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak, at pinagaalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon.

28 At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay, at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin: mga talagang pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

29 At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

30 At kumuha si Moises ng langis na pang-pahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.

31 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.

32 At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy.

33 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga.

34 Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo.

35 At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko.

36 At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

And the Lord said to Moses,

Take Aaron and his sons with him, and the garments [symbols of their office], and the anointing oil, and the bull of the sin offering, and the two rams, and the basket of unleavened bread;

And assemble all the congregation at the door of the Tent of Meeting.

Moses did as the Lord commanded him, and the congregation was assembled at the door of the Tent of Meeting.

Moses told the congregation, This is what the Lord has commanded to be done.

Moses brought Aaron and his sons and washed them with water.

He put on Aaron the long undertunic, girded him with the long sash, clothed him with the robe, put the ephod (an upper vestment) upon him, and girded him with the skillfully woven cords attached to the ephod, binding it to him.

And Moses put upon Aaron the breastplate; also he put in the breastplate the Urim and the Thummim [articles upon which the high priest put his hand when seeking the divine will concerning the nation].

And he put the turban or miter on his head; on it, in front, Moses put the shining gold plate, the holy diadem, as the Lord commanded him.

10 And Moses took the anointing oil and anointed the tabernacle and all that was in it, and consecrated them.

11 And he sprinkled some of the oil on the altar seven times and anointed the altar and all its utensils, and the laver and its base, to consecrate them.

12 And he poured some of the anointing oil upon Aaron’s head and anointed him to consecrate him.

13 And Moses brought Aaron’s sons and put undertunics on them and girded them with sashes and wound turbans on them, as the Lord commanded Moses.

14 Then he brought the bull of the sin offering, and Aaron and his sons laid their hands on the head of the bull of the sin offering.

15 Moses killed it and took the blood and put it on the horns of the altar round about with his finger and poured the blood at the base of the altar and purified and consecrated the altar to make atonement for it.

16 He took all the fat that was on the entrails, and the lobe of the liver, and the two kidneys with their fat, and Moses burned them on the altar.

17 But the bull [the sin offering] and its hide, its flesh, and its dung he burned with fire outside the camp, as the Lord commanded Moses.

18 He brought the ram for the burnt offering, and Aaron and his sons laid their hands on the head of the ram.

19 And Moses killed it and dashed the blood upon the altar round about.

20 He cut the ram into pieces and Moses burned the head, the pieces, and the fat.

21 And he washed the entrails and the legs in water; then Moses burned the whole ram on the altar; it was a burnt sacrifice, for a sweet and satisfying fragrance, an offering made by fire to the Lord, as the Lord commanded Moses.

22 And he brought the other ram, the ram of consecration and ordination, and Aaron and his sons laid their hands upon the head of the ram.

23 And Moses killed it and took some of its blood and put it on the tip of Aaron’s right ear, and on the thumb of his right hand, and on the great toe of his right foot.

24 And he brought Aaron’s sons and Moses put some of the blood on the tips of their right ears, and the thumbs of their right hands, and the great toes of their right feet; and Moses dashed the blood upon the altar round about.

25 And he took the fat, the fat tail, all the fat that was on the entrails, the lobe of the liver, and the two kidneys and their fat, and the right thigh;

26 And out of the basket of unleavened bread, that was before the Lord, he took one unleavened cake, a cake of oiled bread, and one wafer and put them on the fat and on the right thigh;

27 And he put all these in Aaron’s hands and his sons’ hands and waved them for a wave offering before the Lord.

28 Then Moses took these things from their hands and burned them on the altar with the burnt offering as an ordination offering, for a sweet and satisfying fragrance, an offering made by fire to the Lord.

29 And Moses took the breast and waved it for a wave offering before the Lord; for of the ram of consecration and ordination it was Moses’ portion, as the Lord commanded Moses.

30 And Moses took some of the anointing oil and some of the blood which was on the altar and sprinkled it on Aaron and his garments, and upon his sons and their garments also; so Moses consecrated Aaron and his garments, and his sons and his sons’ garments.

31 And Moses said to Aaron and his sons, Boil the flesh at the door of the Tent of Meeting and there eat it with the bread that is in the basket of consecration and ordination, as I commanded, saying, Aaron and his sons shall eat it.

32 And what remains of the flesh and of the bread you shall burn with fire.

33 And you shall not go out of the door of the Tent of Meeting for seven days, until the days of your consecration and ordination are ended; for it will take seven days to consecrate and ordain you.

34 As has been done this day, so the Lord has commanded to do for your atonement.

35 At the door of the Tent of Meeting you shall remain day and night for seven days, [a]doing what the Lord has charged you to do, that you die not; for so I am commanded.

36 So Aaron and his sons did all the things which the Lord commanded through Moses.

Footnotes

  1. Leviticus 8:35 We have, every one of us, a charge to keep, an eternal God to glorify, an immortal soul to provide for, needful duty to be done, our generation to serve; and it must be our daily care to keep this charge, for it is the charge of the Lord our Master (Matthew Henry, Commentary on the Holy Bible). The laws contained in this book, for the most part ceremonial, had an important spiritual bearing, the study of which is highly instructive (Robert Jamieson, A.R. Fausset and David Brown, A Commentary). The Scripture references recorded within the text are intended to be a guide to its spiritual implications.