Add parallel Print Page Options

O kung ang sinoma'y sumumpa ng kaniyang mga labi ng walang dilidili na (A)gumawa ng masama o (B)gumawa ng mabuti, maging anoman na sinasalita ng tao na walang dilidili na kaakbay ang sumpa, at sa kaniya'y nalihim; pagka nalaman niya yaon, ay magiging makasalanan nga siya sa isa sa mga bagay na ito:

At mangyayari, na pagka siya'y magiging makasalanan sa isa sa mga bagay na ito, (C)ay kaniyang isasaysay yaong kaniyang ipinagkasala:

At dadalhin niya sa Panginoon ang handog niya dahil sa pagkakasala, dahil sa kasalanang pinagkasalahan niya, ay isang babae na kinuha sa kawan, isang kordero o isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan; at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan.

Read full chapter