Levitico 8:14-15
Ang Biblia (1978)
Ang pagtatalaga kay Aaron at sa kaniyang mga anak.
14 (A)At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan.
15 At pinatay niya; at (B)kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan.
Read full chapter
Levitico 8:19
Ang Biblia (1978)
19 At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
Read full chapter
Levitico 8:24
Ang Biblia (1978)
24 At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
Read full chapter
2 Cronica 35:11
Ang Biblia (1978)
11 At kanilang pinatay ang kordero ng paskua, at iwinisik ng mga saserdote ang dugo, na tinangnan nila sa kanilang kamay, at mga nilapnusan ng mga Levita.
Read full chapter
Mga Hebreo 9:21
Ang Biblia (1978)
21 Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay (A)pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978