Add parallel Print Page Options

Mga Tuntunin tungkol sa Handog na Pambayad sa Kasalanan

“Ito naman ang tuntunin tungkol sa handog na pambayad sa kasalanan. Ito'y ganap na sagrado. Ang handog na pambayad sa kasalanan ay papatayin sa lugar na pinagpapatayan ng mga handog na susunugin. Ang dugo nito'y ibubuhos sa paligid ng altar. Ang lahat ng taba nito ay ibubukod at ihahandog—taba ng buntot, tabang bumabalot sa laman-loob, ang dalawang bato at ang taba nito, ang taba ng balakang at ang taba na bumabalot sa atay. Lahat ng ito'y dadalhin sa altar at susunugin ng pari bilang handog na pambayad sa kasalanan kay Yahweh. Ang matitira ay maaaring kainin ng mga anak na lalaki na kabilang sa angkan ng pari. Ngunit ito'y kakainin sa isang sagradong lugar sapagkat ang pagkaing ito'y napakabanal.

“Iisa ang tuntunin sa handog na pambayad sa kasalanan at sa handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ang kukuha ng handog na ito ay ang paring gumaganap sa paghahandog. Ang balat ng handog na susunugin ay ibibigay rin sa paring gumanap sa paghahandog, gayundin ang mga handog na pagkaing butil na niluto sa pugon, sa ihawan o pinirito sa kawali. 10 Ngunit ang natirang handog na harina, maging ito'y may halong langis o wala, ay paghahati-hatian ng mga paring mula sa angkan ni Aaron.

Handog Pangkapayapaan

11 “Ito naman ang tuntunin tungkol sa handog pangkapayapaan. 12 Kung ito'y inihandog bilang pasasalamat, ang handog ay sasamahan ng tinapay na walang pampaalsa. Ito'y maaaring makakapal na tinapay na yari sa harinang minasa sa langis, o maninipis na tinapay na pinahiran ng langis, o tinapay na yari rin sa harinang minasa sa langis. 13 Ang mga ito ay isasama sa tinapay na may pampaalsa at sa handog pangkapayapaan bilang pagpapasalamat. 14 Sa bawat uri ng tinapay ay magbubukod ng isang ihahandog kay Yahweh at ito'y kukunin ng paring nagbuhos ng dugo ng handog pangkapayapaan. 15 Ang laman ng handog pangkapayapaan bilang pagpapasalamat ay kakaining lahat sa araw ng paghahandog; walang dapat itira para kinabukasan.

16 “Ngunit kung ang handog pangkapayapaan ay panata o kusang-loob, makakain iyon sa araw ng paghahandog at ang matitira'y maaaring kainin sa kinabukasan. 17 Kung mayroon pa ring natira sa ikatlong araw, dapat nang sunugin iyon. 18 Kapag may kumain pa nito, ang handog na iyo'y hindi tatanggapin at mawawalan ng kabuluhan. Iyo'y magiging kasuklam-suklam at pananagutin ang sinumang kumain niyon. 19 Ang handog na karneng nadampian ng anumang bagay na marumi ay hindi dapat kainin; dapat itong sunugin.

“Ang sinumang malinis ayon sa batas ay maaaring kumain ng karneng ito. 20 Ngunit ang kumain ng karneng handog pangkapayapaan nang di nararapat ay ititiwalag sa bayan ng Diyos. 21 Ititiwalag sa sambahayan ng Diyos ang sinumang makahawak ng marumi: tao, hayop o anumang bagay na karumal-dumal, at pagkatapos ay kumain ng handog pangkapayapaan.”

22 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, 23 “Sabihin mo sa bayang Israel na huwag silang kakain ng taba ng baka, tupa o kambing. 24 Ang taba ng hayop na kusang namatay o ng hayop na niluray ng kapwa hayop ay maaaring gamitin sa ibang bagay, huwag lamang kakainin. 25 Kaya, ang sinumang kumain ng taba ng hayop na inihandog kay Yahweh ay ititiwalag sa sambayanan. 26 At(A) kahit saan kayo naroon, huwag kayong kakain ng dugo ng anumang hayop o ibon. 27 Ang sinumang kumain nito ay ititiwalag sa sambayanan ng Diyos.”

28 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, 29 “Sabihin mo rin ito sa bayang Israel: ‘Ang sinumang maghahandog para sa kapayapaan ay magbubukod ng bahagi nito para sa akin. 30 Siya mismo ang maghahandog nito. Dadalhin din niya ang taba at dibdib nito sa harap ng altar upang ihain bilang tanging handog. 31 Kukunin ng pari ang taba nito at susunugin sa altar, ngunit ang dibdib ay ibibigay kay Aaron at sa kanyang mga anak. 32 Ang kanang hita naman ay ibibigay sa paring 33 nagbuhos ng dugo sa altar at nagsunog ng tabang handog pangkapayapaan. 34 Sapagkat iniuutos ko sa bayang Israel na ang dibdib at ang hita ng hayop na handog pangkapayapaan ay ipagkakaloob kay Aaron at sa kanyang mga anak. Ito'y panghabang panahong tungkulin ng bayang Israel. 35 Ito nga ang bahagi ng handog kay Yahweh na nakalaan kay Aaron at sa kanyang mga anak mula nang sila'y gawing mga pari para kay Yahweh. 36 Nang araw na iyon, iniutos ni Yahweh na ito'y ibigay sa kanila. Ang tuntuning ito ay dapat tuparin ng bayang Israel habang panahon.’”

37 Ito ang mga tuntunin tungkol sa mga handog na susunugin, handog na pagkaing butil, handog para sa kapatawaran ng kasalanan, handog na pambayad sa kasalanan, handog sa pagtatalaga at handog pangkapayapaan. 38 Iniutos ito ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai, noong sila'y nasa ilang, nang araw na ang mga Israelita'y utusan ni Yahweh na maghandog sa kanya.

“‘This is the law for the guilt offering: it is especially holy. They are to slaughter the guilt offering in the place where they slaughter the burnt offering, and its blood is to be splashed against all sides of the altar. He is to offer all its fat — the fat tail, the fat covering the inner organs, the two kidneys, the fat on them near the flanks, and the covering of the liver, which he will remove with the kidneys. The cohen will make them go up in smoke on the altar as an offering made by fire to Adonai ; it is a guilt offering. Every male from a family of cohanim may eat it; it is to be eaten in a holy place; it is especially holy. The guilt offering is like the sin offering; the same law governs them — it will belong to the cohen who uses it to make atonement.

“‘The cohen who offers someone’s burnt offering will possess the hide of the burnt offering which he has offered.

“‘Every grain offering baked in the oven, cooked in a pot or fried on a griddle will belong to the cohen who offers it. 10 But every grain offering which is mixed with olive oil or is dry will belong to all the sons of Aharon equally.

(iii) 11 “‘This is the law for sacrificing peace offerings offered to Adonai: 12 If a person offers it for giving thanks, he is to offer it with the thanksgiving sacrifice of unleavened cakes mixed with olive oil, matzah spread with olive oil, and cakes made of fine flour mixed with olive oil and fried. 13 With cakes of leavened bread he is to present his offering together with the sacrifice of his peace offerings for giving thanks. 14 From each kind of offering he is to present one as a gift for Adonai; it will belong to the cohen who splashes the blood of the peace offerings against the altar. 15 The meat of the sacrifice of his peace offerings for giving thanks is to be eaten on the day of his offering; he is not to leave any of it until morning. 16 But if the sacrifice connected with his offering is for a vow or is a voluntary offering, then, while it is to be eaten on the day he offers his sacrifice, what remains of it may be eaten the next day. 17 However, what remains of the meat of the sacrifice on the third day is to be burned up completely. 18 If any of the meat of the sacrifice of his peace offerings is eaten on the third day, the sacrifice will neither be accepted nor credited to the person offering it; rather, it will have become a disgusting thing, and whoever eats it will bear the consequences of his wrongdoing. 19 Meat which touches something unclean is not to be eaten but burned up completely. As for the meat, everyone who is clean may eat it; 20 but a person in a state of uncleanness who eats any meat from the sacrifice of peace offerings made to Adonai will be cut off from his people. 21 Anyone who touches something unclean — whether the uncleanness be from a person, from an unclean animal or from some other unclean detestable thing — and then eats the meat from the sacrifice of peace offerings for Adonai, that person will be cut off from his people.’”

22 Adonai said to Moshe, 23 “Say to the people of Isra’el, ‘You are not to eat the fat of bulls, sheep or goats. 24 The fat of animals that die of themselves or are killed by wild animals may be used for any other purpose, but under no circumstances are you to eat it. 25 For whoever eats the fat of animals of the kind used in presenting an offering made by fire to Adonai will be cut off from his people. 26 You are not to eat any kind of blood, whether from birds or animals, in any of your homes. 27 Whoever eats any blood will be cut off from his people.’”

28 Adonai said to Moshe, 29 “Say to the people of Isra’el, ‘A person who offers his sacrifice of peace offerings to Adonai is to bring part of his sacrifice of peace offerings as his offering for Adonai. 30 He is to bring with his own hands the offerings for Adonai made by fire — he is to bring the breast with its fat. The breast is to be waved as a wave offering before Adonai. 31 The cohen is to make the fat go up in smoke on the altar, but the breast will belong to Aharon and his descendants. 32 You are to give the right thigh from your sacrifices of peace offerings to the cohen as a contribution. 33 The descendant of Aharon who offers the blood of the peace offerings is to have the right thigh as his share. 34 For the breast that has been waved and the thigh that has been contributed I have taken from the people of Isra’el out of their sacrifices of peace offerings and given them to Aharon the cohen and to his descendants as their share forever from the people of Isra’el.’”

35 On the day when Aharon and his sons were presented to serve Adonai in the office of cohen, this portion was set aside for him and his descendants from the offerings for Adonai made by fire. 36 On the day they were anointed, Adonai ordered that this be given to them by the people of Isra’el. It is their share forever through all their generations.

37 This is the law for the burnt offering, the grain offering, the sin offering, the guilt offering, the consecration offering and the sacrifice of peace offerings 38 which Adonai ordered Moshe on Mount Sinai on the day he ordered the people of Isra’el to present their offerings to Adonai, in the Sinai Desert.